Chapter 28

1.8K 41 3
                                    

Chapter 28:

"Hmm... Ano naman kayang maganda na maging endearment natin?"

"Endearment? Kailangan pa ba nating magkaroon ng endearment? Di ba puwedeng by nickname na lang?" si Aya.

"Hindi puwede na by nickname lang. Dapat may sweetness kahit sa pinakamaliit na detalye ng ating relasyon." si Ian.

"Ganun?"

"Oo. Kaya sige na, isip ka na dali. Tapos yun magiging tawagan natin."

Hinimok pa siya nitong mag-isip.

Hmm... Ano nga ba Aya?

Nag-iisip siya pero kahit anong pilit ay wala siyang maisip liban sa honey, sweetheart at love.

"Honey na lang."

"Honey? Hmm.. Wag yun masyadong gasgas."

"Sweetheart kaya?"

"Aya, karamihan ay yan na ang gamit.."

"E, love kaya? Sa tingin mo?"

"Uhmm.. Di naman unique e. Isip ka pa..."

Nag-isip nga ang dalaga pero wala talaga.

"Wala na 'ko maisip e. Sabi mo dapat unique, e lahat naman ng tawagan e nagagamit na. 'Kaw na lang mag-isip tutal idea mo naman ito e."

Ilang sandaling natahimik ang binata. Nag-iisip talaga ito! Sa totoo lang aliw na aliw naman siya na pagmasdan ang mukha ng kanyang nobyo. Kumukunot kasi minsan ang noo nito. Minsan naman ay matigas na umiiling marahil ay di sang-ayon sa mga ideya na pumapasok sa isip nito. Mayamaya, mukhang may naisip na ito base sa naging reaksyon. Napapitik ito sa hangin at pagkuwa'y ngumiti nang malawak na animo ay nanalo ng jackpot sa lotto!

"O, ano?" si Aya.

"Naisip ko na kung ano ang maganda na maging tawagan natin..."

"Ano?"

"From now on we will be addressing each other as Mhako. Ke nasa opisina tayo o wala iyan na ang itatawag natin sa isa't isa."

"Mhako? Teka, ano namang ibig sabihin ng salitang 'yan? Ngayon ko lang narinig..." tanong ni Aya.

Lalo namang napangiti ang binata saka sinagot ang kanyang tanong.

"Good question Aya. Actually mahal ko ang ibig sabihin nun. Kesa mahal ko ang itawag ang maging endearment natin I decided na paiksiin na lang para unique din. What do you think?"

Mhako... Mahal ko... Puwede...

"Iyon pala meaning nun.." si Aya na tinanguan naman ng binata.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora