05

771 40 2
                                    

Chapter 05

Iris Selene

Na curious ako sa pinakita ni Thalia kay Chad. Kaya after ko initin yung tinola inask ko si Thalia.

"Thalia, what's tha- THALIA?" Nagulat ako kung ano ang pinakita niya kay Chad.

Picture lang naman namin ni Chad kagabi. Yung nakapatong sa akin si Chad. Agad kong kinuha ang ipad kay Thalia na ngayon tawa ng tawa.

"Thalia, sabi ko idelete mo ito diba?" Pilit akong ngumiti para di mapansin ni Chad ang hiya na nararamdaman ko.

"Thalia, stay here. Me and your ate Iris, need to talk." Tumango lang na tumatawa si Thalia. Sinenyasan ako ni Chad na sumunod sakaniya. Sinundan ko siya hanggang sa balcony ng unit niya.

"Bakit ako nakapatong sayo dun sa picture?" Tanong niya di nakatingin sa akin.

"A-ah. Lasing ka kase kagabi, matutumba ka na kase nun kaya inalalayan kita. Kaso ang bigat mo." Explain ko.

"E BAKIT MO BA KASE AKO INALALAYAN?!" Nagulat ako sa sigaw niya. Hinarap ko siya na nakakunot ang noo.

"E kase.. kase.." di ko alam ang sasabihin ko. Ayoko naman sabihing concern ako sakaniya. Ayoko lang talaga bumagsak siya. Baka sabihin interesado ako sakaniya.

"KASE ANO?!" Sigaw niya nanaman.

"Kase.."

"FVCK IRIS. ANO NGA KAS-." Di ko na pinatapos ang sasabihin niya. Nakakairita yung boses niya e. Tumalikod na ako at akma na sanang aalis ng balcony kaso, nakuha niya ang braso ko at hinarap ule sakaniya.

"Kase ano?"

"Wala." Mabilis kong sagot.

"Kase..?"

"Wala nga sabi e."

"Sasabihin mo o hahalikan kita?"

"Wala nga sab- i mean." Potek. Naalala ko yung pagbabanta niya. Shutangeners.

"Pano ba yan, hindi mo sinabi. Hahalikan kita." Sabi niya in husky voice at palapit ng palapit siya sa akin.

"C-chad. Chill, sasabihin ko naman talaga e. Hehe." Pinilit akong ngumiti. Ayoko nga mukuha niya ang first kiss ko.

"You're late.." he said in husky voice. Palapit siya ng palapit, paatras naman ako ng paatras.

Wag maman sana pader ang endi- pader nga yung katapusan ko.

Nang wala na akong maatrasan. Ngumiti ako ng pilit at pasimpleng umaalis sa harap niya pero, agad niya akong conorner gamit braso niya.

"Uh uh. Di ka basta makakalusot sa isang Christian Dale Amiro." He said in husky voice again.

Ramdam ko ang mga balahibo ko na tumayo.

Chad lumayo ka please.

Bago pa siya ulet mag salita, nakarinig kami ng camera shot.

"*click* yehey, another picture." Natatawang tili ni Thalia at tumakbo.

"Si Thalia talaga. Haha. Sge, babantayan ko na si Thalia yun naman ang pinunta ko dito e." Sabi ko at akma na sang aalis nang harangin ni Chad ang daanan ko gamit ang braso nila.

Shu.tang.ina.

"Not so fast, Iris." Nagtaasan naman ang balahibo ko. Halos mapatalon ako nang maramdaman ko na yumakap siya mula sa likod ko.

"Let me hug you first, Iris. Kase ayaw mo naman na halikan kita," nagulat ako nang bigla niya ako halikan sa leeg.

"C-chad. Bitawan mo ako, si Thalia ang punta ko hindi ikaw." Sabi ko at humiwalay sa yakap. Agad akong tumakbo papunta sa sala, kung nasan si Thalia ngayon.

"Thalia, sleep lang ako ulet. Sabihin mo sa kuya mo ah?" Tumango lang siya habang hindi nakatingin sa akin. Sa ipad niya kase nakatutok ang mata niya.

At kung minamalas ka nga naman, nakatayo si Chad sa tapat ng kwarto ko at nakatingin sa akin na nakangisi.

