Chapter 15

8.6K 252 5
                                    

"Walang makakatakas sa gabing ito dahil lahat kayo ay maliligo sa sarili nyong dugo!"

--

"Kath alis na dito, puntahan mo sina mommy dalian mo." naiiyak akong umiling habang hawak hawak ang kamay niya. Itinulak niya ako at saka hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Listen kath, you don't have to stay with me. I'm fine here, my legs are bleeding. I can't run or walk anymore. Just promise me that you will be safe okay? " She said, then she hug me. Before i walk away i kiss her forehead. "Babalikan kita ate, just stay alive okay?" Sabi ko then tumango siya. Tumakbo ako gaya ng sabi niya, tumakbo ako ng tumakbo habang papalayo ako sa lugar na iyon ay mar narinig akong tatlong putok na nag patigil sa pag takbo ko. 

"No!!!!!! NOOOOOOOOOOOO!!!! ASHHLEYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!" Hanggang sa, nag dilim na ang panngin ko. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Bumalik ako, binalikan ko siya pero di gaya ng sabi kong manatili siya buhay. Nakita ko, nakita ng dalawang mata ko ang ate kong nakahandusay sa samento habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"HALIMAW!!" Sigaw nung lalaking kanina pa kami hinahabol. Tiningnan ko siya, halata sa kaniya ang takot. Tumakbo siya palayo saakin ako naman ay napangisi nalang. Ngumisi ako habang may likidong napatak sa mata ko. 

"Run baby, baby run run~~~ HAHAHAHA!" Malademonyo kong sabi. Habang siya naman ay walang ibang ginawa kundi tumakbo. 

"Maawa ka!" sabi niya bago lumuhod sa harapan ko. "Wala ka na bang matakbuhan? Haa?" sabi ko at ngumisi sa kaniya. 

"Patawad, maawa kana saakin. May pamilya ako, ako lang bumubuhay sa kanila." Sabi niya habang nag mamakaawang tumingin saakin. 

"Nakaka touch naman, pero sorry ka. Hindi ako ang panginoon nyo na basta basta na lang mag papatawad. Kapatid ko...... Kadugo ko ang pinatay mo! Wala kang puso ngayon sasabihin mong maawa ako sayo?  Naawa kaba sa kapatid ko ha? Naawa ka?" Sabi ko, bago pa siya mag salita ay tinadtad ko na siya ng baril.

Inubos ko lahat ng bala sa kaniya. "Next, yung pamilya mo naman. Kulang ang buhay mo para sa kapatid ko." Sabi ko bago sinunog ang katawan niya.

"Kath?" Napamulat ako ng mata, halos mawalan ako ng hininga at tagaktak na ang pawis ko. Tiningnan ko si aiden. "Nananaginip ka." Sabi niya inilibot ko ang mga mata ko nasa kwarto niya na ako? papaanong.. "Nawalan ka ng malay kanina sa mall." Sabi  pa niya, ngumiti siya at kiniss ako sa noo. 

"Wag ka nang mag isip ng kung ano- ano okay?" sabi niya bago ako tumango. May nakalapag na palang pag kain sa kama ko. Tiningnan ko muna iyon, nag ning ning ang mga mata ko ng nakita ko ang Ice cream na chocolate at cacke na chocolate din ang flavor. Walang sabi- sabi ay inupakan ko na agad yon. 

"Kath nga pala, papasok na din ako bukas. Tutal tapos narin ang isang linggo mong pag kakasuspendido." Sabi niya, nilunok ko muna ang Ice cream na nasa bibig ko. 

"Bakit, sa school ko rin ba ikaw papasok?" Sabi ko at tumango naman siya. Hindi na ako mag tataka dahil wala naman syang ibang pag pipilian kundi ang samahan ako sa school. 

--

"Kath, ihahatid na kita sa room mo." sabi ni Aiden pero umiling nalang ako. "Malayo ang building nyo mahuhuli ka sa klase kapag hinatid mo pa ako." sabi ko naman. May pag aalala sa mukha niya. Sabi kasi ng doktor ko ay mas mabuting tingnan ako 24 hours dahil hindi namin malalaman kung kelan, saan ako aatakihin. 

