Chapter 13

2.1K 55 0
                                    

Chapter 13:

Nakarating sina Aya at Ian sa opisina nang di namamalayang pinagpustahan na pala sila ng ilan sa empleyado roon sa Gonzales Empire.

"Sige sir. Punta na po ako sa aking mesa."

"Uhh... Aya.." si Ian. "Salamat sa pakikinig ng kuwento ko."

Awts! Akala ko magtatapat na siya sa akin. Ambisyosa lang? Pagbigyan n'yo na ko, minsan lang..

Nginitian ng dalaga ang binata sabay sabi.

"Sus! No problem. Anytime sir. Sige..."

"Okay."

Diretso na si Aya sa kanyang mesa. Si Ian naman agad na ring pumasok sa kanyang opisina. Back to business ulit ang dalawa. Kapwa subsob sa trabaho. Ang binata, ipinagpatuloy ang pagpirma at pag-aaral sa mga iniwang dokumento kanina. Ang dalaga naman, abala rin sa naantalang gawain bago siya niyayang magtanghalian ni Ian.

Inaayos ni Aya ang schedule ng kanyang boss. Mga conference, meetings, special gatherings, at mga seminar na dapat nitong daluhan. Dahil sa sobrang kaabalahan ng dalawa, di nila namalayan na gabi na pala.

Pumasok si Aya matapos ang tatlong sunod na pagkatok.

"Sir, heto na po yung pina-print sa akin ng daddy n'yo. Pero sa inyo ko na ibinigay dahil iyon ang sinabi ni Mr. Gonzales." si Aya.

Kinuha naman ni Ian ang inabot ng dalaga.

"Thank you."

Sakto namang napatingin si Ian sa wall clock na naroon sa loob mismo.

"Fifteen minutes before eight. Gabi na pala!"

"Oo nga sir. Di ko rin namalayang gabi na."

"Patapos na ako. Kung okay ka na, puwede ka nang umuwi." si Ian.

"Eh kayo sir?"

"Uuwi na rin. Liligpitin ko lang ang mga ito."

Tatalikod na sana si Aya nang tawaging muli ni Ian. Lumingon ang dalaga, nagtatanong ang mga mata.

"Wala lang, I just want to remind na ingat ka sa pag-uwi. Or it would be much better kung ihahatid na kita pauwi."

"Naku sir, wag na lang. Nakakahiya. Isa pa, lagi kaming sabay umuwi ni Jenny. Salamat na lang."

"Okay."

Tuloy na sa paglabas si Aya. Nagligpit na rin ng mga gamit at pagkatapos tinungo na ang elevator. Sumakay siya at pinindot ang button. Pupunta siya sa Accounting department.

Tiyak na naroon si Jenny at hinihintay siya. Gaya ng dati. Pero nang makarating roon, walang Jenny na naghihintay sa kanya! Nagkamali yata siya ng sapantaha dahil maaga na palang umalis ang kanyang kaibigan!

Ano'ng nangyari at nauna siyang umuwi?

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now