Chapter 51

1.8K 38 4
                                    

Chapter 51:

"Aya, andyan ka pa ba?"

"O-oo ate."

"My God! Ano ba talagang nangyari ha? Pinag-alala mo kami ng sobra. Si mommy, di matigil sa kakaiyak.."

"P-pasensya na ate. Nawala sa isip kong tumawag e."

"Kumusta ka na? Saan ka bang ospital ka ba naka-confine? Pupuntahan ka namin.."

"Ha? No need, ate. Okay lang ako."

"Are you sure? E sabi ni Jim naaksidente ka raw. Tapos di ka nga makontak kaya narito kami sa police station para humingi ng tulong.."

"Di ako ang naaksidente ate. I'm definitely okay.. Tinulungan ko lang si Aling Maria para madala sa ospital.."

"Ganoon ba? Buti naman at walang masamang nangyari sa'yo. So, nasa ospital ka pa rin hanggang ngayon?"

"Wala na ko dun ate. Umalis na ako nung dumating yung kakilala nung pasyente. At magugulat ka sa ibabalita ko sa'yo mamaya.."

"Talaga? Ako rin may ibabalita sa'yo.. Tiyak na ikatutuwa mo rin ito.." si Cindy na sumulyap pa kay Ian na sobrang busy sa pakikipag-usap sa mga pulis.

"Tama. Kailangan ko rin ng makakausap at makakapagpagaan sa loob ko.."

Di nakaligtas sa pandinig ni Cindy ang bahagyang paggaralgal ng boses ng kakambal.

"Umiiyak ka ba?" nasa boses ni Cindy ang pag-aalala. Napatayo naman si Ian at bakas sa mukha na sobra itong nag-aalala para kay Aya.

"H-hindi." sabi ni Aya. "S-sige na ate, umuwi na kayo. Sa bahay na lang tayo magkita.. Isasama ko na rin ang sorpresa ko sa'yo." dagdag pa niya.

"Sige, ingat ka. Hintayin ka namin sa bahay.."

Nang ilapag ni Aya ang cellphone sa dashboard ng kotse, pinuno na rin niya ng hangin ang dibdib. Maiiyak na naman kasi siya.

Nang makalma ang sarili, pinaandar na ni Aya ang kotse. Babalik siya sa ospital upang yayain si Dr. Graciano na sumama papunta sa kanilang mansyon.

Samantala, binalikan ni Cindy ang mga kasama upang ipaalam ang magandang balita.

"Dad, mom.. Umuwi na tayo.."

"Pero wala pa tayong lead sa kinaroroonan ng kapatid mo—"

"Di na ho kailangan. Nakausap ko na po si Aya at okay lang siya.."

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now