"Pero kath..." Hinarap ko siya  at saka nag buntong hininga. "Aiden, I'm fine okay?" Sabi ko, nag buntong hininga muna siya bago tumango. 

"text/call/chat me if you need help okay?" Sabi niya, tumango nalang ako at nag simulang mag lakad. Namiss ko rin tong eskwelahan na to. 

"Welcome back bitch!" sabi ni czusset ng mag kaharap kami sa loob ng room. Nasa amin naman ngayon ang atensyon. Tiningnan ko lang siya mula paa hanggang ulo. Then nag lakad na ako ulit, hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kaniya. 

Nakita ko ang mga kabarkada niya na nakatayo na, pipigilan nila sana si czusset kaso lang hindi nag papaawat tong babaeng to. 

"Hindi pa ako tapos sayo." Then tinulak niya ako, dahil sa nangyari kahapon sa mall ay nanghihina pa ako. Nang maka tayo ako ay sinampal naman niya ako kaya napa tama ang ulo ko sa patilong ng teacher's table. Lahat ay nagulat dahil pag tunghay ko ay may dugo na dumaloy sa mukha ko. 

Bago ko maipikit ang mga mata ko ay nakita ko si Czusset na bumagsak sa Samento. "Aiden" Yung lang ang nasabi ko bago mawalan ng malay. 

--

Naomi's Pov

Nakatayo kaming lahat, hindi namin mapigilan si Czusset dahil sa hinaharangan kami ng mga galamay niya. Nagulat kami ng sampalin niya si kath, at mas nagulat kami ng mapa umpog siya sa table's teacher. 

"Aiden" Kahit mahina ay narinig parin namin ang huling sabi niya. Nawalan na siya ng malay. Nang pupuntahan na namin si Kath nagulat ulit kami ng galit na pumasok si Aiden at walang ano- ano'y sinapak si Czusset.

"Hoy!" sigaw ni sean. Pinigilan ko siya galit siyang tumingin saakin. "Walang magagawa yang galit mo kapag si Kath na ang pinag uusapan dito." Sabi ko. 

"Sino ba yang lalaking yan?" Sabi naman ni Draye.

"Siya yung nasa meeting  noon diba?" Sabi pa ni Third

"Siya lang naman ang kapatid ni Kath. At dahil nakauwi na siya sa pilipinas, handa siyang pumatay maprotektahan lang ang kakambal niya." Sabi ko na kinagulat niya. 

"Mag kakambal sila!?" Sabi naman ni Andrea hindi na ako sumagot. Kakasabi ko lang e, kailangan paulit ulit?

"Pero, hindi parin tama ang ginawa niya kay czusset." Sabi pa ni Sean. 

"So yung ginawa ni czusset kay kath okay lang?" Sabi pa ni Draye. May namuong tensyon sa pagitan nila. Lumapit naman ako kay Aiden. 

"Dalhin na natin siya sa Clinic. " Sabi ko, tiningnan niya ako bago umiling. "Hospital is better than clinic." Sabi niya, wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Agad na binuksan ko ang kotse ni Aiden at saka sumakay kasama si kath at nag mamaneho naman ay si aiden. 

"Kath, hold on malapit na tayo." May crack ang boses ni aiden, matapos ang nangyari ay ramdam ko ang pakiramdam niya ngayon. 

Hinawakan ko ang balikat ni aiden. "Ma tatag si kath, hwag kang mag alala." sabi ko, tumango naman siya at galit na sumilip pa sa eskwelahan namin. 

"Kapag may nangyari kay kath, patawarin ako ng Diyos sa magagawa ko." Sabi niya bago muling itinuon ang mga mata sa daan. 

Parehong pareho sila ni kath, mag kapatid nga sila. Siguro maayos ang lahat kung hindi lang 'siya' nawala sa piling nila. Kung sanang walang taong kikitil ng buhay para lang sa pansariling kawilihan. Malakas ka kath, alam kong makakayanan mo kung ano mang pag subok ang pinag dadaanan mo. 

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now