Nagising na lang ako ng makarinig ako na para bang may bumabanggit ng pangalan ko. Pinilit kong imulat ang mata ko para malaman kung sino ito. Hanggang sa napansin ko nasa isang hospital room pala ako.
"Gising na po si Cassy," napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Drake na nakaupo hawak-hawak ang kamay ko. Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Teka, bakit siya andito? Alam niya na rin ba?
"Cassy... Anak..." napalingon ako kay Mama na mangiyak-iyak niyang tawagin ako. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko ng mahigpit at umupo sa tabi ko.
"Pinaalala mo kami ng Papa mo. Anak, huwag mo naman din sana madaliin ang lahat. Sabi ng doctor... may isa hanggang dalawang buwan ka pa naman. Diba sabi mo gusto mo mag graduate? Malapit na ang graduation niyo anak. Hinanda ko na ang toga mo at--at..." hindi na nakapagpatuloy ng pagsasalita si Mama dahil napaiyak na lang siya. Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kanya para tumahan na si Mama.
Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Sa paanan ko, andoon sina Crae at Zy kasama si Strawberry... katabi naman ni Mama si Papa. At ang nasa kanan ko naman ay si Drake. Maya-maya biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Matt kakarating lamang.
"Matt..." mahinang tawag ko sa kanya. Lahat ay napatingin kay Matt at para bang naintindihan niya na ibig sabihan ay siya ang tinatawag ko kaya lumapit siya sa tabi ko. Umalis si Drake sa may kanan ko para magbigay daan kay Matt.
Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ang tinawag ko. Hindi ko alam... tumingin na lamang ako sa kanyang mga mata. Nakita ko ang pag-aalalala at lungkot. "Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong niya sa akin.
"Ano bang nangyari?" Sa totoo lang hindi ko na talaga matandaan kung ano ang nangyari dahil ang huling matandaan ko ay yakap-yakap ko ang gitara hanggang sa--
"Muntik ka ng..." napatigil si Matt sa kanyang sasabihin at para bang nahihirapan kung papaano niya isasagot yung tanong ko.
"Nakita ka ni Drake, anak nakahiga na walang malay sa rooftop ng paaralan niyo habang hawak-hawak ang gitara. Tinawagan ako ni Drake, pati na rin sina Crae at Zy at agad ka naming dinala dito sa ospital," paliwanag ni Mama.
Biglang tumahimik ulit ang buong kwarto.
Ahh... oo nga naman. Naiintindihan ko na. Lumalala na ang sakit ko kaya hindi sila mapakali. Kaya naman pala ganyan ang mga mukha nila, pilit nilang maging matatag kahit durog na durog na sila kaloob-looban.
Pilit kong ngumiti at sinabi... "Thank you po!"
Bigla akong niyakap ni Mama at si Papa naman ang umaalalay kay Mama na tumahan na. Sina Crae at Zy napaiyak na lang ng husto. Napansin kong si Drake lumabas ng kwarto at si Matt... heto, hinawakan ang kanang kamay ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Talagang makikita mo na nasasaktan rin siya dahil sa estado ko ngayon. Nararamdaman ko na iniisip niya na kung pwede lang siya ang nagkakasakit at hindi ako.
"Matt, mara--" hindi ako nakapagpatuloy sa sasabihin ko ng biglang diniin ni Matt ang pagkakahawak sa kamay ko at nagsalita. "Please don't thank me now. Thank me when you're out of that bed. Stay alive Cassy. Stay alive for me."
At doon ko nakita si Matt na umiyak. Naramdaman ko ang sakit kaya hindi ko napigilan ang pag-iyak.
Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin?
Wala naman akong nagawang masama para ganito ang mangyari sa akin?
Naging mabuting anak, kaibigan naman ako, ano pa ba ang naging kulang ko sa mundong ito?
Tanong ako ng tanong pero wala namang sumasagot. Sabi nga ng Diyos, may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang mga ito. Gusto kong malaman iyon. Masyadong maraming nasasaktan, hindi lang ang sarili ko pati na rin ang mga mahal ko sa buhay, mga taong may halaga sa akin ay nasasaktan rin ng husto.
Pagkatapos ng kadramahan namin, lumabas si Matt kasama ang Crazy twins para bumili ng makakain ng lahat. Habang si Mama ay natutulog sa sofa at si Papa naman may isinaasikaso sa ospital.
Pumikit muna ako ng mga mata ko.
Kadiliman. Yan ang nakikita ko. Ganito ba kapag mamatay ka na? Halos wala ka ng makita? Nakarinig ako na may pumasok. Nakapikit parin ang mata ko dahil hihintayin ko munang magsalita ang nars na kukunan niya ako ng dugo o hindi kaya iche-check niya ako, pero nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko at pinatong ang ulo niya rito.
Ramdam ko na kung sino ito...
Walang iba kundi si Drake.
Huminga siya ng malalim.
"Cassy..."
Ramdam ko na nag-aalinlangan siyang magsalita. Gusto ko na sanang imulat ang mga mata ko ngunit napatigil ako ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko ulit at nagsalita...
"Cassy, patawarin mo ako. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lang ako natakot. Kung hindi lang pinangunahan ng takot ang nararamdaman ko... ang nararamdaman ko para sa iyo edi sana hindi ito mangyayari. Noon pa man, sinasabihan ako nina Crae at Zy na baka nga may gusto ka rin sa akin pero hindi ako naniwala hanggang sa isang araw noong nakita kita sa likod ng building mag-isa...
Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko noon araw na iyon? Sabi ko 'Sana nga kung maibalik lang ang oras at maturuan ang puso ko... Ikaw na lang sana iyon Cass. Ikaw na lang.' pero hindi eh, pinili ko maging torpe. Pinili ko na ibalewala ang mga nararamdaman ko dahil ang isip ko na ayaw kong masira ang friendship natin. Ang tanga ko Cass. Ang tanga-tanga ko."
Nagulat ako sa sinasabi ni Drake. Para bang gusto ko ng imulat ang mga mata ko at sabihin sa kanya ang totoo na hanggang ngayon siya parin ang nagpapatibok ng puso ko.
Pero... napagdesisyunan kong hindi muna at pakinggan muna siya.
"Nalaman ko ang totoo bago noong araw nun, noong lumapit sa akin si Crae isang araw na galit na galit at naiiyak na humarap sa akin at tinanong ako tungkol sa totoong nararamdaman ko. Galit niyang sinabi sa akin ang totoo. Ako naman yung nakatayo na para bang na paralyze. Nagulat ako sa nalaman ko, ngunit huli na pala ang lahat dahil nalaman kong nanliligaw na si Matt sa iyo. Masakit ngang makita ang ibang mahal mo na may kasamang iba at hindi sa piling mo.
Cassy, please... stay alive."
Pagkatapos noon naramdaman kong bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at lumabas ng kwarto.
Agad kong minulat ang mga mata ko at napaiyak na lamang ako ng sobra-sobra. Bakit ba ito? Bigyan niyo naman ng hustiya ang aking buhay!! Bakit ba nangyayari ang ganito sa akin?!! Masyadong masakit at napaka-unfair ata ng lahat ng nangyayari sa akin.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakaramdamn ako ng pagsikip sa dibdib ko at hindi na ako makahinga.
"MAMA!" pilit kong sigaw pero sa sobrang hina ako lang ata ang nakirinig. Pilit kong abutin ang gamot at tubig sa gilid ko pero ito na tuloy ang dahilan ng pagkabasag ng baso at biglang nagising si Mama.
Laking gulat niya ng makita aniya ako ngayon. Agad siyang lumabas sa kwarto at sumigaw... humihingi ng tulong.
Ngunit bawat Segundo... bwat minuto na dumadaan mas lalong sumasakit at sumisikip ang dibdib ko at para bang nauubusan ng hangin ang mundo. Pinikit ko ang mga mata ko pero pagmulat ko rito at wala akong ibang makita kundi kulay puti lamang. Kahit saan man ako lumingon para bang silaw ng araw ay nakatutok sa akin. Naririnig ko pa ang mga ingay sa kwarto hanggang sa humina ng humina ito.
"Nurse! Doc! Doc! Tulungan niyo po ang nak ko!"
"CASSY?! CASSY!!"
"Please Cassy..."
"Ready... 1... 2... 3 CLEAR!"
"One...t---"
Ito na ata ang katapusan ng kwento ko...
ito na nga ata ang tadhana ko.
Paalam.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
