Red String 4 - Feelings

698 12 0
                                        

It has been a week since na magkausap kami ni Drake. Pagkatapos naman ng gabing iyon eh back to being bestfriends naman. Eh ano pa nga ba ang ineexpect ko?

Sa one week na nakaraan, maraming nangyari. Tulad ng pagbabalik ng kanyang childhood friend na si Ivy Fuentes. Ang Fuentes family ay kilala sa kanilang famous restaurants na itinayo dito sa Pilipinas.

 Simple katulad ko at hindi halatang anak mayaman si Ivy, napakabait pa nga. Pero noong pinakilala ito sa akin ni Drake mukhang mayroong pag-aalinlangan ang halo dito. Pero hindi na ako nagtanong pa dahil wala naman akong karapatan na guluhin pa kung may gulo mang nangyari sa kanilang dalawa.

 Sunday ngayon, at wala masyadong pwedeng gawin. Tapos na rin ako sa lahat ng studies ko kaya wala ng problema dito.

 Napatingin na lang ako sa salamin at nakita ko ang regalo sa akin ni Drake. Ang necklace. Mula noong ilagay niya ito hindi ko na tinanggal pwera lang kung maliligo ako. Haha

 Sobrang lalim ng isip ko na nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

 Si Drake kaya…isip ko. Pero, mukhang imposible dahil sobrang busy non sa pag mamanage ng Lux University.

Pagbukas ko ng pinto, sina Crae at Zy ang nakaabang.

 “Oh? Napadaan kayo?” pagtatakang tanong ko. Wala naman kasi akong matandaan na may pinag-usapan kaming lakad eh.

 “Wala, gusto ka lang namin makasama,” sabi naman ni Crae. At bigla silang pumasok sa bahay.

 Wala sina, Mama at Papa pati na rin si Strawberry. Iniwan nila ako dito sa bahay. May pupuntahan lang daw sila importante. At dahil ayaw maiwan ni Strawberry kasama ako kaya ayun ay sumama na rin siya.

  Niyaya ko kung gusto ba nila manood ng movies, umoo naman din kaya hinanda ko ang popcorn at dvds for the day.

  Nang matapos namin panoorin at maubos ang popcorn ay katahimikan ang nangibabaw sa aming lahat. Hindi ko nga rin alam bakit para bang wala ako sa mood ngayon na makipag-usap.

  “Cass… Cass, it is ok for you to cry. Kaya nga andito kami ngayon,” hindi ko nga ba alam. Pero noong sinabi ni Zy na ok lang na umiyak ako ay bumuhos na lang ang luha ko. 

 Taksil talaga itong mga luhang ito.

 Hindi ko mapigilan at mapayakap sa kanilang dalawa 

 Tama nga pala…

 Ngayon ang araw ng pagkamatay ni Ate Cindy. Namatay siya dahil sa isang sakit na kumain ng kanyang buhay. Ang masakit pa niyon ay nangyari iyon na huli ako nakaalam na binawian na pala siya ng buhay.

“Cass, gusto mo bang puntahan--“

“Ayoko. Hindi ngayon,” diretsahang sagot ko kahit umiiyak ako.

“Pero--“ kokontra pa sana si Crae pero siniko ito ni Zy kaya tumahimik na lang ito.

Ilang minuto rin ako umiiyak.

I composed myself. Tama na ang kadramahan. Ok na ako, sabi ko sa sarili ko. Kinukumbinsi na ok lang ako. Dahil wala naman akong ibang magawa kundi maging ok.

“Pumunta na lang kaya tayo ng mall para mawala na ang sad vibes na ito,” yaya naman ni Crae.

“Oo nga. Sige na magbihis ka na nga Cass. Hihintayin ka namin,” saad naman ni Zy.

Hindi naman sa ayaw ko pero mabuti na rin ito. Tama si Crae. Dapat walang negative vibes.

Kaya ayun nagbihis na rin ako ng maayos na magmukhang tao rin naman ako. Mahiya rin ako sa mga kasama ko na mukhang walking dolls. Nagsuot lang ako ng white shorts and blue v-neck shirt. Tapos, tinali ko ang buhok ko in a bun style.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now