Red String 8 ~ Truth Hurts

637 9 3
                                        


It has been one month and two weeks. One month and two weeks na rin sina Drake at Ivy at one and two weeks na rin—


"ATE CASS! ATE CASS!"


"Oh, hinay-hinay lang Strawberry..."


"Andito na siya!" ngiting tagumpay na sabi ng aking makulit ng pinsan. Ngumiti lang naman ako sa kanya at sinabayan niya na ako bumaba. Pagkababa ko ay binati ako ni Matthew at natutulala siya sa akin kaya napayuko na lamang ako.


Nagpaalam siya kanila mama at papa at lumabas na kami ng bahay. Binuksan niya ang pinto na katabi sa driver seat at umupo ako doon. Maya-maya at sumunod naman siya at pinaadar ang kanyang sasakyan.


Tulad ng sabi ko kanina, isang buwan at dalawang linggo na ako nililigawan ni Matthew. Nalaman ko na lang na noon pa pala siya may gusto sa akin pero wala siyang lakas na loob na magsabi ng totoo. Noong araw na nasa canteen ako... noong araw na binigyan niya ako ng panyo, nalaman ko na hindi niya na kaya akong makita sa malayo at nasasaktan. Nagpapasalamat ako sa mga nararamdaman sa akin ni Matthew. Laking gulat ko nga noong una ko itong nalaman.


"Andito na tayo," napahinto ang pag-iisip ko ng sobrang malalim ng marinig ko ang boses ni Matthew.


"Okay ka lang?" tanong niya na may pag-aalala at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko nga alam anong pumasok sa isip ko pero inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumango na lang.


Binuksan niya ang pinto at bumaba ako. Sinundan ko siya papasok sa isang napakamagarang restaurant. Tonight, we will be having an actual dinner date. Pagkapasok namin sa restaurant ay binati kami.


"Table for two please," sabi ni Matthew sa isang babae na nasa early twenties niya.


"Follow me sir," sabi niya at sinundan naman namin siya.


Noong nahanap na namin ang table namin, Matthew was being a gentleman to me. Nag order kami ng pagkain at pagkatingin ko sa presyo, nagulat ako. Seryoso ba ang mga presyo ng mga pagkaing ito??


"May problema?" tanong ni Matthew sa akin. Umiling lang ako at bigla akong tinaong ng waitress kung ano ba order ko.


"Tubig lang miss." Nagdadalawang isip ang babae kung seryoso ba o hindi ang sinasabi ko. Hindi na ako tumingin sa kanya at napayuko na lang ako.


"Isang steak na lang for her and a red wine please," sabi ni Matt. Tinanong ng waitress kung yun lang ba lahat, tumango lang si Matthew at umalis na rin ang waitress.


Walang umiimik sa aming dalawa. Awkward ang masasabi ko. Sa totoo lang, ito ang first official date namin. Sabi kasi sa akin ni Mama na hindi naman masama kung subukan ko nga ang ganito, kaya sinunod ko lang naman din advice niya. Kaso, hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko.


"Matthew..."


"Cassy..."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now