43

466 21 12
                                    

Chapter 43

Isang linggo. Isang linggo ang nakalipas simula nung nangyari sa kwarto ko noon. After nun, di na ule kami nag kita ni Chad.

Buti naman

Nandito ako ngayon sa bahay nila Nessa, bumisita lang ako kase ang boring ngayon sa bahay.

May pasok na ule sila Iya, tapos naka enroll na pala si Kali dun sa JAU ren then, si tita Sandy may bagong work na dito at si kuya Kiro naren.

Wala naman si papa dahil pang umaga ang schedule niya sa trabaho. At si mama? Nandun lang din sa bahay, linis dun linis dito.

Nag paalam na ko kay mama na pupunta ako kila Nessa today. At nandito na ako nakikipag kwentuhan kay tita. Mama ni Nessa.

Nasa kusina kase si Nessa, nag p-preapare ng meryenda. Sipag diba? Ngayon lang yun masipag.

"Oh ito." Binaba ni Nessa ang isang plato ng spanish bread at isang pitsel ng orange juice. Umupo na siya sa tapat ko dahil umalis na si tita dahil may bibilhin daw siya sa palengke.

"Bakit ka ba napadalaw dito, gaga?" Kumagat muna ako sa spanish bread na hawak ko bago ko sagutin si Nessa.

"Masama ba? Batukan kita e!" Sigaw ko dito. Kami naren namang dalawa dito sa bahay nila. Umalis nga kase si tita, tapos yung kapatid niya pa ay may pasok. Kaedad lang den siya ni Thalia.

Siguro, kung ako ang ate ni Van? Yung kapatid ni Nessa? I-lalakad ko na si Van kay Thalia. Charot. Bata pa sila!

"Oh siya! Ano bang ganap?" Tanong nito at kumain den ng tinapay. Nag sigh muna ako bago mag salita.

"Muntikan nanaman kami mag 'ano' ni Chad." Tugon ko.

"ANO?!"

"Aish! Ang oa mo mag react! Basta! Ayoko na lang ule pag usapan at balikan ang mga nangyayari noon!" Tugon ko at tsaka iniba na lamang ang topic.

***

"Ingat ka gaga!" Tumango lang ako kay Nessa at nag drive na pauwi. Habang nag d-drive, nakaramdam ako na parang nasusuka.

Agad ko naman inihinto sa tabi ng kalsada ang kotse ko at tsaka lumabas at sumuka sa malapit na kanal.

Suka

Suka

Suka

"Shit!" Napamura na lamang ako nang naramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko. Aish! Ganito na ba ako ka stress ngayon?

Bumalik ako sa kotse ko at tsaka nag muni muni. Bakit ba ako nag suka? Di ba ako natunawan sa spanish bread? Ang oa naman siguro ng sikmura ko, kung ganun.

Di kaya? Buntis ako?

Hell no! Napailing na lang ako at tsaka nag drive na lang ule pauwi.

Nakarating naman ako ng safe sa bahay. Agad kong pinark ang kotse ko at tsaka pumasok na ng bahay. Alas sais na nang makarating ako sa bahay kaya medyo padilim na.

Narinig ko naman ang tawanan nina Iya, Kali at kuya Kiro mula sa loob. Pagbukas ko ng pinto, naramdaman ko nanaman na nahilo ako. Kaya, napahawak agad ako sa noo ko.

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now