Chapter 43

1.5K 39 0
                                    

Chapter 43:

"Hayan, magkikita na kayo ng pamilya mo.. Goodluck ha?" si Nelize.

"Salamat. Maraming salamat sa lahat. Di ko ito makakalimutan.."

"Mamimiss kita. Di bale, nasa akin naman ang number at address mo e."

"Tatawagan kita ng madalas."

Narinig nila ang pag-anunsyo na tinatawagan na lahat ng pasaherong patungo ng Maynila.

"O, pa'no alis na ako.." si Cindy.

"Kuya ha? Ingat kayo."

Sabay nang pumasok ng Departure Area ang dalawa. Minsan pang nilingon ni Cindy ang dalagang itinuring na rin niyang kaibigan. Pagsakay ng eroplano, kinampante ng dalaga ang kanyang sarili. Nasa tabi niya ang binatang doktor.

"Christian..."

"Hmmm..."

"Salamat. Pagdating natin ng Manila, puwedeng doon ka muna sa amin tumuloy.."

"Salamat na lang pero maghotel na lang siguro ako."

"Gagastos ka pa? Dun ka na lang sa amin para sulit ang ilang araw mo.."

"4 days lang naman ang ilalagi ko rito. May bibisitahin lang then, diretso uwi na rin siguro. Alam mo na, kailangan ako sa clinic..."

"Ganun ba?"

"Uhmm.." tumango pa ang doktor.

Tumahimik na rin ang dalaga. Hanggang sa sabihin na ng attendant na patayin na muna ang mga cellphone, wala nang nangahas na magsalita sa kanila.

At habang nasa himpapawid, nakatulog naman si Christian habang si Cindy, abala ang isip at damdamin. Naroon ang pananabik na makita ang mga magulang. Pero naroon din ang takot na baka di maniwala ang mga ito na siya si Cindy.

Tatlong taon... Tatlong taon nilang inakala na patay na ako... Pero heto ako, buhay na buhay...

After a very long time, makakasama ko na rin sila... Lalo pa ngayon, alam ko na kung saan kita makikita... Catherine, I can't wait to see you...

Napangiti siya nang maisip ang kakambal na di pa rin nakikita. Mayamaya, napatingin siya sa katabi. Kita niya ang payapang anyo ng binata. Himbing ito kaya sinamantala na niya ang pagkakataon na pagmasdan ang mukha nito habang may pagkakataon pa.

Alam niya, paglapag ng eroplanong ito sa Maynila, iyon na ang simula ng paghihiwalay nila ng landas.

Samantala...

"O, heto na pala ang naggagandahan n'yong nobya e.." si Luis.

Umabriste naman si Jenny sa nobyo. Habang si Aya naman, inakbayan ni Ian.

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now