Chapter 11

18K 561 8
                                    

This isn't my first time getting involved in an intimate relationship. For a kickoff Ace isn't my first boyfriend. I already had three exes before pero hindi ko rin sineryoso. I was so young when I began dating which is very wrong. I mean, anong alam ko sa pag-ibig sa edad na katorse?

I am certain that peer pressure did pressure me a lot to get a boyfriend that time. Pakiramdam ko kasi noon kapag wala kang boyfriend ay nahuhuli ka. People think you're crazy once they find out that you're NBSB. And it's just insulting and upsetting.

I've realized that what I've felt for my exes before is only an infatuation. May nagustuhan na isa sa mga ugali nila at nang makita ang flaw nila ay hiniwalayan agad. At ngayon ko napatunayan na hindi iyon pagmamahal. Kasi... ang tagal ko nang kinaiinisan ang pagiging snob at masungit ni Ace pero bakit sunod pa rin ako nang sunod sa kanya? Ginawa ko pa ngang boyfriend e.

At ngayong nakikita ko na may inaalalayan siyang ibang babae...

"Oh easy." Jo patted my back but I just shoved it. Alam ko naman na iniinis niya ako at hindi ako natutuwa.

Naglagay ulit ako ng alak sa shot glass at tinungga iyon. Mabilis ko ring kinuha ang iniihaw ni Raven at kinain 'yon. Sunod-sunod ang pagsubo ko ng karne kaya nang maubo ako ay mabilis na ibinigay sa akin ni Raven ang baso niya na may lamang tubig.

"Eat slowly." he reminded me that made me remind him.

Tiningnan ko ang gawi nila. Malayo ang mesa nila sa amin at masyadong crowded dito sa loob kaya hindi pa niya ako nakikita. Hindi naman ako ganoon kapapansin para tawagin siya at kunin sa mga kaibigan niya.

I know my limits and he's with his friends. Ganoon din ako. I just hate myself for feeling this way kaya sa pagkain at alak ko ipinokus ang atensyon.

Umangat ako ng tingin at nahuli kong nakatingin sa'kin si Step at Eve.

"Sino iyong kasama nilang sisiw?" tanong ni Step habang dinuduro pa ang puwesto nila kaya mabilis kong itinulak pababa ang kamay niya.

"'Di ko alam." I shrugged and stole the scissors and tongs from Raven. Kanina pa kasi siya ang nag-iihaw. Kawawa naman. Mukhang hindi pa nakakakain nang maayos.

"Augustinian e. Naka-uniporme pa." sabi ni Step at marahang siniko si Eve. "Kilala mo? Schoolmates niyo e."

Mabilis namang umiling si Eve. "Haven't seen her. Ibang college siguro."

"Don't worry. 'Di naman pala famous." pampalubag loob na sabi ni Step sa akin na ikinailing ko lang.

Ano naman ngayon?

"Look at them. They're really treating her like a princess." sabi ni Eve na ngayon ay nakatingin pa rin sa mesa nila Ace. "Ang sweet nila." Eve added.

Tiningnan ko muli ang table nila Ace. Mukhang mas close si Kai at Arthie sa babae. Si Julian at Ace naman ay sakto lang. O sadyang seryoso at tahimik lang ang dalawa?

Pinagmasdan ko ang babae. Tinatakpan niya ang bibig habang tumatawa at may nakalapag pang table napkin sa lap niya.

I pursed my lips seeing her so prim and proper. Hindi ko kailangang takpan ang bibig ko kapag tatawa ako. Hindi ko rin kailangang lagyan ang kandungan ko ng table napkin tuwing kakain ako.

Plantsado-plantsado pa ang uniporme nito kahit na tapos na ang araw. Mabilis kong tiningnan ang suot kong uniporme na gusot na ng kaunti. May mantsa pa dahil kumakain ako. My face grimaced thinking how messy was I. She's clean and hygienic. Katulad ni Ace.

"Ang malas nga natin at hindi ganyan ang mga kaibigan nating lalaki 'no?" pagpaparinig ni Step sa apat na abala sa kung anong pinag-uusapan nila.

Mabilis naman iyong narinig ni Alric kaya tumingin din siya sa tinitingnan namin.

"Tss. Walang ganyan." sabi ni Alric.

"Paanong wala? E nakikita mo na nga ngayon." asik sa kanya ni Step.

"Halata namang 'di kaibigan tingin ng dalawa sa babae oh." si Alric na naman ngayon ang dumuro sa gawi nila Ace kaya mabilis ko iyong tinampal.

Ang sama kaya tingnan na may dumuduro sa'yo lalo pa't kung 'di mo kakilala. Unang papasok sa utak mo na pinag-uusapan ka nila nang masama.

"Talaga?" usisa ni Eve na mukhang interesadong-interasado sa sinasabi ni Alric.

"Oo nga." Alric nodded and took a shot.

"'Yong mga mata nila oh, nagtu-twinkle twinkle." he said and pointed at their table again. Ibinaba rin agad nang mapansin ang matalim kong tingin sa kanya.

Mabilis naman silang tumingin sa mesa nila. He's referring to Arthie and Kai. Their eyes were twinkling while looking at the girl. Kulang na lang ay luhuran nila.

