Chapter 23

1.9K 35 1
                                    

Chapter 23:

"Kanina nga pinahanga mo ako kasi nakaya mong humarap at sabihin sa lahat ang nararamdaman mo. Sa lahat ng mga nangahas na manligaw sa akin ikaw lang ang gumawa niyan. Doon pa lang, nakita't naramdaman ko na agad na mabuti ang intensyon mo."

"Nakakagulat and at the same time nakakatuwang isipin na malaman ko na ganyan pala ang estado ko sa puso mo. Tinanong kita kung bakit ako? At dun sa isinagot mo feeling ko ngayon grabeng haba ng hair ko. Siguro nga umabot hanggang Monumento e.."

Nagkatawanan ang mga bisita sa biro ni Aya.

"Hindi ako perpekto gaya ng iniisip mo. Nakakagawa rin ako ng mali gaya kanina. Bunga ng hinanakit, nagkasala ako kina nanay... Buti na lang agad ko ring narealize yun at di naman sila nagalit.."

"Ian, baka di ko ma-meet ang expectations at standards na hinahanap mo sa isang girlfriend kung sakali. Iyon ang ikinatatakot ko... Baka masira ang magandang relasyon natin bilang magkatrabaho o di kaya bilang magkaibigan. Isa pa, paano sina nanay? Hindi ko pa natutupad iyong pangako ko na ibibili ko sila ng bahay at lupa."

"Hindi naman sa isinasarado ko na ang puso ko. Hindi rin ako nagsasalita ng tapos. Mahalaga ka sa akin higit pa siguro sa iniisip mo. Nagpapasalamat nga ako dahil di pala one-sided ang nararamdaman ko..."

"Hindi kita pinagbabawalang ligawan ako dahil aaminin ko na mapakalaki ng pag-asa mo. Iyon nga lang may kailangan muna akong ayusin. Ilang tanong sa isip ko ang gusto kong mahanapan ng sagot. Kung sino ba talaga ako? Ang pamilya ko? Nasaan ba sila at kung bakit nila ako nagawang iwan? Sana maintindihan mo ang punto ko."

Pagbaling niya ng tingin, kita niya si Ian na tumayo at ngayon nga'y lumalapit na sa kanyang kinatatayuan. Kilig naman ang mga naroon dahil para silang nanonood ng pelikula sa sine ng live!

Hustong makalapit, agad na ginagap ng binata ang isang palad ni Aya at bahagyang pinisil. Napangiti ang dalaga at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Wag kang ganyan sir, kinikilig na sila o." tukso ng dalaga.

Lalong namilipit sa kilig ang mga bisita. Dinaig pa nga nila sina Coco Martin at Julia Montes. Kung nagkataong nag-artista silang pareho baka sila na ang pinakasikat na loveteam sa showbiz!

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now