Ginugulo ng hangin ang brown nitong buhok at pati na rin ang puting polo na suot nito. Simple ngunit nakakapigil hininga ang itsura ni Drake ngayon.
“Drake,” nang tawagin ko siya ay napalingon siya sa akin at para bang nakakita ito ng multo kaya napasimangot ako.
“Alis na nga lang ako,” sabi ko at sabay talikod sa kanya. Pero napigilan ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako lumingon sa kanya at hindi rin ako umimik.
“Ah sorry. Medyo nagulat lang ako Cass.” Mula noong naging bestfriends kami ay ngayon niya palang ulit ako tinawag sa pangalan ko. Namiss ko rin pala ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Ngunit hindi parin ako umimik. Hinarap niya ako sa kanya. Pagkaharap niya sa akin ay tinutukan niya ako sa mga mata. Halos gusto kong umiwas pero ang mga mata niya ay sobra kung makapang-akit. Parang naka glue ang mga mata ko.
Napansin ko parang may gustong sabihin si Drake sa akin. Parang may tinatago siya na gusto niya ng sabihin sa akin. Kaya ako na ang nagtanong.
“May problema ka?” Bumitaw siya sa pagkakahawak at tumalikod sa akin. Lumapit siya sa railings at tumanaw sa kalawakan ng mundo.
“Hindi naman talaga ito problema…” sabi niya at huminga ng malalim.
“Alam mo Cass, ang ganda mo ngayon. Hindi ko alam pero bakit ngayon ko lang napansin. Ang ganda mo,” sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
Hindi ko alam pero natulala ako sa sinabi niya. Nanigas ako. Naghihintay kung may punch line ba ito pero wala. Masyadong seryoso ang boses niya. Masyadong… ayoko. Tama na. Ayokong umasa.
“Naku! Ayan ka na naman sa pagiging bolero mo, Drake. Tumigil ka nga at baka mahulog ako sa iyo,” Gaga! Eh nahulog ka nga para sa kanya!
“Edi sasaluhin kita,”
“Ano bang nakain mo at iyan ang mga sinasabi mo?” pagtatakang tanong ko. Medyo halata na may inis sa boses ko.
Katahimikan ang namahagi sa amin. Walang umiimik. Hindi ko alam anong sabihin ko dahil ayaw kong umasa sa mga sinasabi ni Drake ngayon. Ayaw kong masaktan at mas lalong ayaw kong masira ang kung anong meron kami ngayon.
Biglang tumawa si Drake.
“Haha ikaw naman bespren ang seryoso mo talaga!”
Boom panes! Hindi koi yon inasahan. Tama nga lang pala! Tama lang na hindi ko tinanggap agad ang mga sinabi niya. Dahil kung hindi, umiiyak na ako sa harap niya at ayaw kong mangyari iyon.
Pilit kong tumawa para hindi niya mahalata.
Kahit masakit.. kailangan.
“Halika nga muna!” hinila niya ako papalapit sa kanya.
Hindi ako nakapag-angal. Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at nilapit ako sa kanya. Naamoy ko ang perfume niya. Napakabango! Pwede na ako malunod sa bango ng kanyang pabango.
Walang umimik sa amin at hinayaan na maramdam ang simoy ng hangin. Tinatanaw ang ganda ng
What if sabihin ko na lang kaya ngayon? Nasa good mood naman siya at maayos naman ang lahat. Hindi naman siguro masamang sabihin na may gusto ako sa kanya diba?
Alam ko na dapat ang mga lalaki ang nangunguna pero hindi naman siguro ganoon kasama na masabi lang ang nararamdaman ko diba? Ang hirap eh, especially na parati kaming dikit sa isa’t isa.
“May sasabihin ako…”
Sabay namin nasabi.
“Ikaw na mauna,” sabi ni Drake.
“Hindi ikaw na…”
Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita.
“I like someone,”
Parang tumigil sa pag-iikot ang mundo. Nabingi ako at halos ang marinig ko lamang ay ang mga tibok ng puso naming dalawa. Ang nakikita ko ay siya lamang at wala ng iba pa.
Hindi ko akalain na isang araw na lang gigising ako sa araw na hindi ko inaasahan.
♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥
Happy New Year!!
Thanks for reading~
Leen-chan ❤ 12-31-2014
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 4 - Feelings
Start from the beginning
