Chapter 31

21.1K 519 36
                                    

"Try this shade, Mommy." Aesthrielle handed me a red velvet lipstick.

Nasa loob kami ngayon ng isang cosmetic store. Nakaharap ako ngayon sa salamin at kung anu-ano ang pinapasubok sa'kin ng anak ko. Nakatayo siya sa isang high stool at halos lahat ng saleslady at iilang customers dito sa loob ng store ay nasa amin na ang atensyon.

We're almost creating a scene inside because of my daughter being clamorous. And I guess our matchy outfit helped a lot to make us the center of attraction wherever we go. We're both wearing a pink floral dress paired with white flats. Naka-hairclip rin kami pareho ng kulay pink at nakalugay ang mahaba naming buhok pareho.

"This one pa." She handed me the nude lipstick.

"Baby, you know that I don't like anything but red lipstick." sabi ko pero sinubukan ko pa rin ang nude lipstick na inabot niya. I'm not fond of nude lipstick. Pakiramdam ko ay mas nagiging dull ang mukha ko.

"Oh!" Aesthrielle giggled when she saw me with nude lipstick.

"See? It's awful." I said and was about to erase it but she stopped me.

"No Mommy. It looks good on you! You should use nude makeups sometimes. You're going to standout naman either with light or heavy makeups. Or even without makeup. You're beautiful as it is." she said and kissed my cheek.

I looked into her almond eyes. This kid never fails to make me feel good about myself. Hindi ko alam kung inuuto lang ba ako nito o ano.

I wrinkled my nose. She did the same. Hindi ko mapigilang kurutin ang kanyang pisngi sa panggigigil. "Baby, puwede mo nang palitan ang saleslady dito." I said and hugged her tight.

Pinunasan ko ang labi ko ng tissue.

"Call your daddy. Let's try this on him." I said and winked at her when she gave me another shade. Mukhang nagustuhan naman niya ang ideya ko at biglang na-excite kaya mabilis siyang bumaba sa stool at tumakbo palabas ng store.

"Daddy, come on! You're so big yet so slow ugh!" malayo pa lang ay rinig ko na ang reklamo ng anak ko.

Tiningnan ko sila. May trabaho siya ngayon pero dahil makulit kami ni Aesthrielle ay wala siyang nagawa kung hindi ang samahan kami. We'll do grocery later at walang magbibitbit ng pinamili namin kaya might as well, siya ang gawin naming tagadala ng mga bibilhin namin.

"Naman oh." nakasimangot siyang nagpapahila sa anak ko habang dala-dala ang fuchsia naming sling bag.

Halos lahat ng tao rito sa loob ay nakatingin sa kanya na parang tanga na nagrereklamo ng kung anu-ano sa anak ko.

"May reklamo ka?" singhal ko sa kanya nang makalapit sila sa akin. Binuksan ko ang lipstick na binigay sa'kin ng anak ko.

"Sabi ko nga." he huffed and rolled his eyes.

"Daddy, sit." utos sa kanya ni Aesthrielle habang tinuturo ang stool kung saan siya nakatayo kanina.

"Ano ako? Aso?" reklamo niya pero sinunod din ang anak ko habang yakap-yakap ang sling bag namin.

Natawa ako nang pumikit pa siya eh lipstick din lang naman ang ilalagay ko sa kanya.

"Try moving your lips Daddy like this," Aesthrielle said and gave him a demonstration. Ginaya naman ni Jo ang ginagawa ng anak ko kaso nalasahan niya yata ang lipstick.

"Pwe."

Aesthrielle and I laughed seeing him made face. Ang dami pa naming sinubok ni Aesthrielle sa kanya saka ko binayaran lahat ng binuksan ko.

"Pucha nasaan ba ama niyo pareho?" rinig kong reklamo niya sa likuran namin habang dala-dala ang mga paper bag.

"Mommy, let's go there!" turo ni Aesthrielle sa isang boutique ng sikat na brand ng clothing.

When Rain Falls (Friend Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu