Chapter 35

1.6K 35 0
                                    

Chapter 35:

"Did you just said na...."

Tumango ang dalaga.

"Cindria ang pangalan ko. Cindria Go. A-ang mga magulang ko, ang fiancee ko... Tiyak na nagluluksa sila sa pag-aakalang patay na ako!"

"May iba ka pa bang naaalala liban sa kanila?"

Pumikit ang dalaga. Inalala ang kanyang panaginip. Tahimik namang naghintay si Christian. Mayamaya...

"Sakay ako ng chopper patungo ng Cebu. Hahanapin ko ang kakambal ko kaso nagkaproblema ang engine ng eroplano. Hanggang sa mag-crash.. Sa karagatan ako nagpalipas ng mga araw na tanging lumulutang na troso lang ang kinakapitan. Nagawi ako sa pampang kung saan ako nawalan ng malay dahil na rin sa pagod."

"At dun ka nakita ng mga mangingisda..."

Muling tumango ang dalaga at nagsalita.

"Kailangan kong makauwi sa amin. Kailangang malaman nina mommy at ng nobyo ko na buhay ako..."

Di nakaimik si Christian. Kung gayon, mas mapapaaga pa pala ang paghihiwalay nila ng dalaga.

"Christian, tulungan mo ako. Please?"

"Paano kung pagbalik mo di na gaya ng dati?"

"What do you mean na iba kesa dati?" si Emerald/Cindria na di napigilan ang pangungunot ng noo.

"Let's say nakapag-move on na ang nobyo mo. Remember, mahigit tatlong taon na ang nagdaan.. Do you expect na ganun pa rin ang nararamdaman niya?"

Natahimik si Cindy. Posible nga iyon. Pero umaasa pa rin siyang di pa huli ang lahat sa kanila.

"Christian, tutal naman tinulungan n'yo na ako ni Nelize.. Hihingi sana ako ng isa pang pabor..."

"Sige, sabihin mo. Pipilitin naming matulungan ka sa abot ng aming makakaya."

"Salamat." si Cindy. "Puwede mo ba akong tulungang hanapin ang kamag-anak nung pamilya na nakapulot sa kakambal ko? Gusto kong bigyan ng sorpresa sina daddy na pagbalik ko, kasama ko na si Catherine..."

"Okay sige. Tutulungan kita." si Christian. "Pero Emerald, I mean C-Cindy... Hindi ko iginigiit na kinalimutan ka na ng nobyo mo. Pero nagsasabi lamang ako ng mga posibilidad. Nakahanda ka ba?"

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें