Chapter 40

1.7K 42 0
                                    

Chapter 40:

Habang sila'y kumakain ng hapunan, itinanong ni Aya sa kaibigan ng nobyo kung ano ang sadya nito.

"A, eh ano... A-ano kasi..."

"Magpapatulong siya sa atin, nah! Sa'yo pala." si Ian na ang sumagot sa tanong ng nobya.

Patuloy lamang sa pagsubo ng pagkain ang mga magulang ni Aya bagaman nakikinig pa rin.

"Papatulong? Sa akin? Para saan?"

"Mhako, hindi para saan ang tamang term kundi para kanino?"

Lalo namang naguluhan ang dalaga. Hindi na muna niya isinubo ang kutsarang may lamang kanin sa kanyang bibig para makapasalita.

"Liwanagin n'yo nga. Ang gulo n'yong dalawa e..."

"Si Jen kasi..."

"Liligawan mo?"

"Paano mong nalaman?"

Ngumiti si Aya saka sumagot.

"Kita ko sa mga mata n'yo e. Hindi siya nagsasalita sa akin at aminado ako na clueless nung una. Pero ngayon, napansin ko na kapag niyayaya ko siya at andyan ka, para siyang takot sa di malamang dahilan."

"Aya, tulungan mo naman ako sa kanya. I know na nagtatampo pa rin siya pero heto na ako o. Handa nang bumawi.."

"Hmm.. Let me see.." nag-isip ang dalaga.

Napatingin naman sina Jim at Ian maging ang mag-asawang Jose at Lolita pati ang kanyang mga magulang sa kanya. Hinintay muna siyang makapag-isip ng maigi.

"Okay. Tutulungan kita if you'll promise not to hurt her or make her cry. You must make her happy. Kung di mo kaya, mas mabuti pang hayaan mo na lang ang bestfriend ko."

Tumahimik si Jim. At iyon ay binigyan ng dalaga ng ibang kahulugan. Nasaktan siya para sa kaibigan.

"Excuse lang ho." akmang titindig na ang dalaga.

"Saan ka pupunta iha?" si Gino.

"Di ka pa tapos kumain a." si Guarra.

"Sa kwarto dad. Busog na ako mom. Sige ho."

Walang nakapigil sa dalaga na lisanin ang kumedor. Naiwan tuloy roon ang magkaibigang binata, si Shaira, ang nakagisnang magulang at ang tunay na magulang ni Aya.

"Pasensya na ho sa inyo. Mukhang na-misinterpret niya ang iginawi ko." hinging-paumanhin ni Jim.

"Ayos lang pare. Di din naman masisisi si Aya. She's being protective sa feelings ni Jenny e." si Ian.

"Ikaw na bahala umintindi sa kanya Jaime." si Aling Lolita.

"Mahal kasi niya si Jenny higit pa sa isang kapatid. Naging tagapagtanggol kasi sa tuwing babastusin si Aya kaya sobrang pinapahalagahan yan ni Aya."

"Alam ko naman ho. Gusto ko lang talagang magkaayos kami ni Jen." si Jim.

"Sige na iho, tutulungan ka namin. Ano bang plano mo?" ang mag-asawang Go.

"Actually, si Ian po ang nakaisip nito e. At tingin ko, mukhang effective naman."

"Sige, sabihin mo.."

At sinabi nga ni Jim ang plano nila. Nang matapos, napakalawak ng pagkakangiti ng mga naroon lalo na ang mag-asawang Lolita at Jose.

"Di kaya lalo siyang mainis sa gagawin mo?" si Aling Lolita.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora