Lumiwanag ang kaniyang mukha nang makita akong gising na. Lumapit siya sa akin na nakatayo sa gilid ng pinto at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Nag-almusal ka na ba? Umalis si Mama at namalengke saglit."

Marahan akong umiling. "Kababangon ko lang. Sorry I woke up late. Nakakahiya."

He barked a low chuckle before holding my arm, guiding me to their kitchen area. "Ayos lang, madaling araw naman na tayong natulog."

He pulled me a chair to sit on and prepared my breakfast. Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdan ngunit sa kaloob-looban ay humahataw na ang aking puso sa kilig at saya.

This was the kind of life I'd been dreaming of since then. Simple yet peaceful.

Inalis niya ang natakpang pagkain. May pritong itlog, sinangag at isang bowl ng kamatis na may halong bagoong doon. Nang maihanda ang pagkain sa aking harapan ay muli siyang tumayo.

Napakunot-noo ako. "Saan ka pupunta?" usisa ko nang tila balak niyang umalis.

"May bibilhin lang ako sa labas, babalik din ako agad."

Tumango na lang ako bago sinimulang kumain. True to his words, wala pang ilang minuto ay hingal siyang bumalik. Nagtataka ko siyang binalingan para lang muling manlambot ang puso. Binilhan niya ako ng titimplahing gatas at isang galon ng mineral water.

"H-hindi ka na sana bumili niyan, sapat na sakin ang tubig n'yo rito."

Umiling lang siya bago ibinaba ang pinamili sa mesa. Tumalikod siya sa akin para manguha ng cup at mainit na tubig. Naiiyak tuloy ako sa pagiging maalagain niya sa akin. Nang maipagtimpla niya ako ng gatas ay naupo siya sa aking tabi.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" panimula niya.

Natigil ako sa pagnguya. Sa totoo lang ay wala na akong balak umuwi pa sa bahay. "P-puwede bang dito muna ako?" pagbabaka-sakali ko.

Nagsalubong ang kaniyang kilay. "Baka hinahanap ka na sa inyo Cresencia," umiba ang tono ng boses niya.

Nilunok ko ang kinakain bago napalabi. "Kung hinahanap nila ako, eh 'di sana nandito na sila kanina pa," pangrarason ko. "Dito muna ako please? Aalis din naman ako 'pag gusto ko nang umuwi."

Wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Napangisi na lang ako. Nakakapagtaka mang hindi ako agad ipinahanap nila Mamáng ay ipinagsawalang-bahala ko na lang dahil mas pabor iyon sa akin.

Unang araw kong pananatili sa kanila ay nasundan pa ng isa at ng isa pa. Hindi ako kailanman lumabas ng kanilang bahay pero pansin ko ang madalas na pagdaan ng mga tao sa labas ng bahay nila Simon. Hindi rin pumupunta si Simon sa hacienda lalo na't nasa bahay naman nila ako. Alam kong kung ano-ano na ang konklusyon na pinag-iisip nila lalo na't nasa labas pa rin ng kanilang bahay si Valir pero tulad nga ng sabi ni Simon sa akin noong nakaraang gabi ay huwag ko na lang silang pagtuunan ng pansin.

Those days I spent with them was like a fairy tale! I was happy and contented all those times. Aling Carmen even taught me some of her recipes too! Kahit papaano ay natutunan kong magluto kahit prito! Those times I wished that I could stay like that and be with them for a lifetime... but I knew it had its end.

Papasikat pa lang ang araw isang umaga nang may yumuyugyog na sa aking balikat. Naalimpungatan ako at bumungad ang kabadong mukha ni Aling Carmen.

"Aling Carmen..." pinahina ko ang boses para hindi magising si Simon sa aking tabi. "Bakit ho?"

Taranta itong tumayo sa aking gilid. "N-nasa labas si S-Senyora!" paimpit niyang bulalas.

Halos lumuwa ang mata ko sa narinig. Agad din akong dinamba ng libu-libong kaba. Ano'ng ginagawa ni Mamáng dito sa ganitong oras?!

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now