Chapter 52

1.9K 27 1
                                    

Chapter 52:

Gaya nga ng inaasahan, natuloy ang pag-aasikaso ng kasal nina Aya at Ian. Isinabay na rin ang announcement ng engagement nina Cindy at Dr. Christian Graciano. Nagawa na ngang maipakilala ni Christian ang nobya sa pamilya at si Nelize ang pinakanatutuwa sa nangyayari.

Naitakda ang petsa ng kasal ng magkapatid sa kani-kanilang mga nobyo. Magkakatulong rin sa pag-aasikaso ng kakailanganin ang magkabilang partido. Seminar rito, seminar doon. Fitting ng damit, pagbibigay ng invitation cards at marami pang iba. Gayunpaman, di kababakasan ng pagkabagot ang magkasintahan. Parang mas lalo pa ngang tumitindi ang pagmamahal at sweetness nila sa isa't isa.

Dalawang araw bago ang kasal, sinimulan nang pagandahin at i-makeover ang magkapatid. Kasama rin nila sina Jenny at Nelize na siyang gaganap na mga maid of honor nila. Maganda ang naging samahan nila pagkat naging barkada ang kanilang turingan. Mas lalo pang masaya dahil nariyan ang mga lalaking nagbibigay-kulay sa mundo ng apat.

"Ikakasal na kayo.. Nakakatuwa naman!" si Jenny.

"At nakakainggit.."

Nagtawanan silang apat. Naroon sila sa botique ng pinsan ni Dion. Nagpapafacial, manicure at pedicure..

"Kaya nga dapat magpakasal na rin kayo ni Jim." si Aya.

"Ay naku, di pa sawa sa pagkabinata ang mokong.. Pag ako nainip, hahanap na lang ako ng iba."

"As if naman magawa mo..." si Nelize.

Nagtawanan ulit ang apat.

"E paano kung wala siyang planong magpakasal?"

Natigilan si Jenny sa tanong na iyon ni Cindy. Nag-isip nang malalim.

"Hey, biro lang yun. Wag mo masyadong seryosohin.."

"Hindi naman. Ang totoo, di pa namin napapag-usapan.. Siguro, okay na rin para mas maenjoy namin ang isa't isa.."

"Agree!" sang-ayon ni Nelize.

"E, ikaw?" binalingan ni Cindy ang katabi.

"A-anong ako?" si Nelize.

"Wala pang plano? I mean, di pa ba nagpopropose ang boylet mo?"

"Actually, he did. Pero umiwas ako.."

"W-what?!" sabay na tanong ng tatlo.

"Bakit mo naman iniwasan?" si Aya.

"Oo nga. Ayaw mo bang ikasal sa kanya?"

"Honestly, mahal ko siyang talaga. Pero ayoko namang gumawa ng desisyon na di pa ako handa. Unfair sa aming dalawa.."

"Kung sabagay. E kung i-cancel ko rin kaya ang kasal namin.."

"Aya!"

"Joke lang. Masyado kasi tayong seryoso.."

"Ikaw talaga. Luka-luka kahit kailan.." si Jenny.

"Hello, di naman ako baliw na tatanggi. Matagal ko na kayang pinangarap 'to. Bukas, makalawa iba na ang status ko.."

Ngumiti ang tatlo. Matapos pag-usapan ang tungkol sa kasal, marami pa silang napag-usapan.

Gabi na nang lisanin na nila ang botique. Nagpasundo na lamang sila sa driver nina Aya. Simula sa gabing iyon hanggang sa araw ng kasal, doon muna matutulog sina Nelize at Jenny. Habang papalapit ang araw ng kasal, pinagbawalan munang magkita ang bride at groom. Gayunpaman, gabi-gabi rin silang nagtatawagan. Gaya ng gabi kung saan bukas na ang araw ng kasal.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now