Chapter 19

7.9K 206 14
                                    


---

Chapter 19

"Where is she?!" Narinig kong sigaw ni Aiden sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin at ipinag patuloy ang pag babasa sa libro.

Hindi ito libro na matatagpuan sa eskwelahan.

Libro ito ng history ng buhay ng isang Demon princess. Sabi sa libro Princess Lou reached the highest cultivation.

Kaya nakaligtas siya at nakokontrol niya ang kaniyang kapangyarihan which is kagaya nung saakin. Cultivation? Kailangan ko rin bang gawin 'yon? Pero 'nung una ko iyong ginawa ay nanghina ako ng lubusan. Gagawin ko na naman ba ulit?

Blag! Blag! Blag!

Halos kulang na laang ay sirain na  niya ang pintuan ko. Hindi ako nag abalang tumayo upang pag buksan siya. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang sumunod na pahina ay wala ng kasulat- sulat. I mean, hindi siya pinunit talagang walang sulat. Para bang invisible ang ballpen na ipinangsulat dito.

"Fck! Kath, open the fcking door!"

Sabay kalabog sa pintuan ko, masyadong matibay ang pintuan ko para masira niya kaya wala akong pangambang makakapaaok siya. Malay ko ba kung kakampi ka o hindi. Ngayon ko lang talaga na realize na kahit kadugo mo ay kakayanin kang traydorin. Kadugo nga ba? Kinuha ko ang iba pang mga lumang libro at isinilid iyon sa aking bag. Maahan akong nag lakad sa bintana at tumalon.

Para naman akong mag nanakaw neto. Saisip kong sabi, ng makalapag ako sa lupa ay agad akong tumakbo papaalis. Nag gawa ako ng portal papunta sa ibang dimension.

"Nagbalik ka." Sabi saakin ng matandang lalaki. Nginitian ko lang siya. Minsan hindi naman masamang ngumiti. Inaya niya ako sa loob ng simple niyang bahay. Kumpara sa bahay ko ay parang kwarto ko lang ito.

"Gusto ko sanang----" Tumayo siya at may kinuha sa tukador niya. Isa iyong pabilog na lata. Binuksan niya iyon at may mga kwintas at litrato itong ipinakita saakin.

"Princess Lou? Kilala niyo siya?" Kunot kong tanong. Napatawa naman siya, kung tutuusin ay mas katiwatiwala naman ito kaso nga lang napaka misteryo ng pagkatao niya.

Paano ba naman, mas pinili niya ang manirahan sa bundok kaysa sa syudad. "Noong unang panahon, may tinatawag na Changsheng. Isa itong ka kaharian na pinamumunuan ng mga Chen's. Si Princess Lou ang anak nila, kaya naman pinag hahandaan nila ang kinabukasan ng dalaga." Tumingin ito saakin.

"Sabi sa libro, mag kaparehas kami ng kapangyarihan? Ibig sabihin ba noon ay--" pinahinto niya ako sa pag sasalita at muli siyang tumingin sa labas.

"Ang dugong dumadaloy diyan sa katawan mo ay isang Chen. Isa ka sa biniyayaan nila. " Sabi nito. Napatayo ako sa narinig ko hindi maaari, may kapatid ako at may mga magulang.

"Hindi kaba nag tataka kung bakit pilit kang pinag aagawan ng mga scientist at pilit kang pinag eeksperimentuhan? Hindi ka isang Vielle, anak ka ni Lou noong unang panahon." Sabi niya kaya lalo akong naguluhan.

"Papanong napunta ako sa Vielle?" Sabi ko. Tumingin siya saakin umupo siya sa upuan na kaharap ko.

"Noong unang panahon may mga kinasasakupan ang changsheng. Pero bukod dito, may mga demon clan din na nabubuhay noong unang panahon. Ninakaw nila ang kaisa-isang taga pagmana ng buong kaharian. Kaya bigla na lamang nag laho ang lahat. Pati si Princess Lou. At ikaw.. Nabuhay ka sa mundong ito. Kasabay nang pagkawala ng sanggol ay ang pag silang mo kaya naman. Para maprotektahan ang kapangyarihan ng mga chen sinakripisyo nila ang anak nila at iniligtas ito sa pamamagitan mo" Sabi niya pa. Hinawakan niya ang kamay ko, hindi ko alam pero ang gaan gaan ng loob ko sa kaniya.

"Kailangan mong mag cultivation." Sabi niya bago nawala na parang bula. Hinanap ko siya sa kabuuang bahay niya pero nabigo ako. Maraming tanong ang umukit sa aking isipan.

Mas lalo lamang gumulo ang lahat. Cultivation? Ni hindi ko alam kung papaano ko iyon sisimulan. Nag gawa ulit ako ng portal pabalik saaking kwarto.

Laking gulat ko ng ang gulo- gulo nito. Lintik ganoon ba sila kadesperadong makuha saakin ang kinakailangan nila? Napaisip ako ng malalim. Papaano kaya kung ibigay ko ang gusto nila?

Mali. Baka manganib ang buhay ko. Hindi ako Vielle isa akong Chen. Pero kung ang kalahating ako ay anak  ng sinaunang prinsesa, ibig sabihin matanda na ako? Hayst.

"Kath, san ka nanaman ba nag punta!" Sigaw saakin ni aiden. Basa ko sa mata niya ang pag aalala. Naupo na lang ako aa kama ko.

"Bakit ang gulo?" Nag iwas siya ng tingin saakin. Napasinghap nalang ako ng di niya ako sagutin.

"Aalis ako, wag mo na akong hintayin." Sabi ko sabay labas ng kwarto ko, dala dala ko parin ang bag ko.

"Saan ka naman pupunta?" Sabi niya, hindi ko siya nilingon. Hindi niya dapat malaman ang mga gagawin ko, kung kakampi man siya o hindi. Mas makakabuting wala akong pag sabihan ng gagawin ko.

"Kinakausap kita." Sabi niya, may halong pag kairita ang boses niya.

"Wala ka nang pakialam pa sa mga gagawin ko. Matanda na ako at may sarili akong gustong gawin sa buhay ko. Hindi maaaring ikulong na lamang ako dito sa mansion." Sabi ko at nilisan ang manaion. Sumakay ako sa kotse ko at nag drive papuntang school. Alam kong late na ako para sa 4th subject ko pero ayos na yun kesa naman sa hindi ako pumunta hindi ba?

Pag kaapak ko palang sa loob ng room saakin na ang tingin nila. Hindi ko sila pinansin at nag patuloy na lamang sa pag lakad papunta sa upuan ko.

"Himala at pumasok siya?"

"Buti at nakakakuha siya ng matataaa na grado kahit palagi siyang wala."

"Ano kayang pinag kakaabalahan niya?"

"Lagi nalang wala, madalas late pa."

Ilan lang yan sa naririnig ko. Hindi ko iyon pinansin, kahit sino ay wala akong pinansin. Kailangan kong matuklasan ang pag kontrol ng matang 'to.

"Okay ka lang ba? Masyadong malalim ang iniisip mo." Sabi saakin ni demon. Tumango nalang ako bilang tugon.

Hindi na siya muling nag salita at ako naman ay nakinig nalang sa sinasabi ng teacher namin.

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now