20

583 23 6
                                    

Ok guys, this chapter contains 2k-3k words
_____________________________________

Chapter 20

Buti naman at kumalas naren sa yakap si Chad. Mabuti naman talaga. Kinuha ko na yung ginawa kong peanut butter sandwich para kay Thalia at binigay ito.

Nakita ko ren na nasa sofa na katapat namin ni Thalia si Chad na naka dekwatro. Nahihiya paren ako nang dahil sa nangyari kanina. Muntikan na yun. Mabuti na lang at nakita kami ni Thalia.

"I want the game you play with kuya Chad earlier." Napaubo ako sa sinabi ni Thalia. Grabe, sobrang inosente niya.

"B-baby, no. It's.... it's just for adults. Like us." Sagot ko sakaniya. Tumango lang si Thalia at kinain ang ginawa kong sandwich habang nag i-ipad siya.

Tinignan ko si Chad na pinipigilan ang tawa. Tinignan ko siya ng masama, agad naman niyang napansin yun kaya bigla siyang nag poker face. Pero halata paren na natatawa siya.

Hindi ba siya naiilang? Halos muntikan ko na maisuko ang bataan.

"Matutunaw ako niyan." Tugon niya kaya napabalik ako sa realidad. Sumandal na lang ako sa sofa at nag cross arms. Inirapan ko siya.

***

Nakatulog den sa wakas si Thalia. She need to sleep again, maaga pa siya bukas dahil may pasok. Paglabas ko ng kwarto ni Thalia. Bumungad agad sa akin si Chad na naka grey sweat pants at white shirt.

"Matulog ka na. May pasok pa bukas." Pagtataray ko sakaniya at nilagpasan siya. Agad ko naman binuksan ang pinto ng kwarto ko para pumasok, akma ko na sanang isasara ang pinto nang bigla humarang ang braso ni Chad.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko dito. Inaantok na ako e. Nawala naren kase hangover ng gagong to. Halata naman.

"Ikaw." Simpleng sagot niya pero alam kong namula ang pisnge ko. I still wear my poker face look pero deep inside, kinikilig ako.

"Tapos mo na ren naman alagaan at patulugin si baby Thalia, ako naman ang patulugin mo." He said then pout.

"At bakit? Matanda ka na Chad. Kaya mo na yan." Tugon ko at inirapan siya.

"Baby mo ren naman ako e." Sagot niya at nag pout ulit habang inaalog niya ang magkabilang balikat niya.

Para siyang bata na nanghihingi ng piso makabili lang ng candy. Pffft. Di ko napigilang tumawa. Tumigil siya sa ginagawa niya at sinamaan ako ng tingin pero naka pout pa den.

"Why are you laughing? What's funny?" Tanong niya na naka pout paren. Ilang minuto ren ako tawa ng tawa dahil sa inakto niya kanina.

"Iris!" Napatigil ako sa tawa nang bigla na lang niya sinigaw yung pangalan ko.

"There's nothing funny. Can you please stop? Tch. Patulugin mo na ako at tabihan mo na ren ako dahil inaasar mo ako. Kung hindi, papalayasin kita dito sa unit ko." Tugon niya at lumabas ng kwarto.

Luh?

Tch. Napairap na lang ako at tsaka lumabas ng kwarto at tumungo sa kwarto niya. Kumatok ako, agad naman niya yun binuksan.

Tinulak ko siya para makapasok at umupo sa sofa na nandito sa kwarto niya. Malaki ang kwarto niya, sobra.

"So, papatulugin mo ako at tatabihan?" Tanong niya habang naka cross arms. Tumango ako.

"As if, i have any choice. Wala akong matitirhan kapag pinalayas mo ako dito sa unit mo." Tugon ko at ag cross arms den.

Nakita ko siyang nag smirk at humiga sa kama niya. Tinap niya ang tabi niya. Sinesenyasan niya ako na tumabi dun.

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now