Chapter 26

19.6K 496 44
                                    

I stood up to meet my daughter. Halos mawalan ako ng balanse nang bumangga ang katawan niya sa'kin. Mahigpit niyang niyakap ang baywang ko saka ito nag-angat ng tingin sa'kin.

"Mommy look! My tooth is wiggling!" ani nito at pinakita sa'kin ang ngipin malapit sa molar tooth na kanyang tinutukoy saka ito ginalaw-galaw.

I laughed with her cuteness as I caressed her long hair. Sa aking pag-angat ng tingin ay agad kong nakita ang pagpasok ni Daddy at Georgina sa opisina ko.

I moved and walked to meet them. I planted a kiss on Daddy's cheek and gave Georgina a genuine smile. Kaagad na ikinulong ng anak ang sarili sa aking mga braso habang nakatayo sa aking harapan.

Nakangiting bumagsak ang tingin ni Daddy sa anak ko.

"She's irritated. She badly wants to draw her tooth out dahil magiging dalawa na raw ang ngipin niya ro'n." Daddy explained that made me laugh even more.

Dad's eyes drifted back at me. I looked into my father's eyes.

For years, I have resented my father for abandoning us. But time did help me a lot to forgive him. Kami ni Miko. We're just waiting for him to talk and bring closure about it.

Mahigit isang notebook din ang naisulat kong galit para sa kanya at ngayon na binabalikan ko ang mga isinulat ko noon ay pinagtatawanan ko na lang. Masaya ako na hindi ko sinabi sa kanya ang mga iyon. Tiyak dadagdag lamang iyon sa mga pinagsisihan ko ngayon kung hinayaan ko na naman ang sariling magpadala sa galit ko.

Sinabi ni Daddy na nanggaling sila sa eskuwelahan ng anak ko at sinundo ito. Isa o dalawang beses sa isang linggo ito ginagawa ni Daddy. Pagkatapos maihatid ang anak sa'kin ay sabay kaming kakain ng lunch sa isang restaurant.

My mother is cool with it anyway. Matagal na niyang tinanggap at pinatawad si Daddy. Nauna pa sa'min ni Miko. Kung paano ay hindi ko alam.

After the lunch with Georgina and Daddy, I brought my daughter to the nearest mall. We always do this. Hilig niya ang matataong lugar. Madalas ay nagtatagal kami ng mahigit kalahati o isang buong araw sa pagliliwaliw sa mall. Pero ngayon ay hindi kami puwedeng magtagal dahil may mga trabaho akong naiwan. Paniguradong naghihintay na rin ang Nanny niya sa opisina ko.

"Mommy! I wanna buy makeups too!" My daughter dragged my hand into the makeup store. Mabilis kong pinigilan ang anak bago pa kami tuluyang makapasok sa loob.

"Makeups are for adults only baby."

"Hmp! I wish I grow fast." Humalukipkip ito at ngumuso.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng anak. Bumagsak ang tingin ko sa kanya. I hooked my forefinger under her chin and lift her head to face me.

My eyelids quaver when my eyes mirror hers. She exactly looks like me. From her black and straight hair, almond-shaped eyes, narrow and straight nose and light brown complexion. Wala akong makitang pagkakahawig sa ama niya. I don't know if that's a good thing or not.

Malungkot akong napangiti nang maalala ang sinabi ng anak.

"That's not a good wish baby. Enjoy your childhood. There's nothing to look forward to getting older." Walang isip-isip kong sabi sa anak at hinila siya sa isang bookstore.

"Books? Again?" she huffed.

Napangiti ako. Unlike me, she's not fond of reading. Nakakalungkot dahil hindi niya hilig ang hilig ko pero bata pa naman siya. Marahil ay hindi pa niya nababasa ang isang libro na magtutulak sa kanya na magustuhan ang pagbabasa at makahiligan ito.

"When are you gonna let me read El Estancia Mommy?" tanong nito habang nililibot namin ang bookstore.

Sumimangot ako sa naging tanong ng anak. Oo't wala siyang hilig sa children literature pero mausisa siya sa mga librong binabasa ko.

When Rain Falls (Friend Series #1)Where stories live. Discover now