Chapter 35

3.8K 117 0
                                    

Red
--

Kath

Inalala ko lahat nang nangyare kung papaano ko tinapos ang buhay ni Blue at Green. Kapatid ko sila, pero mga gahaman sila. Ang kagaya nila ay hindi nararapat na mabuhay pa sa mundong ito.

Ang haimuyak nang kanilang dugo ang nagsisilbing pabango sa aking ilong.

--


  Naandito ako ngayon sa kwarto ko. Mamaya ay andito na ang mga kapatid ko. Oo tunay ko silang kapatid, pero ang ayoko sa lahat. Yung pinaglalaruan nila ako. Narinig ko ang mga yabag nila, at alam ko ang inerhiya nila at inerhiya ko ay hindi sakto o hindi tugma. "Kath, ang aga mo naman atang naka uwi?" Sabi ni Green. Sayang Green pinag katiwalaan pa naman kita. Akala ko Concern ka sakin yun naman pala ikaw yung nag papadala ng mga lalaki para ipapatay ako. "Onga kath, kumain kana ba?" At ikaw naman Blue. Una palang ayoko na sayo, at tama pala lahat ng kutob ko sa inyo. Ang galing.... galing galing, hayst kelan ba matatapos ang kasinungalingan na ito? Kelan ba matatapos ang pakikipag laro ko sa inyo. Kelan kaya? Hmmm Ngayon? Bukas? Oh sa kabipang linggo?

"Ahm. Wala may ginawa lang ako." Sabi ko ng pinaka malamig kong tono. Nagulat naman sila, gumawa ako ng enerhiya kung saan ay hihigupin nito ang lakas nila. Nagulat sila at nanlaki ang mata. "K-kath" sabi nito, niluwagan ko na ang enerhiya. Dahil sayang naman ang ginawa ni Demom diba? Kaya ngumiti ako ng pag kakatamis tamis.

"Sorry, na miss ko lang kasi kayo" sabay yakap ko sa kanila. Pwe! Sige lang kath arte pa. "Ah kumain naba kayo?" Sabi ko sa kanila, muka naman na naniwala sila saakin. Tumingin ako sa relo ko. May 20 mins pako. Sige kaya pa yan.

"Kain kayo. Niluto ko iyan" sabi ko. Hay nako arte pa sige lang. Pwedi kana mag artista , tumingin ako sa kanila muka naman na sarap na sarap sila. "Pahinga na kami kath." Sabi ni green "Pagod kasi kami e, alam mo naman madami kaming inaasikaso" sabi naman ni Blue. "Ano ba kayo, alam ko naman yun eh. Sige na pahinga na kayo. Pag gising niyo , ipag luluto ko ulit kayo." Sabi ko. Pag gising ninyo nasa impyerno na kayo. Tumungo na sila sa kwarto nila. Nilock ko sila para sure na hindi makakalabas. Ni lock ko din pati bintana. Tumunog ang relo ko.

20.

19.

18.

Malapit na. Nag handa na ako para lumabas ng bahay pero pag pihit ko ayaw bumukas.

15.

14.

Shit. Sinasaraduhan nga pala ito ni Green. Nasaan kaya yung susi. Shit! Nasa kaniya. Pano na. Isip isip.

3.

2.

1.

"Bvoooooooooooooooooooommajdkdlflkanabahk"

Demon

Matagal na akong nag iintay dito sa tagpuan namin pero wala pa siya. Shit naman kath! Lumabas ka diyan, kath! Nakarinig ako ng malakas na pag sabog. At yun na nga iyon. Kath! Tinawagan ko ang cellphone ni kath pero walang nasagot. Tinawag tawagan ko iyon at hindi ako natigil. Pero wala talaga. Napa umpog nalang ako sa manibela. Shit naman kath.

"K-kath!" Mahina kong sabi. Nag maneho ako pabalik sa lungga namin. Yung dalawa lang  dapat pero na kasama siya. Kath bakit. Binuhay ko ang radio para makinig.

"Tatlong bangkay ang natagpuan sa bahay ng mga Ville. Hinihinalang mga kaaway sa negosyo ang dahilan ng pag sabog. Dalawang babae at isang lalaki ang natagpuang sunog na. Sa mga nakakita ng aksidente ay ipag bigay alam lang sa amin----" pinatay ko na ang radio. Hindi maaari, nangako ka kath!

Kath pls. Sana hindi totoo yun. Sana hindi, sana hindi ikaw yun kath.

After 1hr

"Asan na siya?" Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Napahagulgol nalang ako. "Patawad" sabi ko at bigla nalang napaluhod. "Sabi mo pag balik mo kasama mo na siya! Asan na siya!?" Sabi niya. "Wala na siya! Nakasama siya sa nasunog! " sabi ko. Natigilan siya at sinuntok ako. "Wala kang kwenta Demon" sabi nya sabay alis. Alam ko hindi ko sya naprotektahan. Ang aming Queen.

---

Kimlyshane22

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now