Chapter 49

1.6K 44 0
                                    

Chapter 49:

Nang dumating ang pamilya ni Aya, naroon na sa istasyon ang magkasintahang Jim at Jenny.

"Tita..."

"Naireport n'yo na ba?"

"Opo. Ang sabi ng kanilang hepe, gagawa raw sila ng agarang aksyon.."

"Wala naman sanang nangyaring masama sa kapatid ko..."

Sang-ayon ang lahat sa sinabi ni Cindy. Bakas sa kanilang mga anyo ang matinding kaba. Gayunpaman, idinadaan na lamang nila sa dasal ang lahat.

Ala una na ng hapon ng maalimpungatan ang binata. Una niyang binisita ang kanyang cellphone...

O, si Cindy nagvoicemail. Bakit kaya?

Pinakinggan ni Ian ang laman ng voicemail. At pagkatapos, dinayal na niya ang numero ng dalaga.

"Thank God, tumawag ka rin.. Ano bang ginawa mo at unattended ang phone mo?"

"Nagsiesta kasi ako. Ayoko ng istorbo kaya ayun..."

"Goodness!"

Waring nahalata naman ni Ian na tensyonado ang kausap.

"Hey, okay ka lang? Bakit parang tensyonado ka?"

"Hindi ako okay. And yes, tensyonado ako ngayon.. Know why? Dahil ibinalita ni Jim na naaksidente ang kapatid ko!"

Daig pa ng binata ang hinagisan ng pampasabog. Namanhid ang kanyang pakiramdam.

"Sinabi ni Jim na he's been trying to call you pero di ka makontak.. God, nag-aalala ako dahil wala kaming lead kung ano na ang nangyari kay Aya!"

Ang mga huling sinabi ng dalaga ay di na masyadong naintindihan ni Ian. Abala ang kanyang isip at nawiwindang ang kanyang puso! Di na nga niya namalayang wala na siyang kausap. Pati tuloy ang pagpasok ng kanyang mga magulang ay di niya napansin. Sa madaling salita, talagang nawala siya sa sarili!

"Iho..."

Tapik sa balikat ang gumising sa nawiwindang na binata. At nang lingunin niya ang taong tumapik sa kanya, doon niya napagtanto na nakapasok na ng silid ang kanyang mga magulang na di niya napansin.

"May problema? Parang wala ka yata sa iyong sarili.." si Mrs. Gonzales.

"May gumugulo ba sa isip mo? Wag mo nang pakaisipin kung anuman iyon. Pag-alis mo, magiging maayos din ang lahat.." si Mr. Gonzales.

"Speaking of your flight, maghanda ka na, iho—"

"Di na po ako tutuloy..."

Bulong lang iyon pero di nakaligtas sa pandinig ng mag-asawa. Nagkatinginan muna ang mga ito saka siya binalingan.

"Akala ko ba gusto mong makalimot sa mga nangyari?"

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt