08

731 38 2
                                    

Chapter 08

Iris Selene

After lunch, 5th subject na namin. Napaka boring kung alam nyo lang.

Nakakawalang gana mag turo yung prof namin. Kainis! Sabayan mo pa na mapangasar na si Nessa. Haeop! Sarap ibalibag.

After ng 5th subject namin, bigla na lang nagsitilian ang mga babae. Isang rason lang naman kung bakit nagsisitilian yan.

Nasa labas ang tatlong epal. Sina Chad, Blake at Andi.

Ewan ko ba?! Bakit ang daming humahanga sakanila. Isama ko na tong si Nessa. Hindi nga si Chad, si Blake naman. Nako nako.

Panigurado, madami na kinama nun.

"Tinotoo nga niya siz. Susunduin ka nga niya." Nilingon ko si Nessa na inaayos den ang gamit niya.

Wait?

OO NGA PALA?!

Susunduin niya ako, dahil susunduin namin si Thalia at pupunta kami sa isang ice cream parlor. May pa alaska alaska pa siya ah. Yan tuloy, manglilibre siya.

"Bayaan mo siya. Lalagpasan ko lang siya ar mauna na maglakad sakaniya." Boring kong tugon. Lumabas na kami ng room. Nakita ko na nakasandal sa dingding si Chad sa tapat ng room.

"Jan ka na pala. Let's fetch Thalia na." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

Tangina siz?

"Ano ba." Iritang sagot ko at tinanggal ang pagkaakbay niya sa akin. Nang matanggal ko na, binalik niya ulet. Kainis.

"Ah sge, Nessa. Una na kami." Paalam ni Chad kay Nessa. Nginitian lang ako ng nakakaloka ni Nessa. Inirapan ko siya.

"Nag dedate nga talaga sila."

"Totoo nga yung pictures."

"Ano naman ang pinakain nito kay fafa Chad at pinatulan siya. She's not even sexy like me."

Rinig kong bulungan ng mga babaeng estudyante. Tch. Sabihin nyo lang na inggit kayo.

"Bayaan mo sila magbulungan." Tumaas ang mga balahibo sa pagbulong ni Chad sa akin. Ang init ng hininga niya.

"E kase naman, tanggalin mo ang pagakbay sa akin. Tch. Di nakakatuwa."

"Okay lang yan."

"Bakit ba kase naiisipan mo akong sunduin? Pwede ka naman maghintay sa parking kot kasama nina Blake at Andi. Tch."

"Gusto ko bakit ba? Gusto mo gustuhin ren kita?" Napatingin ako sakaniya at tinignan ko siya ng masama at inirapan. Tumawa lang siya ng mahina.

Sapakin kita jan e!

"Dami mong learn, siz."

"Don't call me siz."

"Tch. Okay na yun. Nasanay ako e."

"Mas maganda kung baby ang tawag mo sa akin." Tugon niya at nauna na maglakad. Kapal ng mukha mo!

Tse!

"Hoy! Sandali!" Habol ko sakaniya.

-

Nakarating na kami sa parking lot. Agad naman niyanf nahanap ang kotse niya at sumakay naman ako.

Sa backseat. >_<

"Bakit ka nanjan? Dito ka sa tabi ko." Saad niya at di ko lang siya pinansin.

"Tigas ng ulo mo, babae. Sabing dito ka."

"Upuan den naman ito, hindi ba? Tch."

"Ayoko lang nagmukha mong driver, Iris. Kaya dito ka sa passenger seat."

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now