Red String 4 - Feelings

Start from the beginning
                                        

“Gusto kitang makita,” heto na naman. Parang nakawala sa hawla ang puso ko.

“Hmm, 5pm. Our place,”

“Good. See you bespren!”

Binaba niya na pagkatapos ang tawag at napabuntong hininga na lang ako.

Isa pa to! Isa pa tong pinoproblema ko. Kaya ko bang ipagtapat ang nararamdaman ko? Paano kung ayaw niya pala sa akin? Kaya ko bang i-risk ang lahat ng kung anong mayroon kami ngayon?

Napatigil ako sa kakatanong sa sarili ko ng biglang may kumaway sa harap ng mukha ko. 

“Ang lalim ng iniisip ah! Si Drake iyan ano?” napatingin naman ako kung sino ang nagsalita. Ah sila Crae andito na pala.

“Hindi ah!”

“Aseessss! Alam mo Cass, kung hindi lang talaga ikaw eh matagal ng lumulutang ang katawan ng babae niyan sa Pasig River,” saad naman ni Zy.

 Loka-loka talaga tong dalawang ito. Haha head over heels talaga sila kay Drake.

“Ano ba kayo! Best friends lang kami,”

“Best friends nga lang ba?” napatingin naman ako sa mga mata ni Crae ng sabihin niya ito. Pero umiwas naman din ako at sumagot, “Oo, best friends lang.”

 ♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

Sa wakas natapos na rin ang make over na ito. Lumabas na ako sa isang dressing room ng parlor na pinasukan namin kanina at pagkakita ko sa twins ay napanganga na lang sila at walang lumalabas na salita sa mga bibig nila. Kahit ang mga taong nasa loob ng parlor ay napapatingin rin sa akin 

Lumapit ako sa kanila at tinanong kung ok lang ba ang sinusuot kong damit. Noong iniwan nila ako, bumili pala sila ng damit para sa akin. Saad pa nila na total make over na daw talaga. Pati nga sapatos, binili nila para sa akin.

“Oh ano? Tulala parin?” tanong ko sa kanila. Ayan tuloy talagang mas nacoco-conscious na ako sa damit at itsura ko.

 “Crazy twins!” they snapped back to reality at mukhang may pagkairita sa mukha nila. Ako nga dapat ang mairita dahil kanina ko pa sila tinatanong ayaw sumagot.

“Don’t call us that!”

 “Oo nga. That hurt our feelings,”

“Che! Umayos nga kayo! So ano na?”

 “Ang ganda mo Cass. Siguro kung lalaki lang ako magpro-propose na ako right here and now,” sabi naman ni Crae na hindi parin matanggal tanggal ang pagtitingin sa akin.

Siya kaya? Mapapansin niya kaya ang gandang meron ako ngayon? Bigla kong natanong sa sarili ko.

Asa pa girl, sagot naman ng isip ko. 

Haaay day dreaming na naman. Ano ba ito! Hindi naman ako ganito eh.

 “Ahh oo nga pala, kailangan kong mauna ngayon. Tumawag kanina si Drake, gusto niya daw makipagkita sa akin,” sabi ko sa kanila. Bigla silang sumimangot pero nawala rin naman at napalitan ng mga ngiti.

 Nagpaalam na ako at hindi na nagtagal sumakay na ako ng taxi at pumunta sa isang lugar na alam namin masusulyapan namin ang ganda ng mundo.

 ♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

 Walang tao ngayon sa school kaya madali lang ako nakapasok. Hindi naman din gaano ka strikto ang Lux University kaya madali lang ang pagpasok ko. Umakyat ako ng ilang hagdan hanggang sa nakarating ako sa rooftop. Nakita ko ang anino ng isang lalaki. Dahil medyo madilim kaya medyo hindi ko siya makita ng maayos pero sigurado naman ako kung sino ito.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now