Lumapit ako sakaniya, "ano bang trip mo?" Tanong ko dito.

"Nothing," may tono pa ang pagkasabi niya. Papasok sana ako ng kwarto nang bigla siyang humarang.

"Naka drugs ka ba?" I ask sarcastically.

"Oo, kaya nga ako adik sayo." Banat niya. Natawa ako sa sinabi niya, at nang makita ko mukha niya na nakangisi, nag poker face ako.

"Dami mong alam, alis!" Sigaw ko at pilit siyang inaalis sa tapat ng pinto.

"Hoy babae, unit ko to." Reklamo niya pa.

"Wala akong pake. Basta, papasukin mo ako dito. Wag mo nga ako isali sa kalokohan mo." Tugon ko dito. Hindi ako makapasok, harang siya ng harang.

"Ito na nga." Tugon niya. "Wag mo masyado seryosohin ang sinabi at inasal ko. Tsk, di kita type." Tugon niya at umalis na sa harap ko. Nakita ko na dumeretso siya kay Thalia.

Hindi ako type? Wala naman akong sinabing gusto niya ako 'di ba? Gulo ah.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama.

*krrrrrrrr* (tunog ng tiyan ko yan)

"Bakit ngayon pa? Hindi pa pala ako nakakapag breakfast." Reklamo ko sa sarili ko at bumangon sa higaan. Pinagpagan ko muna ito.

Lumabas ako at dumeretso sa kusina. Ininit ko pala yung tinola. Kumuha lang ako ng kanin mula sa rice cooker at nagsimula ng kumain.

Nakakamiss ang tinola ko.

Ito lang kase ang pagkain na sobrang sarap kong gawin. Kay, mapapa 'mm' ka na lang. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain, nang biglang tumabi sa akin si Thalia.

"Ate Iris, *sniff*." Nagulat ako na nilingon siya. Umiiyak siya. Ano kaya ang ginawa ni Chad dito.

"Why are you crying, Thalia?" Tanong ko dito at pinunasan ang luha niya sa mga pisnge.

"Si kuya.. C-chad kase..." nilingon ko si Chad na payapang nanonood ng tv. Hindi na cartoons ang palabas, basketball.

"Why? Ano ginawa ng kuya mo sayo?"

"Nilipat niya sa basketball yung.. yung tv. Nanonood pa nga po ako ng cartoons dun e *sniff*." Natawa ako sa sinabi ni Thalia.

Tumayo ako at tinungo si Chad. Nanonood nga siya ng basketball. Ginebra vs Alaska.

Nanonood den ako ng basketball, kasama sila papa at yung pinsan kong si Jake. Actually, namiss ko na sila sa probinsiya. Bakit ba kase naisip ko ma dito mag aral at ako na bahala sa sarili ko.

"Chad. Pwede ba? Maawa ka kay Thalia. Lipat mo muna sa cartoons." Tugon ko pero di niya ako pinansin. Nakatutok lang ang mga mata niya sa tv. Nilingon ko ang tv at maganda ang laban. Dikitan ang score.

"Chad. Ano b-." Hindi ko na natapos sasabihin ko na bigla niyang tinaas ang kamay niya para makipag apir, or pinapahinto niya sa pagsasalita?

"Hep. Manoood ka na lang, alam kong nanonood karen ng basketball. Kuwain mo sa Thalia. Nanonood den yun, nagpapansin lang sayo." Tugon niya. Tinignan ko si Thalia. Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin.

"Nag wawatch karen pala ng basketball e." Tumango siya.

"Nanonood den ako. Kaya, manood tayo kasama kuya Chad mo. Let's go." Aya ko sakaniya at umupo kami sa tabi ni Chad. Nasa gitna namin si Thalia.

"Alaska o Ginebra?" He ask. Tumingin ako sakaniya.

"Ginebra. Ginebra poreber." Sagot ko. Nakita ko siya nag smirk.

"Alaska ako. Pano ba yab, do you want a bet?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Kapag alaska ang nanalo, libre mo ako sa monday. Tapos, kapag Ginebra maman ang nanalo. Ililibre ko kayo ni Thalia. Ano, G?" Sabi niya at inioffer ang kamay niya para makipag apir.

"G." Tugon ko at umapir.

Ice cream. Sapat na.

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now