30

478 25 1
                                    

Chapter 30

Habang naglalakad ako papunta sa terminal ng mga trycile. May biglang humintong black na kotse kaya napahinto den ako sa paglalakad.

Bumukas ang bintana nito. Kaya sinilip ko kung sino ang nasa loob. Baka naman kase kakilala niya ako kaya huminto siya.

"Hi, Iris. It's me, Richard." Ay si Richard pala ito. Nagwave lang ako sakaniya para magsabi ng 'hello.'

"Bakit ka nandito?" Tanong ko dito.

"May pinuntahan ako at nakita kita dito." Sagot naman nito.

...

"Sabay ka na, ayaw mo ba?" Offer nito sa akin. Medyo malayo ang bahay namin dito. Bakit pa ako tatanggi?

"Ah sge, sabay na ako. Sabihin ko na alng address sa iyo." Tumango naman ito at pinagbuksan ako ng pinto sa shotgun seat.

Nagkwentuhang lang kami habang siya ay nag d-drive. Minsan, para kaming tanga tawa lang ng tawa dahil sa wala niyang kwentang kwento.

"Sorry to open this topic, Iris. Balita ko kase, break na kayo ni Chad." Nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. "Kailan pa?" Tanong pa nito.

Napakagat labi na lamang ako para pigilan ang luha kong tumulo. Ayoko maging mahina sa harapan ngayon ni Richard.

"Y-yeah. 3 days ago." Tugon ko dito. Nang maalala ko nanaman ang mga nangyari, kusang tumulo ang mga traydor kong luha.

Kainis!

"We're here na." Napatingala ako at tinignan ang labas. Nandito na nga kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nag pasalamat naman ako sa pagiging gentlemen niya.

"C-can I hug you, Iris?" Tanong nito. Walang alinlangan akong tumango kaya agad niya naman akong niyakap. Niyakap ko den sya pabalik.

Gusto ko ng kayakap ngayon. Kusang tumulo ang aking mga luha kaya napasandal ako sa dibdib niya.

"I can be your crying shoulder, Iris. I-i can." Iyak lang ako ng iyak na nakasandal sa dibdib niya. Buti pa siya, nagaalala sa akin.

Ilang minuto den kaming magkayakap. Kumalas na ako sa yakap at tsaka pinunasan ang aking luha.

"S-salamat ule, Richard. Ingat ka paguwi." Tugon ko kay Richard nang makapasok sa gate ng bahay.

"Laban lang, Iris. Makaka move on karen sa sakit na yan." Tumango lang ako sakaniya at nag wave ng hand as a sign of 'bye'.

"Ingat!" Sigaw ko nang makapasok na siya sa kotse niya. Sinundan ko muna ng tingin yung kotse niya bago pumasok.

Akma na sana akong maglalakad papasok ng bahay, nang biglang may sumigaw mula sa labas ng gate. Napalingon ako at si Chad ito.

"Iris! Let's talk!" Sigaw nito. Walang alinlangan na lumapit ako dito at pinaalis siya. Baka makita pa siya ni papa at masuntok siya.

"U-umalis ka na, Chad." Tugon ko dito at tinutulak siya palayo. Pero di siya nagpapigil.

"Ayoko. Mag usap tayo. Please, Iris. Let's talk." Tumulo na ang aking mga luha kaya agad ko itong pinunasan. Tinawan ko lang siya ng mapait.

"Wala na tayong paguusap pa, Chad. Umalis ka na." Saad ko at pilit siya pinapaalis sa tapat ng bahay. Ayokong humantong pa kung saan kapag nakita siya ni papa dito.

"A-ayoko. Mag u-usap muna tayo, p-please?" Nakita ko na may luhang tumulo sa mata niya na namamaga. Umiyak den ba siya?

"W-wala na nga sabi tayong paguusap, Chad. Please, please. Ayoko na makita ka nila papa dito at kung ano pang gawin niya sayo!"

"Bakit?! Bakit ang bilis mo makalimot, Iris? Kase, may Richard ka? Kakahiwalay pa lang natin, may iba ka na? Bakit? Bakit ang dali dali sayo mag let go? Ano? Sasabihin ko ba na, 'sana all, mabilis makahanap ng bago'." Nasamapal ko siya dahil sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Ha?! Walang namamagitan sa amin ni Richard, Chad. Hiyang hiya ren naman sayo. Akala mo kung sino makasabi na 'nakalimot na daw ako'. Akala mo ba madali?! Ha?! Halos gabi gabi, Chad. Gabi gabi. Ang daming bakit na pumapasok sa utak ko kung bakit mo ginawa ito sa akin, sa relasyon natin noon. Chad, ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon natin. Please, Chad. Umalis ka na. Ayoko na makita pa kita ulet!" Mahabang ani ko.

"I-iris. Please, give me a second chance." Nagulat ako nang bigla itong lumuhod. Pinilit ko siyang patayuin.

"T-tumayo ka nga jan, Chad. Tayo." Tugon ko dito at sinunod niya naman iyon. "We all deserve a second chance. Pero, sa tingin ko hindi mo deserve yun dahil ayoko lang makaranas ng sakit ule. Kaya, Chad. Umalis ka na, please lang. ayoko na makita ka pa nila papa dito." Tugon ko dito.

"I-iris. Just hug. Just a hug. Please. Aalis ako dito, just hug me." Agad ko naman siya niyakap at ganun den siya.

"You will find someone better, Chad. Pero di ako yung 'someone' na yun." Tugon ko dito at kumalas sa yakap. Pumasok na ako ng gate.

Nilingon ko siya ule na tumutulo ang luha at ganun den siya. Nginitian ko siya ng mapakla at tinalikuran siya at dirediretsong pumasok ng bahay.

***

'Someday, you will find the one who is for you. Pero sa tingin ko, hindi ako yun, Chad.'

Ayoko lang na masaktan ule. I'll find my self. In the place, na makakamove on ako.

I'll go to US. Titira na ako dun at dun ko naren ipagtatapos ang pagaaral ko. Nandun naman si tita Sandy. Kapatid ni papa kaya may matitirhan ako.

***

"Magiingat ka dun anak, na contact ko naren si Sandy, susunduin ka nila dun sa airport." Tugon sa akin ni mama habang kayakap ako.

Halos isang linggo na matapos yung nangyari sa tapat ng bahay. Hindi ko na muling nakita si Chad dahil hindi ako pumasok ng isang linggo dahil inasikaso nila mama ang papeles ko patungong america.

"Siz, hihintayin kita? Okay?" Tugon naman ni Nessa na kasama ngayon dito sa airport para ihatid ako.

"Ingat ka dito. Babalik ako." Tugon ko naman dito at niyakap ng sobrang higpit. Hindi ko makakasama ang matalik ko na kaibigan for how many years. Sad.

Kinalas ko na ang yakap tsaka hinalikan siya sa noo. Sunod ko naman niyakap si Iya na ngayon ay umiiyak. Pinunasan ko ang luha nito.

"Babalik ang ate, Iya. Wag ka mag alala." Tugon ko dito habang hinahaplos ang kaniyang likod.

"Babalik ka, pangako mo yan. Okay?" Tumango naman ako at hinalikan den siya sa noo. Niyakap ko naren si papa at sakto naman na tinawag na ang mga pasahero papuntang america.

Nag wave lang ako sakanila hanggang sa makalayo na ako sakanila.

I will miss all the people I love. And also the person I loved. Si Christian Dale Amiro. My first love and also the first man who broke my heart.

***

Sorry sa sobrang daming errors. Lalo na't di ako sure kung correct ba lahat ng grammar. Haha.

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now