Chapter 5

20.4K 671 63
                                    

"Kanina ka pa?" tanong ko at mas in-organize ang pag-aayos ng mga gamit dahil nanonood siya. Kunwari ay organized na tao.

"Sana ay 'di mo na ako hinintay." dugtong ko habang ipinapatong sa braso ang mga libro. Nang matapos ay humarap ako sa kanya at nakitang naglalakad na siya palapit sa kinaroroonan ko.

Pilit niyang kinukuha sa akin ang mga dala ko kaso ayoko. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng hiya dahil napagtanto ko na hindi kami. Baka isipin niya na inaabuso ko na siya dahil sa lahat ng pinaggagawa ko sa kanya ay hindi siya kailanman kumukontra.

"Huwag na Ace." pangatlong beses ko ng pagtanggi ito pero sinasabayan niya rin ang kakulitan ko.

"Let me, Rain." he said it for the third time.

Nag-agawan kami hanggang sa mahulog mga gamit ko.

"Ang kulit kasi!" I shouted.

Natutop ko ang sariling labi dahil sa pagsigaw ko sa kanya.

Shit. Hindi ko sinasadya.

Pumikit ako nang mariin at napailing habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit. Ngayon ay hindi ko siya matingnan dahil sa takot na makita ang reaksyon niya.

Wala na, sirang-sira na ako sa kanya. Sira na rin ang pagiging organized ng mga gamit ko kanina. Babalik at babalik pa rin talaga ako sa pagiging makalat.

Nang matapos ay saka lang ako tumayo at tiningnan ang kaharap. His brows were furrowed when I met his stares.

"Sorry."

"Are you mad?"

Tumawa ako nang sabay kaming nagsalita habang siya ay kunot ang noong nakatingin sa'kin.

"Hindi. Hindi ako galit." natatawa kong sagot.

He looks serious and sincere. Ayaw pa niyang lubayan ang paninitig sa akin na para bang pinag-aaralan pa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Teka." Hinawakan ko ang balikat niya para pigilan ang pagtalikod niya sa'kin.

"Nauto na naman ba kita, Ace Alvarez?"

Hindi niya ako sinagot at basta na lang akong tinalikuran. Tumawa ako nang marinig ang sunod-sunod niyang pagmura habang pilit kong sinasabayan ang malalaki niyang hakbang.

"Tingin mo magagalit ako sa'yo? Ang imposible naman yata no'n. Mamamatay muna ako bago magalit sa'yo." biro ko pero ang masungit ay hindi man lang ako pinansin. Ang lawak ng ngiti ko at minsan ay tumatawa pa habang tinitingnan ang likod niya kahit wala namang nakakatawa sa likod niya.

Alam kong sa lounge ang tuloy niya kaya sinundan ko lang siya. Nang makarating kami sa lounge ay napansin ko na nandoon na ang mga gamit niya. May kinuha siyang container at inilabas ang dalawang tupperware.

I bit my bottom lip because of the idea that he prepared us lunch. I tried to look at the monument of St. Joseph in front of us to divert my attention to it.

Kalma ka lang Rain. Tupperware pa lang 'yan.

Saka ko lang ibinalik ang tingin sa kanya nang maramdaman ang tingin niya sa'kin. I smiled but he was so snob. Parang hindi ako pinaghandaan ng lunch kung ismiran ako.

"Sorry na." I said and went near him.

"Hindi ko naman alam na seseryosohin mo ang pagtatampo ko at maghahanda ka pa ng..."

Tiningnan ko ang mesa sa harap. Bukas na ang dalawang tupperware at nasa magkabilang gilid nito ang kutsara't tinidor na nakabalot sa tissue. Ang sarap pa ng ulam. Walang gulay. Mukhang gusto talagang bumawi. May dalawang bottled water din na sira na ang seal pero nakatakip pa rin nang maluwag ang cap nito.

"Lunch para sa'kin. Peace offering ba 'to?" tanong ko at naupo na sa bangko.

I'm hungry so I start eating without inviting him. I just patted the space next to me, motioning him to sit down. Hindi ako nakapag-agahan dahil may six o'clock akong schedule na exam. Tapos one pa natapos ang huling exam ko ngayong araw. Nakakagutom talaga kapag may exam.

"Chew your food well, Rain." paalala niya dahil sunod-sunod lang ang subo ko. Tumango lang ako pero hindi ko sinunod ang payo niya.

I punched my chest lightly when I felt it tightened. I heard him hiss and gave me the bottled water. Kinuha ko iyon sa kanya at mabilis na uminom ng tubig.

"May exam ka pa ngayon?"

Umiling ako at pinagpatuloy ang pag-kain.

"Take your time eating then. Wala ka namang hinahabol na oras." sermon niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Ikaw?" tanong ko at binalewala ang kanyang sinabi.

He nodded his head as he was busy chewing his food. "Anong oras?" tanong ko ulit. He took his time chewing his food before he answers.

"Two to seven."

Tiningnan ko ang wristwatch na suot at nagulat nang makitang ala una y media na.

"Bilisan mo kaya? Ang bagal mong kumain." Malapit ko nang maubos ang laman ng tupperware ko samantalang iyong sa kanya ay hindi pa nangangalahati.

"Mabilis ka lang kumain." sabi niya saka sinara na ang tupperware.

"'Yon na 'yon? Tapos ka na?" gulat kong tanong dahil pinunasan na niya ang bibig gamit ang table napkin.

Kahit gusto ko pang ubusin ang laman ng tupperware ko ay hindi ko na lang inubos dahil baka mahuli pa siya sa exam niya. Kinuha ko na lang ang sandwich na dala niya kanina at iyon ang kinain ko habang nililigpit niya ang pinagkainan namin.

Tumingin siya sa akin na kumakain ng sandwich kaya tumigil ako sa pag-nguya. Umangat ang kilay ko sa kanya. Umiling lang siya at piniling huwag na lang magsalita at pinagpatuloy ang paglilinis.

"Bakit?" tanong ko dahil parang may gusto siyang sabihin.

"Wala. Ubusin mo na 'yang kinakain mo, babalik na ako sa classroom." suplado niyang sagot.

"Ako? Saan ako pupunta?" tanong ko.

"Umuwi ka na."

He talked to someone over his phone. Hindi nagtagal ay isang lalake ang lumapit sa amin at kinuha kay Ace ang container na naglalaman ng tupperware.

Nang makaalis ang lalake ay kinuha na ni Ace ang mga gamit niya at handa nang umalis. Kaya kinuha ko na rin ang mga gamit ko. Nahuli kong nakatingin siya sa mga dala ko na parang siya ang nahihirapan para sa akin.

"Tawagan mo ang driver mo at dito ka na lang kunin."

Kaagad ko namang sinunod ang sinabi niya. Abala akong kausapin si Manong kaya hindi ko napansin na iniwan na ako ni Ace sa lounge. Hindi pa siya nakakalayo kaya mabilis ko siyang sinundan. Ang lalaking ito talaga kapag inabot ng kabastusan...

I chose to leave my things there para kapag makarating na si Manong ay hindi na siya mawalan sa akin. Ace turned when he noticed me following him. He gave me a questioning look, more like an accusing look.

"Hindi kita sinusundan. Huwag kang feeling." I defended.

"Go home then." sabi niya.

"I'm going home." I smiled.

When Rain Falls (Friend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon