Red String 2 ~ Strangers to Bestfriends

1K 17 4
                                        

“Okay class dismissed,” natauhan lang ako ng biglang nagbell for the recess. 

Ahh break na pala…

Ahh! Ano ba bakit kanina pa ako parang wala sa sarili ko? Pero masisi niyo ba ako? Nagtataka talaga ako kung bakit kaklase namin si Drake.

“Hala! Hindi ako makapaniwala na andito ang anak ng Director.”

“Oo nga. Nakakapagtaka nga kung bakit siya napunta sa Special A class.”

 “True. May nangyari kaya between him and the Director?”

“Maybe.”

AAHH! Ang gulo ha! Pero teka, kahit nga mga kaklase ko nagtataka rin kung bakit andito siya.

Eh malaking tanong naman talaga eh.

Ang Special A class ay ang second highest rank class sa school ng Lux University. Andito lahat ng matatalino at magagaling. Well, for S Class, ibang level naman ang katalinuhan at galing nila. Students who are in the S class are the ones who will inherit next their family businesses. And they don’t attend classes that much. They simply enter school. Iyan ang malaking difference ng Special A Class and S class.

That’s why nagtataka talaga kami kung bakit andito si Drake. He’s the next heir of the Lux University.

“Haha akala niya kasi pwede na ang lahat dahil anak siya ni Director,” Ugh.. these guys are so out of the line. The bullies. Geez 

“Habulan ng babae. May looks. Mayaman. Pero hindi dahil may ganyan ka Drake, hari ka na ng mundo!” nagulat na lang ako ng biglang sinuntok si Drake. Kaya agad akong napatayo 

Ang Crazy twins naman ay nanigas sa kanila kinauupuan.

“Hey both of you! Stop this!” biglang sigaw ko 

Napatingin naman sila sa akin. Arggh. 

“Oy! Ano bang problema mo ha?” biglang sabi nung lalaking kumakain ng bubble gum.

“Problema? Ako, wala! Baka kayo? may problema kayo?” tanong ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot.

“Alam niyo kung wala man lang kayong masabi na mabuti mabuti pa at itikom niyo na lang ang mga bibig niyo.” Dagdag ko.

Titignan ko sana si Drake kung ok lang siya pero nakita kong wala na siya sa kinauupuan niya. Ano kaya ang problema nun? 

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 “Girl, ano kaya ang problema ni Drake? Bakit kaya siya nalipat sa atin?” tanong naman ni Crae. Hindi ako makasagot dahil kahit ako hindi ko naman din alam ang dahilan. Ang katotohanan niyan, no one no except him and his father. 

Talagang ang higpit na ni Director kaya ganun na lang ang ginagawa niya?

O di kaya, suplado pala itong si Drake.. bait-baitan lang sa panglabas para habulin ng mga babae?

 O hindi kaya naimplwensiyahan siya ng masasamang kaibigan niya kaya ganyan na siya?

 O kaya--

 “Huuy! Cassy, nakikinig ka ba?” pag-aalang tanong ni Zy sa akin. Umiling naman ako at huminga sila ng maluwag.

 “Ang lalim ng hininga ah. Ano bang meron?”tanong ko naman sa kanila.

 “Ang lalim ka diyan! Eh ikaw nga itong hindi maalis alis ang mga mata sa aming lovey dovey na si Drake Guerra!” napatalon ako ng kaunti ng biglang bumulong sila sabay sa akin ang pangalan ni Drake.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon