Red String 9 ~ Photograph

513 8 7
                                        

It has been two months already. Me and Matt are still friends though may times na hindi niya napipigilan ang sarili niya but I understand him. I know he really cares for me, but I just can't open my heart to him knowing na may taong nilalaman ang puso ko.

Crae hasn't talk to me for the past two months. Mukhang galit parin siya sa akin. Zy keeps on saying that she has something need to be done, pero kilala ko si Zy... hindi magaling magsinungaling ito.

Because of my love for him, everything.. I am about to lose everything.

With my friendship with him, is there no strings attached?

"Anak?" napahinto na lang ako sa pag-iisip noong narinig ko si Mama kumatok sa pinto.

"Po?"

Pumasok si Mama dala-dala ang tray na may pagkain at juice kasama dito ang medicine ko. Kinuha ko ito at ininom kaagad. Binalik ko ang baso sa tray at itinabi ito ni Mama at umupo siya malapit sa akin.

"Cassy, anak... alam kong hindi madali ang pinagdadaraanan mo. Isa kang mabuting anak at napakatalino mo. I can't ask for more you know that don't you?" tumango lang naman ako bilang sagot ko.

"Please Cass, don't carry it by yourself. Kausapin mo kami ng Papa mo. Alalang-alala na kami sa iyo, pati pinsan mong si Strawberry hindi na alam kung paano ka lalapitin dahil mukha ka daw mangangagat ng tao," napalingon naman ako kay Mama sa huling salitang sinabi niya. Tumawa lang kaming dalawa.

"Ma, sorry. Hindi ko alam na ganito pala talaga kahirap ang magmahal."

Tumahimik ang buong paligid. Walang gustong magsalita sa aming dalawa hanggang sa tumikhim si Mama.

"Anak, kapag mahal mo... gagawin mo ang lahat kahit mahirap man o hindi. Basta mahal mo yung tao gagawin mo. Kaso may limits tayo anak. Huwag mo ring hayaang masaktan ang sarili mo ng ganito..."

"Alam mo Ma, iyan rin ang sinabi sa akin ni Crae. Pero tila ba, nabibingi ako sa mga ganyang payo dahil ayaw makinig ng isip ko dahil hinahayaan niya ang puso ko ang magdikta sa gagawin ko," nakayukong sabi ko kay Mama. Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"At ano ang sinasabi ng puso mo anak?"

Hindi ako nakasagot kay Mama.

"Anak, hindi ibig sabihin na nagmamahal ka ay puso ang parati mong pakikinggan. Gamitin mo rin ang utak mo anak. Tulad ng sabi ko kanina matalino ka," malungkot ng ngiting sabi ni Mama sa akin.

Tama si Mama. Talagang tama siya pero bakit-

"Cassy, you have to let go to move forward," huling sabi ni Mama sa akin. Naiwan niya akong nanigas sa kinauupuan ko. Hindi ko inaasahan ang huling payo ni Mama sa akin. Noong nakalabas na siya ng kwarto ko hindi ko mapigilan ang sarili ko at napaiyak na lamang ako.

Bakit ba ako ganito?

Bakit ba ako iyak ng iyak?

Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Eh una pa lang hindi naman kami.

Noon pa hindi siya naging akin. Alam ko na iyon simula pa lang. Pero talagang nasasaktan ako. Hindi ko alam. Para bang wala akong kontrol sa luha kong tumutulo na lang ng sa kanya.

Pagod na ako sa ganitong sitwasyon ko na pabalik-balik na lamang.

Ilang weeks na lang rin at graduation na namin.

Ilang araw na lang at bilang na ang oras na mayroon ako kasama si Drake.

Ilang oras na lang at bilang na ang Segundo ko sa mundong ito...

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon