Chapter 28

5.2K 153 0
                                    

Kath's POV

"Good Morning students, please proceed to the hall." Napatunghay ako sa pag kaka ub-ob ko sa upuan ko.




Wala akong nasilayan ni isang prof sa room namin. Yung totoo? Eskwelahan pa ba ito?




Agad na nag si tayuan ang estudyante at nag si labasan. Naiwan ako at yung nakaaway ko. Nilapitan niya ako ng may ngisi sa bibig.


Gusto na naman ba niya ng away? Kaso pakiramdam ko tinatamad ako ngayon.

May inilabas siya mula sa likuran niya. Juice ata iyon, oh kung ano man. Binuksan niya iyon at ibinuhos saakin.



Walang emosyon akong tumayo at humarap sa kaniya. Para akong basang sisiw, nginisian ko siya at nilapitan.



"Kung ayaw mong mamatay ng maaga. Huwag kang lalapit saakin. Naiintindihan mo ba?" Sabi ko sabay lagpas sa kaniya.


Wala talaga akong ganang patulan pa siya. Pero kung sakalinh i-push niya ako sa limit ko.


Pasensyahan tayo.

Pumunta ako sa wash room, kumuha ako ng pamalit at nag palit na. Buti nalang at meron akong extra kung hindi baka ang lagkit na ng katawan kong pupunta sa hall.


Matapos kong mag palit ay tiningnan ko ang mata ko. Ha!? Bakit ganoon, bakit pula ang mata ko gayong hindi naman ako nag wawala? Hindi kaya? Hindi kaya nakokontrol ko na ang galit ko?



Pumikit ako at huminga ako ng malalim. Pag mulat ko pula pa din, ano bang problema ng matang to. Kinalkal ko ang bag ko at buti nalang dala ko yung contact lens ko.



Isinuot ko yung contact lens ko bago lumabas ng wash room. Nag deretso na ako sa hall at umupo sa bakanteng upuan. Buti nalang hindi pa nag sisimula.



"Students, ngayon ay pag uusapan natin ang gaganaping event sa school." Sabi ng head ata sa school na to. Hindi ko napansin mapigilang hindi lumingon dahil nararamdaman kong may nag mamasid saakin.



Walang ano ano ay tumayo ako at nag lakad papalabas. Buti nalang at hindi ko naagaw ang atensyon ng mga tao sa loob ng hall.




Lumabas ako at sinundan ang isang taong naka hood na black, at pants na black. Naka half mask ito at tanging mata lang at kalahating labi ang kita.



Nag tataka ba kayo kung papaano ko agad na describe ang lalaking yon? Dahil sa mga mata ko.



Mabilis akong makapansin ng bagay bagay at kaya kong makatanda ng anumang bagay makalimutan ko man ay kaya ko itong balikan at alalahanin.



Lumiko siya sa bandang pa dulo ng eskwelahan ng biglang may humigit saakin.



" Anong ginagawa mo dito?" Tanong saakin ng isang eatudyante na mukhang iginagalang dahil sa porma at enerhiyang nalabas sa katawan nito.



Malamig ngunit kalmado ang kaniyang boses na nag bibigay ng sindak sa isang normal na tao. Pero hindi ako normal kaya wala akong paki sa kaniya.



Binawi ko ang kamay ko at tiningnan ang lumalayong lalaki na dapat ay naabutan ko na. Napa kunot ako ng noo sa sobrang pag kadismaya ko sa nangyare.




"Sa ginagawa mong yan ay mas lalo mo lang ipinapahamak ang sarili mo." Sabi niya sabay talikod.




"Hindi naman kita kilala kaya wag kang mangialam" sabi ko bago lumiko sa kabilang daan.



Hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya. Ngayon kailangan ko munang tapusin ang mga naiwan kong gawain sa dati kong eskwelahan.



Umuwi na ako at mabilis na nag palit ng damit.



Agad akong pumunta sa aking favorite spot sa bahay ko, ang aking weapons room kung saan lahat ng armas nakalagay dito.



Eeapons room  nga diba?


Napangisi ako at nag hanap ng magandang regalo. Sa totoo lang hindi ko naman na kailangan ng mga ito dahil kamay ko lang kayang kaya ko na silang paslangin, tipong deretso silang  impyerno.






Kumuha ako ng baril at isang maliit ngunit may lason na kutsilyo. Yun lang at lumabas na ako sa kwarto ko.




Hindi na ako makapag hintay na maamoy ang takot nila. HAHAHAHA sa wakas mag sisimula na ang larong dapat tinapos ko na. *smirk*







-----









©kimlyshane22

RED EYED PRINCESS ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt