Red String 6 ~ Because She is Stupid...

575 14 2
                                        

"Pwede ba? Pwede mo ba akong tulungan manligaw kay Ivy?"

Binaon ko na lang ang aking mukha sa malambot na unan at sumigaw ng malakas. Bakit ba ito nangyayari sa akin?

Napatigil na lang ako sa ginagawa ko ng biglang tumunog phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, mabuti na lang at si Crae lang pala.

"Hello Crae," bati ko sa kanya.

"Cass, ano yung narinig ko galing kay Drake? TUTULUNGAN MO SIYA?!" biglang lumakas ang boses niya sa huling tanong niya. Napapikit na lang ako ng mga mata.

Wala naman akong magawa. Bestfriend ko si Drake. And as her bestfriend, normal lang naman na magtulungan diba?

"Bestfriend ko siya Crae--"

"Oh shut it Cass! Kailan ka pa ba naging tanga?" Mula nung minahal ko si Drake.

"Bakit ka ba galit Crae?" tanong ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. Oh shit.

"GALIT AKO KASI NAGPAPAKATANGA KA!" seryoso siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako at binaon ulit ang mukha ko sa unan.

Tama si Crae. Hindi ko naman idedeny iyon na nagpapakatanga ako. Mahal ko si Drake, ang problema lang hindi niya ako mahal.

Ilang oras ring tumambay si Crae sa aking kwarto. Wala si Zy, nag sho-shopping daw. Himala hindi sinamahan nitong isa. Sa kanilang dalawa kasi ang mas may topak si Zy talaga.

Tatlong araw na rin ang dumaan simula noong tinanong ako ni Drake kung tutulungan ko ba siya sa panliligaw kay Ivy. Sa totoo lang mahihirapan talaga ako dahil una, hindi ko gaanong kilala si Ivy. Nakikita ko lang siya pero hindi pa kami pormal na napakilala sa isa't isa. Pangalawa, I really don't know what the type of girl she is. May iba't iba tayong perspective when it comes to courting, malay mo ang gusto ko ay ayaw niya. Something like that. ARGH! Bakit nga ba ako pumayag sa pagtulong kay Drake.

Eh kasi mahal mo. Walang "no" sa vocabulary mo pagdating sa kanya.

Haay!

"Oh so ano ang balak mo?" tanong naman ni Crae sa akin na hindi man lang tumitingin.

"Balak?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin na may masamang tingin at nakataas ang isa niyang kilay. "My ghad Cass! Ano bang--alam mo simula ng nainlove ka kay Drake, bobo ka na!" Walang alinlangang sabi naman ni Crae sa akin.

"Excuse me, sino nga ba ang patay na patay sa kanya noong una?" sasagot sana si Crae pero tinikom niya na lang ang bibig niya. "Tignan mo," irap na sagot ko sa kanya.

"Babe, alam mo, pagdating sa love magulo talaga yan. May mga bagay na hindi lang talaga sumusunod sa gusto nating mangyari. Kung destiny mo na siya ang makasama mo edi... GO! Pero babe, sa kwentong ito, ikaw yung third wheel," seryosong sabi ni Crae sa akin habang hinahawakan niya ang mga kamay ko. Tama naman talaga si Crae. SImula pa lang tama na talaga si Crae. Pero ang hindi ko magawa ay sundin siya dahil nagmamatigas ang puso ko at ngayon, unaivalable ang utak ko. Out of reach.

"Pero Crae, mahal ko siya--"

"Fuck Cass! Hindi mo ba naririnig sarili mo? Mahal mo! Mahal mo! Pero ikaw lang ang nakakarinig..."

"So anong gusto mo sabihin ko?"

"Hindi! Hindi mo naiintindihan. Cass, may punto talaga sa ating buhay na kailangan nating bumitaw sa mga bagay na hindi para sa atin kahit gusto man natin ipaglaban ito. Kailangan mo bitawan iyang pagmamahal mo para sa kanya Cass. At the end, ikaw lang ang masasaktan."

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon