Chapter 21

1.8K 41 1
                                    

Chapter 21:

"Basta alam mo naman e. Kapag may problema ka, lagi lang naman akong nandito. Di mo lang alam, pero super lakas mo sa akin. Bestfriend kita, yan lamang ang masasabi ko. I may not be the best but I can be real. I may not please everyone but I'm always your dearest friend. Again, magandang gabi po sa lahat ng naririto."

Palakpakan ang lahat sa pagtatapos ni Jenny sa kanyang mensahe. Bumalik na siya sa kanyang upuan nang muling magsalita ang emcee at isa sa empleyado roon sa hotel.

"Wow! Ngayon lang ako nakasaksi at nakarinig ng puro papuri a! Nakapagsalita na po ang ilan sa bisita. At ang katatapos lamang magbigay ng mensahe ay ang matalik na kaibigan ng ating celebrant. Ngayon, pakinggan naman natin ang masasabi ng parents ni Miss Aya. Ma'am, sir... Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan!"

Tumayo ang mag-asawa. Inalalayan ni Mang Jose ang kabiyak patungo sa pinanggalingan ni Jenny. Kinuha ng lalaki ang mikropono. Siya kasi ang unang magbibigay ng mensahe.

"Una po sa lahat, gusto kong batiin ng maligayang kaarawan ang aming anak. Sana'y napasaya ka namin ngayon Aya." ngumiti pa sa anak na noo'y pinangingiliran na naman ng luha.

"Laking pasasalamat ko sa Diyos nang dumating siya sa buhay naming mag-asawa. Siya ang maituturing kong yaman. Sa tuwing nanghihina ang loob ko't naiisipang sumuko, siya ang nagbibigay sa akin ng lakas. Hindi ko kinaringgan iyan ng reklamo kahit na salat kami sa pera. Naaalala ko pa noong maaksidente ako at dumaan kami sa matinding krisis ukol sa problemang pinansyal, di ko nakita na sinumbatan n'ya ako. Iyong pakiramdam na parang inutil at walang silbi? Hindi n'ya ipinaramdam sa akin yan. Lagi pa n'yang sinasabi: itay ikaw pa rin ang pinaka the best para sa akin. Kahit na di tayo mayaman, mahal n'yo naman ako. Tatay, kayo ni nanay ang inspirasyon ko. Gusto ko lagi tayo magkakasama. Di bale ng wala tayong pera. Tatay, wag kang mag-alala. Titigil muna ako sa pag-aaral para maalagaan kita." di napigilan ang pagtulo ng luha ng lalaki.

"Napakabait ng anak ko at talagang napakasuwerte ko sa kanya. Lingid sa kaalaman ko noon na nagtrabaho siya bilang service crew. Nung matuklasan naming mag-asawa ang sabi niya: gusto kong makaipon para maipagamot si tatay. Kawawa naman siya kaya nagtrabaho ako para may pambayad sa pagpapatherapy niya. Di ko kasi kaya na ganyan si tatay. Gusto ko magawa niya yung gusto niya gaya dati."

Umiiyak na noon ang dalaga. Pero patuloy pa rin sa pagkukuwento si Mang Jose.

"Sa tanang buhay niyan, wala yang ibinigay sa aming sakit ng ulo. Lagi yang may award, mula sa pagiging honor hanggang sa pagiging active officer sa school. Sa tuwing tinatanggap niya ang mga medalya, parang gusto kong umiyak at maglulundag sa tuwa. Saka ko sasabihin na: anak ko yan! Ang galing niyan!"

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now