34

463 18 1
                                    

Chapter 34

"Siz, dito!" Narinig ko na sumigaw si Nessa kaya agad akong lumapit sakaniya sa labas ng ng Resto na pinagusapan namin.

"Nagpa reserve narin pala ako ng table for us." Tumango lang ako at tsaka pumasok na kami sa loob ng resto. Umupo na kami sa pina reserve ni Nessa.

"Pasta lang ako siz." Tugon ko sakaniya. Nag tawag siya ng waiter at nag order.

"Can we get, 2 pasta. 1 plate of butterd shrimp and 2 ice tea." Tumango lang yung waiter at bumalik na sa counter.

"Bakit ba naiisipan mo na itreat ako ng lunch?" Tanong ko dito habang hinihintay namin yung order namin.

"May goodnews ako sayo, siz." Tumango lang ako tsaka sinenyasan siya na sabihin niya ang good news niya.

"Well, model na ako ng BodyGoods." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Sasabihin ko ba sayo kung hindi? Tch. Oo naman. Ikaw mag design ng magazine ko ah." Napasimangot ako nang maalala ko na kay Layla ang magazine na idedesign ko.

"Mukhang hindi ko yata iyon magawa, may idedesign na kase akong magazine ng isang model, sa BodyGoods den." Nakita ko na lumungkot ang ekspresyon.

"Sino naman yan?"

"Layla Lynne Gomez."

"Ano?! Si Layla? Naunahan niya pa ako. Tch."

"Okay lang yan. Tch. After nun, ikaw naman ang d-designan ko." Mejo lumiwanag naman ang ekspresyon niya. Ilang mga minuto, dumating narin ang order namin.

***

"Shopping?" Tanong sa akin ni Nessa nang makarating kami sa tapat ng Department Store. Humarap ako sakaniya at ngumit.

"G." Agad naman kaming pumasok at kumuha ng cart para paglagyan ng mga pinamili namin.

"Doon ako, doon ka. We will create the best outfit for us. We have 3 themes. Summer, street and winter. Ano? G?" Tumango lang ako sa sinabi niya at tumungo na sa lugar na tinuro niya.

Una kong pinuntahan ang dress section para maghanap ng summer theme outfit. Siguro, kaka yt ni Nessa naisip niya yung challenge na to. Wala ngang idea na pumasok sa akin nito.

Nakahanap naman agad ako ng summer dress. It's just a floral yellow dress tapos mejo expose yun sa dibdib. Above the knee ito.

"May Small po ba nito?" Tanong ko sa saleslady at tinanguan niya naman ako. Naghanap siya ng small at agad itong binigay sa akin.

"Salamat." Pasasalamat ko at agad itong inilagay sa cart. Pumunta naman ako sa flats section. Puro flat shoes ang nandito ah, hindi kayo. Charot.

Naghanap lang ako ng white and brown flats para ipartner sa summer dress ko. Agad naman ako nakahanap at hinanap ang size 38.

Nilagay ko na ito sa cart at tumungo naman sa mga summer accessories. Nang makarating ako, agad ako kumuha ng summer hat na yellow at nilagay ito sa cart.

After ko sa summer theme, napag desisyonan ko naman na maghanap for street outfit. Pumunta lang ako sa men section para maghanap ng oversized v-neck shirts.

Agad naman ako nakahanap kaya nilapitan ko ito. Akma ko na sanang kukuhain nang biglang may kumuha ren ditong lalaki.

"Ay, kuya. Ako po nauna-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malaman ko kung sino ang lalaking ito.

"Chad?" Akala ko ba nakauwi na sila? Baka hinatid lang siguro niya si Thalia.

"Iris.. h-hi." Nahihiyang saad nito kaya tinignan ko siya ng nagtataka. Is he shy? Pfft.

"A-ako kase unang nakakita jan, akin na." Akma ko na sanang kukuwain kay Chad yung damit kaso nilayo niya ito.

"Ako naman ang unang nakakuha." Napairap na lamang ako sa hangin. Type ko pa naman.

"Type ko kase yung shirt. Kaya, pwede ka naman maghanap ng iba. Nakahanap ka na pala." Binulong ko na lamang ang huling kataga na sinabi ko.

"What did you say?" Umiling lang ako at tsaka pilit na kinukuha sa kamay niya yung damit. Wala na kaseng stock niyan dahil siya na lamang ang nagiisa sa sampayan ng damit.

"Wala. Basta, type ko yang t-shirt na yan." Tugon ko pero tinaas niya lang ito at tinitigan ako. Nag kasalubong kami ng titigan.

"Pero ako? Type mo ba?" Napakurap na lang ako sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo? Tch." Pilit ko parin inaabot ang t-shirt na tinaas niya. Aish. Ayaw ko iletgo yung damit!

"Hanap ka na lang ng iba." Tugon nito pero umiling ako.

"Ayaw ko nga i-let go yan."

"Pero ako ni-let go mo." Napatingin nanaman ako sakaniya dahil sa sinabi niya. Ano ang pinagsasabi ng kumag na to? Tch.

Kung yung nakaraan 'man ang ibig niyang sabihin, bahala siya.

"Alam mo, walang mapupuntahan yang mga sinasabi mo, Chad. Just give me the shirt at aalis na ako. Yun lang." agad niya naman binigay sa akin yung shirt at walang alinlangan umalis.

Nakaka stress.

Agad ko naman ito nilagay sa cart at umalis na dun. Pumunta ako sa women's section para maghanap ng ripped jeans.

Akma ko nanaman sanang kuhain ito nang may kumuha nanaman ito. And guess what? Si Chad nanaman.

"Chad? Ano nanaman ba? Hindi ka naman babae ah!" Suway ko dito. He just stared at me like there's no fcking tomorrow.

He just stared at me. And it's giving me goosebumps. Shit.

"Matutunaw ako sa titig mo." Ewan ko kung saang lupalok ko hinanap ang lakas ng loob para sabihin sakaniya yun.

"Tch. Oh, i just want to treat you." Inirapan ko lang siya.

Ba't niya ako kailangan itreat? Tch. I have money.

"Meron akong pera, di mo ako kailangan ilibre pa." Kinuha ko yung ripped jeans sakaniya at padabog na nilapag ito sa cart.

"Jan ka na nga." Tugon ko dito at akma na sanag aalis kaso pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"Can we talk? Kahit, bukas lang. Dinner tayo, like that." Tugon nito.

"May kailangan pa ba tayong pagusapan, Chad? Parang wala naman e." I said sarcastically. I saw he smile bitterly.

"Just tomorrow evening. Please?" Wala naman sigurong masama kung papayag ako diba?

Tangina, marupok ka lang talaga!

Tch. Hindi ah. Tumango ako kay Chad.

"Okay, 7pm sharp, sa *****. Bye. See you." Paalam ko at umalis na dun.

***

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now