ONE MONTH LATER
“Cassy!!!”
Here we go again… araw-araw na lang ganito ang aking morning. Kung pwede lang lagyan ng napakalaking headphone ulo ko para hindi na marinig ang kakasigaw ng pangalan ko ng Crazy Twins na iyan.
“Ca-Cas-sy…” hingal na sabi ng twins.
“Oh ano? Ang aga-aga at nagkakaganyan na kayo!” drama kong sine-sermunan sila.
Magsasalita na sana si Crae pero halatang hingal na hingal pa ito. Kaya nilagay nilang dalawa ang kamay nila sa harap ko at signal na maghintay ako saka sila magpapaliwanag.
Haay.
The same old day. Papasok ng school. Makikinig sa teachers. Magla-lunch.. pagkatapos pasok ulit sa klase tapos uwi.
Unending cycle of being a student.
“Cassy, kayo na daw?” naluwa ko ang iniinom kong juice ng wala sa oras! Argh! Sayang paborito ko pa naman yun na flavor. Walang hiya! Ano ba itong pinagsasabi ng dalawang ito
“Anong kami? At sino nagsabi sa inyo?” taas kilay kong tanong sa kanila.
“Asussss.. pakipot ka pa diyan Cass, halata naman eh. Kayo na! Aminin mo na kasi!” landing sabi ni Zy.
“Alam mo Cass inggit kami ni Zy sa iyo! Pasalamat ka at best friend ka namin payag kami na mapunta siya sa iyo…” puppy eyes na sabi naman ni Crae.
Loka-loka talaga itong dalawang ito.
“Oo nga.. inggit talaga kami sa iyo girl!” pahabol naman na sabi ni Zy.
“Che! Tuma--“
“Inaaway ka na naman ba nitong dalawa, babe?” napaangat naman ako kung sino ang pumatong ng kanyang kamay sa ulo ko at tinawag akong babe…
No other than…
“Geez.. hindi mo maitatago iyan sis! Kayo na nga talaga.. may pa-babe babe pa kayong nalalaman ha?” sabi naman ni Crae na halatang kinikilig.
Leche! Wala na bang alam itong dalawa kung makipaglandian?
“HOY! HUWAG MO NGA AKONG MATAWAG-TAWAG NA BABE! BABE KA JAN! Makaalis na nga.. Sinisira niyo araw ko,” sabi ko naman at inis na umalis sa lugar na iyon.
Geez. Nakakainis ha? Kailangan pang sumakay ng lokong iyon.
Hindi dahil bestfriends kami ay pwede niya na akong--
Napatigil ako sa kakausap sa sarili ko at sa kakalakad ng biglang may humablot ng kamay ko. Tinignan ko sino ang may pakana non..
“Drake? Ano ba! Pwede ba? Tama na ang harutan sa isang araw,” inis na sabi ko sa kanya at pilit na inaalis ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking kamay.
“Ito naman oh! KJ ka masyado. Teka, araw mo ba ngayon, babe?” namula ako sa sinabi niya.
At hindi ko alam bigla ko na lang siyang nasampal…
“Hala! Ahh.. uhmm.. Drake, sorry,” wala sa sarili kong sabi sa kanya. Pero bigla na lang siyang tumalikod at umalis papalayo.
Ugh! Ano ba ang nagawa ko? NOOOO!
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
