Red String 4 - Feelings

Start from the beginning
                                        

Tumingin ako for the last time sa mirror. At nakita ko ang reflection ko. I tried to smile.

Ang plastik mo tignan, sabi ko naman sa sarili ko.

“CASSY!” tawag ng Crazy twins sa akin kaya lumabas na ako ng kwarto at pumunta na kung saan man nila ako dadalhin 

♥ '•.¸.•´ ♥ ♥ '•.¸.•´ ♥♥ '•.¸.•´ ♥

“Good day Ms. Crae and Ms. Zy,” bati ng isang babae. Nasa may edad na 25 na ata siya pero hindi halata obviously.

“Good day! We would want to have a full make over,” sabi naman ni Zy sa babae. Pinagtaka ko ito dahil masyado na sila maganda para i-make over pa at isa pa, talagang magmukhang doll na sila nito.

“Make over? Eh over na nga masyado ang pagmumukha niyo,” comment ko naman nito sa kanila

“Grabe naman kung makapagsalita,” sabi naman ni Crae na nakasimangot.

 “Well, I will pretend I did not hear a word about that,” sabi naman ni Zy na parang may inis sa boses.

“Kayo ho bang tatlo ang ime-make over Ma’am?” umiling ang dalawang twins.

“Not us. Her,” nagulat ako ng tignan nila akong dalawa.

“ANO?!” hindi ko mapigilan makapag react ng OA. Eh, wala naman ito sa usapan eh.

“Teka lang ha! Wala akong pera at isa pa hindi ko kai--“

“Shhh! Wag ka ng mag-alala. Treat namin ito,” saad naman ni Crae habang tinutulak na ako papunta sa isang upuan kung saan magsisimula na ang make over 

Hindi naman talaga ako mahilig sa ganito eh. Ni minsan hindi ako nakapasok ng parlor dahil ayoko at wala akong pera pang gastos dito. Pwera lang kung magpapagupit ng buhok. Depende na lang sa ganoon na sitwasyon. 

Pinagmasdan ko ang palibot. Rinig mo talaga ang ingay ng mga blower, pagkatapos meron pang iba na busing-busy sa pagpipili ng magandang kulay para sa kanilang mga kuko. Ang iba naman ay nagbabasa na lamang ng magazine. At ang dalawang taong nasa harapan ko, abot langit ang mga ngiti.

“Ano ba iyang mga ngiting iyan? Nakakatakot kayo tignan,” sabi ko naman sa kanila.

 “Dito ka lang. Kapag aalis ka, ikaw babayad!” sabi naman ni Zy. 

 Napanganga ako sa sinabi nila. Ano? At bigla na lang silang umalis at iniwan nga ako sa ere. Walang hiyang mga kaibigan na ito. Iwan pa naman ako. Binalaan pa kung aalis ako ay ako ang pababayarin, eh sila naman ang tumulak sa akin dito papasok eh. Nakakainis rin sila minsan, ay hindi pala.. parati.

Wala akong magawa kundi maghintay na lamang dahil hindi nga rin ako pwedeng umalis. Hanggang sa bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

 “Hello?”

“Bespren, saan ka ngayon?” hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ang nasa kabilang linya dahil kilalang-kilala ko na ito.

“Nasa mall,” maikling sagot ko dito

“Wala lang sa mood ang bespren ko?” tanong niya dito. Halatang nag-aalala.

“Medyo,” 

“Miss mo na ako noh? Ikaw naman ilang araw lang…” hindi ko ba alam pero noong banggitin niya na namiss ko siya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Oo, miss na miss na kita Drake.

 “Ikaw? Mamimiss ko? Asa ka!” sabi ko naman dito. Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

“Ano ba ang dahilan at tumawag ka?” tanong ko naman dito na may seryoso sa tunog ng boses ko.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now