Chapter 22

6K 192 3
                                    

Kath's POV

Matapos ang mahaba kong pagbabakasyon, isang linggo akong nawala at marami akong natuklasan. Hindi ko yon inaasahan. Pero napaghandaan ko naman ito.

Sabi ko na nga ba, lahat iyon parte ng palabas nila. Hayst! Mga bobo, ako si kath. At akala ba nila maloloko nila ako?

Lou? Crix? Cultivation? Blue? Hahahaha Buti nalang talaga at kahit papaano ay may isa akong not so tapat na alalay pero pwede na.

Sa gayon ay napaimbistiga ko na sila. Wow ha, parang sa pelikula lang, nag hanap sila ng madaming tao para umakting sa kanilang palabas. Just wow.

Pumunta muna ako sa Madison Park upang bumili ng makakain. Masyadong mahaba haba ang araw na ito para sakin.

Hindi na ako masyadong nakakapasok at puro tadtad na din ako ng text at calls ni draye. Ang lalaking yun, hindi ko alam kung trip niya ako o ano.

Pati si naomi, sab at demon sinusubukan akong puntahan. Nilagyan ba naman ng tracker ang kotse ko. Buti nalang at nalaman ko, kung hindi baka pumalpak pa ang plano ko.

After ilang minutes ng pag hihintay ay dumating na ang order ko.

"Mam, do you have 100 pesos?" Sabi nung cashier.  I guess wala silang panukli.

Napa- irap nalang ako  at napabuntong hininga. Naiinis kasi ako sa maliit na bagay. Bakit ganon ang mga tindahan, mag tatayo tayo sila tapos wala silang panukli? "Keep the change." At lumabas na ako sa restaurant na 'yon.

Isang malamig na simoy nang hangin ang yumakap sakin. Parang may ibinubulong ito saakin.

"Hey," sabi saakin ng isang lalaki, nagulat ako pag lingon ko daddy ni naomi ang bumungad saakin.

Ano naman kaya ang plano ng isang ito ngayon?

"I'm naomi's father. I'm here to tell you something." Bumuntong hininga sya, bago mag patuloy mag salita. "Please stay away from my daughter, ayokong mapahamak siya sa kagagawan mo. Kaya sana magawa mo ang ipinagagawa ko, alam kong mag kaibigan kayo ni naomi pero please." Napangisi nalang ako sa sinabi niya.

Mali ata siya ng kinausap. Dapat sinabi niya yun sa sarili niya. Mapapahamak ang anak niya dahil sa kagagawan niya.

A Greedy person deserves to Die.

Tumalikod ako ng walang sinasabi, ayokong masayang ang laway ko sa walang kwentang tao.

Sumaglit ako sa school para asikasuhin ang naiwan kong gawain at umuwi na. Nakita ko pa ang grupo nina draye, buti at Hindi niya ako nakita at nakaalis na ako bigla.

Ayokong pag explain-in nila. Ayokong may marami silang tanong kung bakit ako lilipat. Pansamantala lang naman e.

--

Nag lalakad na ako sa labas ng bahay namin, mga alas tres na ng hapon. Maraming nag sisidaanang mga sasakyan at mga taong masasayang nag lalakad.

Kagagaling ko lang sa skwelahan ko kung saan sinabi kong lilipat na ako, inasikaso ko na lahat lahat para mas mapabilis ang pag ayos ng papers ko sa pag lipat.

lilipat ako ng school, bakit?

Dahil may isang lihim akong natuklasan kung saan baka mapatay ko ang taong iyon, hindi lang siya kundi ang buong pamilya niya.

kaya naman iisa isahin ko sila *smirk* simulan nating makipag laro sa mga munting mga hayop.

Simula palang iba na ang kutob ko sa kanya , hindi lang sya simpleng tao. Anyways magaling naman siya makipag laro.

*smirk*

Kaya naman pala bawat linggo may nangyayaring masama. Lung hindi man namamatay ay nawawala. Ang galing nilang mag tago ng baho nila.

 

-----

"Kath? Bakit naman kailangan mo pang lumipat?" bungad saakin ang boses ni mommy.

"Boring" maikling sabi ko nalang sabay akyat sa kwarto ko. Ayoko munang makipag usap sa mga taong walang kwenta. *smirk*

Tok! tok! tok!

"Deidine!" si aiden, bakit ba andaming storbo sa mundo.

"What do you need!?"  sabi ko, halata naman sa boses ko ang pagka irita.

"Open this fucking door! NOW!" Galit nyang sabi saakin habang binabalibag ang pintuan ng kwarto ko.

-_-

"Bukas yan! Stupid!"  sabi ko nalang at nag halungkat sa gamit ko, hinahanap ko ang cellphone ko. San ko ba naipatong yon!

  
"*ehem* hindi ko alam na bukas. Pero bat ba kasi lilipat ka pa ng school mo!" Sabi niya ng makapasok sa kwarto ko.

"Wala ka bang tenga? Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? B.O.R.I.N.G nga kase"
sabi ko sa kanya, napa buntong hininga naman siya.

"Saan mo naman balak lumipat? May nahanap ka naba?" Sabi niya ng naka pamewang pa.

"Sa Pash" maikli kong sabi na ikinagulat niya.

"Bakit don?" Sabi niya.

"Look, bigla ko lang gustong lumipat okay? If you want lumipat karin. Labas na! Shuuuu" sabi ko sabay tulak sa kaniya papalabas sa kwarto ko.

--------

Vote. Comment. Support mga mandirigma ng bayan😘

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now