Prologue & Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Sandaling nag-isip muna ang lalaki. Ilang sandali pa...

"Iuuwi natin siya sa bahay. Pansamantala, tayo na muna ang kukupkop sa kanya. Mas mabuti na iyon kesa ilapit natin sa pulis agad. Baka may nagbabanta sa buhay niya kaya siya iniwan ng kung sino rito para di mahanap." –Mang Jose

"Kung sabagay, tama ka nga. Sayang naman ang ganito ka-cute na baby kung mapapahamak lang, diba?"

"Oo. Kaya tayo na munang umuwi sa atin."

Nang tumango ang ginang ay inakay na ng asawa ang huli. Habang naglalakad...

"Siyanga pala, ano kayang ipapangalan natin dito sa sanggol? Alam mo na..pangalang itatawag natin sa bata habang nasa atin siya." –Mang Jose

Matagal na nag-isip si Aling Lolita. Mayamaya pa'y binalingan ang sanggol na noo'y mahimbing nang natutulog at ngumiti...

"Aya. Iyan ang itatawag natin sa kanya mula ngayon."

"Napakagandang pangalan, Lolita. Bagay na bagay sa sanggol na ito." –Mang Jose

Mula noon, inalagaan na ng mag-asawa ang sanggol. Napagpasyahan nila na sila na ang kukupkop at tatayong mga magulang ni Aya.

Chapter 1:

"Inay, aalis na po ako."

"Ha? Teka." si Aling Lolita na pansamantalang itinigil ang paghuhugas ng pinagkainan nilang mag-anak. Tinungo ang sala kung saan naroon at naghihintay ang nag-iisa nilang anak ni Jose.

"Si itay po?" ang dalaga na nagmano pa sa kaharap na matanda.

"Aba'y umalis na noong nasa banyo ka. Mahuhuli na raw siya e."

"Ganoon ho ba? O siya, sige ho. Ako'y lalarga na din."

"Mag-iingat ka."

"Salamat ho."

Iyon lang at umalis na ang dalaga. Hindi naman umalis sa pinto si Aling Lolita hangga't natatanaw pa ang anak. Saka lamang ito bumalik sa loob nang tuluyan ng ‘di matanaw ang anak.

Ilang taon na nga ba ang lumipas? Napakabilis talaga ng panahon. Ang dating sanggol na kanilang kinupkop at inaruga ay ganap ng dalaga ngayon. Isang napakaganda at masunuring tao. Noong i-report nila ang tungkol kay Aya, marami ang gustong umangkin sa sanggol dahil sa isang napakahalagang bagay na nakita nilang suot nito noong kanila itong natagpuan sa park— isang kwintas. Napag-alaman nila na ang kwintas na pagmamay-ari ni Aya ay nagkakahalaga ng milyun-milyong pera.

Ipinasya nilang mag-asawa na itigil ang paghahanap sa pamilya ng sanggol. Maraming masasamang tao ang nagkainteres sa kwintas, at tiyak na mapapahamak lamang ang bata oras na mapunta ito sa taong mapagsamantala. Ipapaubaya na lamang nilang mag-asawa sa kapalaran ang lahat! Mabait ang Diyos. Tiyak na may paraan siya upang pagtagpuin uli sina Aya at ang pamilya nito para magkasama. Naniniwala din sila na darating ang tamang oras para makilala ng anak ang tunay nitong pamilya.

"Aya!" tawag ng dalaga sa kaibigan. Kumakaway pa ito sa direksyon ng tinatawag.

Napangiti si Aya. Agad na nilapitan ang kaibigan sabay tanong, "Kanina ka pa?"

"Hindi naman." umiling pa ito. "Kadarating ko lang din e."

"Tara na?"

"Sige."

Tinungo na nilang dalawa ang paradahan ng dyip at fx. Sumakay sila sa nasa unahang dyip na bibiyahe patungong Pasay. Madadaanan ng sasakyan ang opisina kung saan sila parehong nagta-trabaho bilang accountant.

Samantala sa mansyon ng mga Gonzales kasalukuyang sinesermunan ni Mrs. Gonzales ang nag-iisang anak na lalaki.

"Ano ka ba naman ha, Ian?"

"Ma... M-mamaya na lang tayo mag-usap. Inaantok pa ako e." si Ian na nagsalita nga pero nanatili namang nakapikit.

"Hindi. Bumangon ka riyan at mag-usap tayo." ang ginang. "And I'm telling you, hindi mo gugustuhing magalit ako once na ‘di ka pa bumangon diyan!"

Hindi pa rin natinag ang lalaki kaya naman sumigaw na talaga ang ginang. Agad namang napabalikwas ng bangon ang binata na kakamot-kamot pa sa ulo.

"Uminom ka na naman daw kagabi? Talaga bang sisirain mo na buhay mo ha, Ian Kenneth?"

Napangiwi ang binata. Galit na ang mama niya. Bakit nga ba hindi? Tinawag siya nito sa buong pangalan. At ang dahilan ng galit nito ay ang paglalasing niya simula ng mangyari ang bangungot na iyon!

"Ma..."

“Ano ka ba naman iho, hindi ka na bata. You're twenty eight turning twenty nine this year. And yet, wala pa ring tiyak na direksyon ang buhay mo. Lagi ka na lang naglalasing. Di ka naman dating ganyan." ang maktol pa ng ginang.

"Sumunod ka sa komedor. Doon natin ipagpatuloy ang diskusyong ito."

Sasagot pa sana si Ian pero tinalikuran na siya ng ina. Kaya hayon, kahit gusto pa niyang ituloy ang pagtulog ay ipinasya na niyang bumangon. Mahirap na, baka tuluyan nang mainis sa kanya ang ina. Ang hirap pa naman nitong suyuin kapag nagtatampo.

Itutuloy...
~~~~~~~~~~~
•END OF CHAPTER 1•
©Gonzales Empire Series 1
Mending a broken heart
by: HyeiaYoon

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now