26

464 17 0
                                    

Chapter 26

After 2 months

*riiiiing*

Nagising ako dahil sa alarm ko. Aish. May pasok nga pala. Agad kong pinatay yung alarm clock at bumangon.

Naguunat pa ako at hikab habang tumutungo sa twalya ko at cabinet para mamili ng aking susuotin.

Napili ko lang na mag purple blouse then maong pants. Kumuha naren ako ng underwear ko at bra. Binitbit ko na ito at lumabas ng kwarto at tumungo sa cr.

After ko maligo, nag toothbrush na muna ako at tsaka nagbihis. Lumabas ako ng may twalya pa sa ulo. Pinatuyo ko muna ito at tsaka sinuot ang white rubbershoes ko.

Lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa kwarto ni Chad. Nakita ko na sobrang himbing na natutulog siya.

Lumapit ako dito at niyugyug ito.

"Chad.. hubby. Hoy! Gising na, may pasok pa." Tugon ko dito habang niyuyug ang braso niya. Umungol lang ito at nagpalit ng posisyon sa pagtulog.

"Hoy!" Sigaw ko pa. Nakita ko na dumilat ang isa niyang mata. Bumangon ito at sumandal sa headboard.

"May pasok! Tsaka anong oras na, hubby. Kumilos ka na." Tugon ko dito at lumabas ng kwarto niya.

Tumungo ako sa kusina para magluto ng almusal. Napagdesisyunan ko na magluto ng sunnysideup eggs then skinless longganisa.

Nagsaing naren ako.

***

"Kain na." Yaya ko kay Chad na kakalabas lang ng kwarto niya. Ang pogi talaga kahit simple lang ang suot.

"Subuan mo ako." Parang batang tugon nito nang makaupo siya sa harapan ko.

"Malaki ka na, Chad." Tugon ko dito at nagsimula na magsandok ng kanin at kumuha ng ulam at kumain.

"Hmp." Tugon nito at nagsimula naren sumandok at kumain.

***

"Let's go." Nilahad ni Chad ang kamay niya sa akin at inabot ko naman iyon at lumabas na ng kotse.

Nandito na kami sa university. Buti nga't mabilis kumilos ang Chad na ito at di kami late.

Magkaholding hands lang kami habang naglalakad kami ngayon sa hallway ng building ko. Hahatid niya kase ako sa room.

"Bye. Iloveyou." Tugon ko dito at kiniss siya sa pisnge.

"Bye. Iloveyoutoo. Study well, wifey." Tugon nito at hinalikan ako sa noo. Tumango lang ako dito. Bago siya umalis, nag wave muna siya sa akin at ganun den ako.

Pumasok na ako ng room at tsaka pumunta sa desk namin ni Nessa. Nagbabasa siya ngayon ng libro.

"Nessa." Tawag ko dito.

"Oh?" Tugon nito at tsaka sinara ang libro niyang binabasa.

"Bakit parang wala ka sa mood? Meron ka ba?" Tanong ko dito. Tumango lang siya.

"Tch. Bwct kase, naiinis ako kay Blake kahapon." Napatingin ako sakaniya. Magkasama sila ni Blake?

"Nag d-date kayo?" Umiling ito.

"Nasa park kase ako yesterday. Then, nakita ko sa park si Blake na nakikipagharutan. Hindi sa nagseselos ako, pero kase ang sakit sa mata." Tugon nito.

"Tanga. Nagseselos ka." Umiling lang ito at tinaasaan ako ng kilay.

Yan, ganyan siya kapag merong red flag. Nananaas ng kilay. Ahitin ko yan!

"Tch. Hindi no." Tanggi nito at tsaka nag cross arms.

"Yeah,yeah. Whatever." Saad ko at tsaka sakto naman ang pagdating ng prof namin.

***

Lunch time;

"Sabay na tayo lunch tatlo?" Napatingin ako sa kanan kong side at nakita ko si Richard. Nasa locker area kami nag aayos ng gamit. After nito, tutungo na kami sa cafeteria para mag lunch.

"Okay sakin. Di ko alam dito kay Iris." Tugon ni Nessa at sinara ang locker niya. Sinira ko na den ang akin.

"Sabay naren ako." Tumango lang sila. Naglalakad na kami ngayon sa hallway palabas ng building at tumungo sa cafeteria.

Nasa gitna si Nessa at sa kanan naman si Richard at ako naman sa kaliwa. Nang makarating na kami ng cafeteria.

Nakita ko si Chad at yung dalawa niyang kaibigan na kumakain. Nakita siguro ako ni Chad kaya nag wave ito.

Umiling ako at tinuro ang dalawa kong kasama. Ibig sabihin, sakanila ako sasabay. Tumango lang ito at nag fly kiss. Inirapan ko na lang siya dahil sa ginawa niya.

Ganyan lagi. Kaya, minsan maririnig mo na lang tumitili ang mga babae sa likuran ko kase akala nila sila ang binigyan ng fly kiss.

"Treat ko guys, ano sainyo?" Tanong ni Richard.

"Meal 1 then coke in can." Tugon ko at tumango lang siya. Tinuro niya naman si Nessa na katabi ko ngayon.

"Same." Tumango lang den si Richard at tumungo na sa counter para magorder.

Ilang minuto, dumating naren siya with tray na. Kinuha namin agad ni Nessa yung food namin sa tray at kinuha naren ang kutsara tinidor.

Habang kumakain nagkwekwentuhan lang kami. Nasa may gilid banda yung table nila Chad kaya nakikita ko kung anong ginagawa nila. Pero hindi nila ako nakikita.

Nakita ko na lumapit sila Layla kila Chad. Umirap ako sa hangin. Akma na sana akong susugod nang bigla na lang lumapit ng sobra si Layla kay Chad. Pero pinigilan ako ni Nessa.

"Eat first." Tumango lang ako. Nakatingin paren ako sa direksyon nila. Mahigpit na ang hawak ko sa kutsara nang biglang halikan ni Layla sa pisnge si Chad.

Bakit hindi umiiwas si Chad? Nagustuhan nya ren ba?

Mas humigpit ang hawak ko sa kutsara nang halikan ni Layla sa lips si Chad. Matagal iyun kaya di ko na napigilan umalis ng cafeteria at hindi na pinansin ang pagtawag nina Nessa at Richard sa akin.

Dinala ako ng aking mga paa sa garden. Agad akong umupo sa ilalim ng puno. Naglagay lang ako ng earphones sa tenga ko at nakinig ng kanta.

Nawalan na ako ng gana kumain dahil sa nakita ko.

Bakit di pinipigilan ni Chad si Layla? Bakit sila naghalikan? Niloloko ba ako ni Chad? Mahaloa ba niya si Layla? Ewan!

Arghhhhh!

Napatingala ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Iris.. okay ka lang ba?"

Tanong nito.

***

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon