36

476 18 1
                                    

Chapter 36

"So, do you understand what's the theme of the magazine, Ms. Valdez?" Tumango lang ako sa sinabi ni mam Anne Patricio. Isa sa mga staff ng BodyGoods Philippines.

"Miss Layla, likes pink color shades. So, put a lil pinkish on that magazine design." Dagdag pa nito.

Pero kase, bakit pinkish? Gago ba si Layla? Nude shades ang outfit niya sa photo tapos lalagyan ko ng pinkish shade yung magazine.

"Well. Ma'am Anne, I don't think pink shade will suit here. Cause, her outfits is Nude Shades, not pink shades." Explain ko kay ma'am Anne.

"Well, basta. Kung ano ang better for you, gawin mo na lang, Ms. Iris. Just send us the design cover next week. May mga pictorial pa kase na dapat tapusin si Ms. Layla." Tumango lang ako.

"So, thank you for saying yes. After this, We'll send the money through your bank account." Nginitian ko lang si ma'am at tumayo naren para mapantayan ko siya.

"Welcome." Sabi ko at nakipagshake hands. Nagpaalam na siya at umalis na ng resto. Umupo ulet ako sa upuan.

Inayos ko ang mga gamit ko dahil napagdesisyunan ko na sa starbucks gumawa ng Magazine Design. Para mas chill.

***

"Chocolate Chip Frappe. Grandè." At tsaka inabot ko yung 200 pesos sa barista. Ilang mga minutes, nakuha ko naren yung order ko.

Pumunta ako sa table ko at tsaka nagsimula na mag trabaho. Well, medyo mahirap dahil maarte yung model.

Aish. Bwiset na bwiset talaga ako sa Layla na yan, una pa lang. Kay arte kung maka suggest ng Magazine Cover Design.

Bahala siya, di ko lalagyan ng pink shades. Ang chararat kaya. Tch.

Work

Work

Work

Work

Work

DONE!

Sa wakas, natapos ren. Maganda siya, actually. Kesa sa suggest ni Layla. Kay panget oy. Tch, ganun ba siya ka walang taste?

Sa bagay, may taste siya ng unte kase pumatol siya kay Chad. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?! Aish.

Inayos ko na yung gamit ko, uuwi na ako. After ko mag ayos, kinuha ko na drink ko at tsaka lumabas.

Paglabas ko, hindi ko sadyang nabangga yung shoulder ng guy kaya nahulog yung hawak niyang apat na libro.

Agad kong kinuha yung dalawa at siya ren.

"Sorry sir- Richard?" Nanlaki ang mata ko kung sino yung guy na nakabanggaan ko. I mean, nabangga ko.

"Do I know you?" Takhang tanong nito. Napatawa naman ako ng mahina, kaya Kinunutan niya ako ng noo.

"Ako to, si Iris. Di mo ba naalala?" Agad naman nawala ang pagkakunot yung noo niya.

"Ikaw na ba yan, Iris?" Tanong nito at tsaka hinawakan ako sa kanan kong balikat. Tumango ako at ngumiti.

"Oo nga. Hindi ba obvious?" I ask sarcastically. He just chuckle.

"Gumanda ka," nginitian ko lang siya at hinampas ng mahina sa balikat.

"Kamusta na, oy." Pangangamusta ko dito at tumabi kami sa gilid ng starbucks. Na b-block na kase namin yung entrance.

"Okay lang naman. Ito, busy sa pagaaral para makapasa sa board exam ng mga gusto maging Abogado." Napahampas nanaman tuloy ako sa balikat niya. Ewan ko nga kung bakit, e.

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now