10

670 31 1
                                    

Chapter 10

Iris Selene

Nakarating din kami sa unit ni Chad. Pagpasok, agad kong nilapitan si Thalia at tinungo siya sa kwarto para magbihis ng pambahay.

Binihisan ko lang siya ng simpleng panjama at comfortable t-shirt. Lumabas na ako ng kwarto niya, inaantok daw siya kaya hinayaan ko na lang siya matulog.

Ganitonf oras, nakikinig na ako sa prof namin ngayon sa 6th subject. Half day lang kase ako. Tumungo ako sa kwarto ko at nagbihis den ng pambahay.

Short at oversized tshirt lang ang sinuot ko.

Lumabas na ako at tumungo sa sala para manood ng tv. Nag netflix and chill lang ako. Hindi series ang pinapanood ko ah, movie. Nanonood lang ako ng marvel movies. Endgame. Ilang beses ko na napanood to, pero di ako nagsasawa. Iiyak paren ako sa dulo.

Sa gitna ng panonood, nakaramdam ako ng gutom. Btw, kung nagtataka kayo kung nasan si Chad. Ayun, umalis. Ewan ko kung saan pupunta yun. Kapag naglasing nanamn siya, bahala siya mag gewang gewang at pagnatumba siya, bahala siyang gumapang papunta sa kwarto niya.

Mag lalasing siya, di naman niya kaya kontrolin ang kalasingan niya. Tch.

Pinause ko muna ang ang pinapanood ko at tumungo sa kusina para mag handa ng makakain ko. Sa dami ng pagkain dito na stock, di ko na alam ang kakainin ko.

Popcorn. Ayan, yan ang ending. Popcorn ang napagdesisyunan kong kainin. Minicrowave ko lang ang popcorn at agad ko naman ito sanalin sa mangkok.

Kumuha den ako ng bottled water sa ref. Tumungo ulet ako sa sala at tinuloy ang panonood.

After ng movie, sinilip ko si Thalia sa room niya. Ewan ko ba, parang hindi naman babysitter ang tingin ko sa sarili ko. Alam nyo ba kung ano?

Bilang isang maalagang ina.

Yan ang tingin ko sa sarili ko kapag inaalagaan ko or binabantayan si Thalia. Maganda den pala maging ina.

Ang alam ko, kapag nakabalik na ang magulang nila dito sa pinas. Kukunin na si Thalia ng mom niya at iuuwi. And me? Wala na ulet akong trabaho.

Kaya ito, nagiipon na ako. Wala pa naman akong isang buwan dito. Wait, hindi ko pa pala nasabi kay Nessa na babysitter ako ngayon ng kapatid ni Chad. Bwct.

Nagpatuloy lang ako sa panonood, hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Di kalaunan, nakatulog ako.

***
Christian Dale

Nandito ako ngayon sa unit ni ate Ten. Nakauwi na pala siya last 3days ago. Dinaan ko lang siya.

Pero mamaya, mang c-chix ako kasama sina Blake at Andi. Makakatikim nanaman after 2 weeks.

Gusto ko ren sana na dito na lang si Thalia para may kalaro siya. May anak na kase tong si ate Ten simula nung nag france siya. 3 years old na ang anak niya. 17 kase siya nung nabuntis. Dun siya ang aral sa france. Nakahanap ng bf. Ayun nabuntis, iniwan den ng bf.

Tarantado

Pero, naisip ko na masyado na napalapit si Thalia kay Iris. Ayoko ren naman kase umalis si Iris kaya di ko sinasabi kay ate na dito na lang si Thalia.

May kalaro den naman si Thalia e. Si Iris nga lang. Haha.

"Nakita ko nanaman ang ngiti mong yan, may bago na ba? Oh si Layla paren ang dahilan?" Agad akong napalingon kay ate sa sinabi niya.

"Stop mentioning that girl. Nakakainis." Tugon ko.

