Chapter 53

1.9K 38 0
                                    

Chapter 53:

ON THIS DAY,
I PROMISE FOREVER..
ON THIS DAY,
I SURRENDER MY HEART..
HERE I STAND, TAKE MY HAND..
AND I WILL HONOR
EVERY WORD THAT I SAY...

ON THIS DAY...

Nang matapos ang kanta, pumuwesto na ang emcee malapit sa kinaroroonan ng mikropono.

"Wow, napakasolemn ng boses ng ating singer.. Ang galing! Palakpakan naman po natin sila.."

Nagpalakpakan nga ang lahat. Muling nagpatuloy ang emcee.

"At ngayon, akin pong inaanyayahan ang mga kadalagahang naririto. Pumuwesto na po tayo sa gitna.."

"O, kayo.. Punta na kayo sa gitna.." si Aling Lolita na ang tinutukoy ay sina Shaira.

"Sige na po, lahat ng mga dalaga.. Hindi po dala ha?"

Nagtawanan ang mga bisita.

"Ihahagis ng ating mga bride ang boquet nila at kung sino ang makakasalo ay may special participation mamaya kasama ng mga nakasalo ng garter.."

Kasalukuyang nagkakasayahan ang lahat sa Shangrila Hotel para sa reception ng kasal. Pumuwesto nga ang lahat ng kadalagahan kabilang sina Shaira, Nelize at Jenny. Habang sa isang panig naman nakapuwesto ang dalawang bride hawak ang boquet.

Nang inihagis ng magkapatid ang bulaklak, para bang sinadya nilang itapat iyon sa puwesto nina Nelize at Jenny. Naghiyawan ang mga bisita nang sila mismong dalawa ang nakasalo ng bulaklak. Panay na nga ang tuksuhan lalo pa't sina Ronnie at Jim naman ang nakasalo ng garter.

"O, destiny raw.." si Luis na bumulong sa katabing si Dion.

"Sinadya yatang sila ang makasalo e.." si Dion.

"At ngayon, tinatawagan po namin ang dalawang pares upang isagawa ang nakagawian nating lahat tuwing araw ng kasal. Palakpakan po natin ang ating mga maid of honor at mga bestman.."

Nagpalakpakan nga ang mga bisita. Naupo naman ang mga bride sa tabi ng kani-kanyang asawa. Habang sina Jenny at Nelize ay nagtungong muli sa gitna kung saan naroon at naghihintay sina Jim at Ronnie. May upuan na ring inilaan para sa kanilang dalawa.

"Okay. Ladies, umupo na muna kayo.."

Pagkaupo nila, muling nagsalita ang host.

"Ganito po ang kanilang gagawin. Isusuot ng ating mga boys ang garter sa isang binti ng ating mga maid of honor. Pagkatapos, ang mga bisita ang magsasabi kung hanggang saan ninyo itataas ang garter. Sasabihin po nila ang 'higher', okay ba?"

Nang tumango ang lahat saka naman muling binalingan ng emcee ang apat.

"Bawal ang kj, ha? Katuwaan lang po ito at di dapat gawing personalan. Pero nasa inyo na rin kung gusto n'yong mauwi sa totohanan ang lahat..."

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon