Hello NSA Readers!
Sorry if matagal ako nakapag-update. Don't worry summer is here so I can focus more on writing. And I hope di kayo magsawa sa akin at sa stories ko haha. Got to divide this chapter in half. You'll understand by the end of the chapter.
Please play the music when reading the chapter. Pandagdag lang sa "feels" ng chapter na ito.
Dedicated to a very supportive reader! Thank you dear :)
Happy reading.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
It has been 2 months and 5 days since the moment I had with Drake at the rooftop. Ang tagal na rin pala noh? Pero parang kahapon lang.
"Cassy!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Ah sila Crae at Zy lang pala.
"Oh anong meron?" tanong ko sa kanila.
"Sabi ni Professor, meron daw mangyayaring field trip. Sama ka?"
Biglang tumahimik ang paligid ko. Mga mata ko nakatingin lang sa isang direksyon o sabihin natin nakatingin lang sa isang tao. Bumagal ang takbo ng oras. Naghihintay siya sa may gate ng school. Hindi mapakaling tinitignan ang kanyang relo pero nawala naman ang pag-aalala niya ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Isang babae na--
"HUY CASSY!" bumalik lahat sa tamang takbo ang oras.
"ARAY! Ang sakit ah! Bakit ba kailangan mong ipalo sa akin ang libro mo, Crae?" masamang tingin ko kay Zy, pero walang halong pagsisi ito.
"Umayos ka nga Cassy! Bakit ka ba nagkakaganyan?" inis na tanong ni Crae.
"Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo!" inis na sabi ko at umalis sa kanilang harapan.
"Shit Cass! Wag kang magmaang-maangan--"
Hindi na ako nakinig pa sa kung ano man ang sasabihin pa ni Crae. Dumiretso na lang ako. Mabilis na lumakad hanggang sa tumakbo na lang ako at hindi ko namalayan na may nabangga pala ako.
"Ouch!" sabi nong nakabangga ko.
"Babe ok ka lang? Miss?" tinignan ko kung kaninong kamay iyon at pinagsisihan ko na tumingin pa ako. Nakita niya na akong umiiyak.
BInalewala ko ang pag-alok niya. At dumiretso papalabas at agad pumara ng masasakyan pauwi.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Oh anak? Ang aga mo ata--"
"Ma, wag mo na ako isali sa paghahanda mo ng hapunan. Wala po akong ganang kumain," diretsahang sabi ko at agad-agad pumunta ng kwarto. Sinigurado ko ang na nakalock ang pinto.
Hinayaan kong matumba ang sarili ko sa kama at maya-maya na lang humahagulhol na ako sa iyak.
Bakit ganun? Napaka-unfair naman ng life? Bestfriend ko lang siya pero bakit... bakit ako may nararamdamang selos kapag makita kong may ibang atensyon na siya.
Hindi ko naman ginusto ito eh. Kung pwede lang... kung alam ko lang na mangyayari pala ang ganito edi sana hindi ko na lang siya bestfriend!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung anong malapit na bagay sa akin ay natatapon ko na lang. Masakit eh! Masyadong masakit sa nararamdaman ko. Ayaw ko ng ganitong niraramdaman.
"Anak? ANAK! Anong problema? Anak tama na! Buksan mo ang pinto parang awa mo na..." naririnig ko si Mama na alalang-alala sa kabilang pinto. Pero mas rinig ko ang mga hagulhol ko. Hindi ko kayang huminto. Masyadong masakit. "Strawberry! Kunin mo ang susi! Bilisan mo!" narinig ko inutos niya si Strawberry. Ayaw ko ng ganito. Parang awa mo na... tanggalin mo itong nararamdaman ko.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
