29

456 18 10
                                    

Chapter 29

"Hoy! Bumangon na kayong magkaibigan jan! Dami siguro ang nainom nyo!" Narinig kong sigaw ni Iya kaya napadilat ako.

Tinignan ko si Nessa na nakasalampak sa sofa. Mejo masakit ang ulo ko dahil sa beer na nainom namin. Naka ilang lata kami.

Tinignan ko ang labas at madilim na. Ba't ang bilis ng oras? Aish. Kanina maliwanag pa ah.

"Hoy!" Agad kong nilingon si Iya at binato niya naman ako ng unan. Aish. "Bumangon na kayo jan. Ate Nessa! Hoy! Bangon! Iinom inom, hindi naman pala kaya ang sarili pag nalasing. Aish. Ngekngek nyo!" Sigaw ni Iya at nag walkout.

Aish ang sakit ng ulo ko!

Tumayo ako at muntikan na ako matumba. Mejo nahihilo pa ako. Arghh. Lumapit ako kay Nessa at niyugyug ito.

"Hoy! Bakla! Gising na! Anong oras na oh, hinahanap ka na siguro ni tita at ng kapatid mo!" Sigaw ko dito. Dumilat naman siya at bumangon sa pagkakahiga.

"Anong nangyari-." Binatukan ko siya. "Aray naman!"

"Anong 'anong nangyari' ulol! Nag inuman lang naman tayo. At look?" Sabay turo sa center table na sobrang daming lata ng beer na nakakalat.

"Ang dami nating nainom. Aish, anong oras naren oh. 7:00pm na. Baka hinahanap ka na nila tita at nung kapatid mo." Tumango tango lang ito at minasahe ang kaniyang sentido.

Tumungo ako sa kusina, nakita ko si mama na nagluluto ng hapunan. Lumapit ako dito at kiniss siya sa pisnge.

"Mag mumug ka nga dun, Iris. Kay baho ng hininga mo." Tumango lang ako kay mama at tumongo sa ref para uminom ng tubig.

"Good eve tita." Rinig kong bati ni Nessa kay mama. Hinalikan niya ren ito sa pisnge at tumungo sa akin para makiinom ng tubig.

"Bakit ba kase tayo nag inom, Nessa?" Tanong ko dito at uminom ng tubig.

"Para maka move on ka kay Chad. Your first boyfriend and also, the first man who broke your heart." Natigilan ako sa paginom ng tubig nang maalala ko na wala na pala kami ni Chad.

"Wag mo nga banggitin yung pangalan na yun, nakakairita." Tugon ko at binagsak yung baso. "Tawagan ko na lang si tita, at dito ka naren matulog. Sunday naman bukas, walang pasok. Punta ka na lang sa kwarto." Tugon ko dito at umalis ng kusina.

Kinuha ko yung phone ko sa tabi ng sofa at binuksan ito. Nagulat ako na ang daming tawag galing kay Chad.

Bwct, bakit ba hubby Ang nakalagay dito? Dapat alisin ko na ito sa contacts ko e. Bwct!

Agad ko naman inunlock ang phone ko at tsaka dinelete siya sa contacts ko. Ayoko na muna marinig at makita ang pangalan niya. Nakakasira ng mood.

Umakyat na ako sa taas at tumungo sa kwarto namin ni Iya. Nakita ko nanaman siya na nakangiti sa harap ng cp niya.

"Hoy! Si Chester nanaman ba yan?" Tanong ko dito. Agad niyang pinatay yung phone niya at tinago ito sa ilalim ng unan.

"Wala iyon, ate. Matutulog na ako, goodnight." Tugon nito.

"Dun ka kila mama, may extra foam naman dun. Dito muna si Nessa, masyado siyang natamaan sa ininom namin." Tumango lang ito at tsaka lumabas kasama ang cp niya.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Naalala ko nanaman ang nga nangyari kahapon. Iyak lang ako ng iyak sa harap nila mama at papa.

Nang maalala ko ang mga nangyari kahapon, lagi na lang tumutulo ang mga luha. Ang hina ko naman. Wala, e. First love ko kase, tapos sinaktan agad ako.

Okay lang kung, sana, sanay na ako maiwan at manhid na ako. Kaso, first love ko e. Mahirap mag let go. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"Okay ka lang ba?" Nakita ko na lang na katabi ko na si Nessa. Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard.

"Ewan ko nga kung okay ba ako o hindi e. Nasaktan ako. Sobra. Kung nasaktan siya? Wala na akong pake dun. Siya ang gumawa ng ikakasakit naming dalawa, panindigan niya." Tugon ko at tumulo nanaman ang luha ko.

"Okay lang yan. Hayaan mo ang karma na sampalin siya." Tumango tango naman ako habang iyak ng iyak.

"I'm always here for you, bestfriend mo ako no." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Nessa. Agad ko siyang niyakap.

"Salamat dahil nandyan ka lagi sa tabi ko, salamat. Maraming maraming salamat."

Buong gabi kami nag kwentuhan ni Nessa. Siguro mga alas dos na ng madaling araw kami nakatulog.

"Kain na tayo ng tanghalian, alas onse na oh." Niyugyug ko si Nessa. Ihahatid ko naren siya dun sa tinutuluyan niyang dorm kasama ang mama niya at yung kapatid niya.

"Hoy!" Nakita ko naman na minulat niya ang kaniyang mata. Hayst. Kaya ayaw ko na napupuyat e, anong oras na ako nagigising at di na ako nakakapag almusal.

"Ito na po." Inaantok na saad nito. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Susunod na yun, mag hihilamos lang siya.

"Good morning." Bati ko kila mama, papa at Iya. Binati den nila ako. Sakto naman ang pagkababa ni Nessa dahil nakahain na ang mga pagkain.

"Good morning den po." Bati den ni Nessa. Actually, parang anak na nila mama at papa si Nessa noon pa man. Kilalang kilala niya si Nessa.

Magkakilala ren naman ang parents namin. Kaya, alam ng parents namin kung nasan kami pag di kami nakauwi sa sarili naming mga bahay. Kapag di umuwi si Nessa bahay nila noon, ibig sabihin, dun siya natulog sa amin at ganun din ako, kapag di ako umuwi sa bahay.

***

"Aalis na po kami." Paalam ni Nessa kila mama.

"Ingat kayo ha." Tumango lang kami at tsaka lumabas na ng bahay. Nagpara lang kami ng trycicle papuntang terminal ng jeep.

Malayo ang tinutuluyan ni Nessa dito sa amin. Kaya, kailangan namin mag jeep. Nakarating na kami sa Terminal at agad naman kami nag bayad at sumakay.

***

"Ingat ka. Salamat sa paghatid." Tumango lang ako kay Nessa at nakipag beso. Hinintay ko muna siya makapasok ng lobby ng dormitoryong ito.

Malapit siya sa school, kaya hindi na mahihirapang bumyahe si Nessa. Unlike me? Na ngayon ay malayo na sa school dahil kila mama na ako nakatira.

At di na sa unit ni Chad.

Aish! Binaggit ko nanamn siya? Tch. I don't care about him anymore! Tch.

***

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now