"Ganyan na ganyan ang smile mo nung kayo pa ni Layla."

"I said. Stop mentioning her. Tagal na nun."

"Tch. Sino ba yang babae na yan? Gusto ko makilala."

"Wala akong bagong gf. At hindi na magkakaroon pa. Flings lang."

"Nako, baka nga gulat ako may asawa at anak ka na."

"Tch. Never."

"Okay sabi mo e."

***
6:00 pm na ako nakaalis sa unit ni ate. Nag text si Blake na mag bar daw. Pumayag agad ako. Bakit naman hindi? Magkakachix nanaman ako.

Habang nag d-drive ako papunta sa bar. Kinapa ko ang phone ko at dinial ang number ni Iris. Sasabihan ko na lang na baka kung anong oras na ako makauwi.

Naka dalawang dial na ako pero hindi paren siya sumasagot. Tch. Bahala nga siya.

Nakarating na ako sa bar at agad na hinanap sila Blake at Andi na ngayon at nakaakbay sa mga babae.

"Bro." Naagaw ko ang atensyon nila kaya napaharap sila sa akin. Nag bro hug naman kami. Umupo na ako sa couch.

"Hanap ka na ng chix bro." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagsalan na lang ng alak sa shot glass at diretsong ininom ito.

"Pass muna bro. Next time na muna." Iling iling kong saad. Nag salan ulet ako ng alak at ininom ito.

3rd, 4th, 5th, 6th, shots. Hindi paren ako nalalasing. Ang hina naman ng tama ng alak nato.

Mas mabuti yun. Ayoko umuwi ng lasing baka mangyari nanaman yung nangyari nung nakaraan.

Dami ko talaga ng nainom nun. Di ko kase malimutan yung pagmumukha ng Iris na yun pagnakasmile siya.

Damn.

"Nagbago ka ah. Dati uhaw na uhaw ka sa chix ngayon hindi na? Lakas ng tama sayo ni Iris samantala yung alak na yan hindi." Natawa na lang sa tugon ni Andi.

Napansin ko ren I'm not into chix na ngayon. Simula nung dumating si Iris. I don't know why.

"Mga bro, get a room." Tugon ko nang makita sila Blake at Andi na nakikipag make out na sa kasama nilang babae dito sa couch.

Aish. Ang boring naman dito. Tumayo na ako at lumabas ng bar. Sumakay na ako sa kotse ko at tinungo ko ang sarili ko sa condo ko.

***

Iris Selene

Nagising ako dahil sa sunod sunod na doorbell mula sa labas. Tinignan ko ang paligid at pansin ko madilim na sa labas. Gabi na? Bilis naman.

Agad akong tumayo at naginat. Nag doorbell na lang. "SANDALI!" Sigaw ko at nagtungo sa pinto para buksan ito.

Pagbukas ko nakita ko si Chad na mejo inaantok na.

Uminom nanaman siguro ito.

"Uminom ka nanaman?!" Tanong ko dito. Hindi niya lang ako pinansin at diretsong pumunta sa sala at nilapag ang sarili sa sofa.

Umiiling iling akong lumapit sakaniya.

"Uminom ka nanaman?" Tanong ko ulet habang nakapamewang at nakatingin lang sakaniya na nakahiga ngayon sa sofa.

"Hindi ba obvious?" Napairap na lang ako sa sagot niya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.

"Oh. Inumin mo yan, para mejo mawala ang kalasingan mong bwct ka." Tugon ko at inabot sakaniya ang tubig.

Tinanggap niya naman ito at nilagok. Parang alak lang sa shot glass ang paginom niya pero mas matagal.

Napatingin ako sa lalamunan niya na paulit ulit na lumulunok.

Damn. Ang sarap panoorin kung pano siya uminom ng tubig.

-

Sup. Keep safe and healthy mga siz :*

Nagmamahal,
dj🖤

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Where stories live. Discover now