"Twinkle? Wala naman." sabi ni Eve kaya mabilis na idinuro ni Alric ang hintuturo niya sa noo ni Eve.

"Take it figuratively, Eve. You're so bobo talaga." Alric said shaking his head, amused with Eve for lacking of sensibility.

"I'm a man so I can tell when one is making a move." confident niyang sabi sa'min.

"Kaya magtaka na agad kayo kung maging ganyan turing namin sa inyo isang araw." Alric said and laughed.

Sabay-sabay na nalukot ang mukha naming tatlo habang tinitingnan siya.

"Kadiri ka!" Step said and hit him with her fist.

Alric dodged it and waved his right hand at someone behind me.

"Alvarez!" he shouted.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginagawa niya. Mabilis akong lumingon sa likuran ko na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Our eyes met. He's with that girl. Mukhang lalabas sila dahil nakahawak na siya sa handle ng pinto nang biglang tawagin ni Alric.

I should remind myself not to bring Alric with me if I want to save my reputation. Napakawalanghiya ng lalaking ito.

Walang nagawa si Ace kung hindi ang lumapit sa amin nang senyasan siya ni Alric na lumapit dito. Ako na lang ang nahihiya sa pinaggagawa niya.

Lahat kami ay nasa bagong dating na ang atensyon. Binati kami ni Ace. Tumango lang ang mga kaibigan ko. Ibinalik ko ang tingin sa harap. Nakahawak na siya ngayon sa likuran ng upuan ko dahil ramdam ko ang kamay niya na sumasagi minsan sa likod ko kapag gumagalaw ako.

"Babae ba 'yan?" Alric asked while peeking at the girl behind Ace. "Pakilala mo naman ako." Biro niya na ikinapikit ng mga mata ko.

That's not how you joke, stupid. Ano na lang ang iisipin ng babae? Na tingin namin sa kanya ay bakla? Kung abot ko lang si Alric ngayon ay baka sinasakal ko na siya ngayon.

Mabilis ang paghati ko sa mga karne upang doon ibunton ang inis na nararamdaman kay Alric. Halos subuan ko na nga si Raven na siyang walang pakealam sa mga bagong dating at tuloy lang sa pag kain. I just wanted to divert my attention to other things like grilling the pork. Basta malayo sa pinagsasabi ni Alric. Dahil kapag hindi ko siya natantiya ay siya ang hihiwain ko rito.

"Hi!" the girl greeted. "I'm Mira."

Napakabanayad ng boses niya.

Si Alric, France at Eve lang sa amin ang tumayo at tinanggap ang kamay ni Mira. Itinuon ko na lang ang atensyon sa pag-iihaw nang biglang umusog si Raven na nasa aking kaliwa. Pipigilan ko na sana dahil pinapakain ko siya ng iniihaw kong meat nang makita ko kung sino ang pumalit sa upuan ni Raven.

Sa rolex pa lang nitong relo at puting long sleeve na uniporme na naka-rolyo hanggang siko, I know it's Ace. Mabilis akong tumalikod para hanapin ang kasama niyang si Mira. She's with Arthie already.

Did I miss something? Bakit hindi na siya sumama sa kanila?

I shifted my seat to face him. "What are you doing here?" I asked with brows furrowed.

"Sitting, I guess." sarkastiko niyang sagot sa akin habang nakatingin sa mga kamay ko. He then snatched the tongs and scissors from my hand.

"You don't need to do that." I sweetly said.

Maging ako ay nagulat sa boses ko. Epekto ba ito ni Mira? Bakit ang bilis naman yata? I didn't know I could produce that sound. That sound I hated the most.

Harvey, on my other side, coughed. Siya na mismo ang tumapik sa sarili niyang likod nang hindi ako gumalaw at sumaklolo sa kanya. Mukhang nagulat din sa narinig.

Nang makabawi ay tumingin siya sa akin nang nakakaloko at handa na akong kantiyawan. Siya pa naman ang pinakaayokong inaasar ako. Wala pa man siyang sinasabi ay naiinis na agad ako makita pa lang ang ngisi niya.

Without thinking, I picked the piece of meat from the grill and put it inside his mouth. I know it's freaking hot and I might get burned but my will to zip his mouth from teasing me was more solid.

I even heard Ace calling my name but too late. Nailagay ko na sa bunganga ni Harvey ang grilled meat. I smirked, satisfied seeing his reaction in pain.

Mabilis niyang nginuya at nilunok ang karne at uminom ng maraming tubig habang tinitingnan ako nang masama.

"Tangina. Napaso ang dila ko roon, Rain. Wala naman˗"

I covered his mouth using my hand but he bit it. Baka kasi ipaalala pa ang narinig niya. I grunt in pain and quickly removed my hand from his mouth.

"Ang sakit." I eyed him furiously. "Magkakasugat pa yata ako sa'yo." sabi ko sa kanya at bahagya siyang tinulak.

Mabilis naman niyang kinuha ang kamay ko na kinagat niya.

"Patingin nga."

When Rain Falls (Friend Series #1)Where stories live. Discover now