Chapter 42

1.6K 37 0
                                    

Chapter 42:

Masamang tingin ang pinukol ni Jenny kay Jim pagkatapos ay sa magkasintahang Aya at Ian.

"Ayaw mo pa kasi aminin e. Kaya gumawa ng paraan si Jim para mapaamin ka. Kita mo, epektib!" si Ian na ngiting-ngiti.

"Oo nga naman bestfriend. Alam ko kahit di ka nagsasalita na siya ang pinoproblema mo. Nung una, talagang palaisipan sa akin kaya inobserbahan kita. Dun ko nalaman ang tunay na rason..." si Aya.

Tahimik pa rin si Jenny. Kaya nagsalita si Jim.

"Wala ka bang sasabihin? C'mon, I want to hear those words again..."

"Aray! Ang sakit nun ha!" si Jim.

Sinampal kasi ng malakas ni Jenny ang binata. Inis na inis kasi siya! Akala niya totoo ang aksidente!

"Siraulo ka Jim! Tinakot mo ako e! Kung tutuusin kulang pa yan sa naramdaman ko kanina!"

Sa sobrang asar, napaiyak na naman siya. Pinaghahampas niya si Jim. Di niya talaga tinitigilan! Maging ang paglilitanya niya ay tuloy pa rin. Hinayaan lang sila ng mga naroon.

"Kainis ka! Bakit ba lagi kang ganyan? Di mo alam kung gaano ako natakot na baka kung ano na ang nangyari sa'yong damuho ka! Kainis!"

"J-Jen... J-Jenny, wait! Jenny, ano ba?!" si Jim na inaawat ang dalaga sa paghampas.

"Bakit, may reklamo ka?! Suntukin kaya kita riyan ng matauhan ka!"

"Pare, kita na ang future mo pag naikasal na kayo..."

"Shut up!" bulyaw ni Jim sa kaibigan.

Tawanan naman ang mga naroon. Inis na rin si Jim.

"Jenny Lyn, pag di ka pa tumigil riyan hahalikan kita!" banta niya.

"Ah, ganun?! Subukan mo ba—mmppphh."

'Di na naituloy ni Jenny ang anumang nais sabihin. Sakop na ng mga labi ng binata ang mga labi niya. Nandidilat siya sa pagkagulat pero aamining unti-unti na ring tinatangay pagkat mahal naman niyang talaga ang binatang ito!

Napangiti naman ang mga naroon sa nasaksihan. Masaya sila lalo na ang magkasintahang Aya at Ian pagkat naayos na rin ang magulong lovelife ng kanilang mga matalik na kaibigan.

Tinapos ni Jim ang halik at saka nagtanong.

"Ano? Okay na? Puwede nang magpaliwanag?"

"Hmp! Jaime ha?! Siguruhin mo na maayos 'yang paliwanag mo. Nakikita mo ito?" iniumang pa ni Jenny ang kanang kamao. "Ito ang tatama d'yan sa mukha mo kapag di mo inayos ang paliwanag.."

"Opo." si Jim. "Kahit kailan talaga, ang taray mo!"

"Tama na satsat.. Paliwanag na."

Humalukipkip ang dalaga. Naghanda sa pakikinig. Nagsimula namang magpaliwanag si Jim.

"Kung naalala mo bago kami umalis, nangako ako na babalikan kita't pakakasalan.. Wala sa plano ko na paasahin ka Jen. Mahal na kita noon pa e."

Gonzales Empire Series 1: MENDING A BROKEN HEART-COMPLETEDWhere stories live. Discover now