Chapter 36

4.3K 110 0
                                    

Necklace

---

Author's Pov

Walang nakaka alam sa tunay na nangyari. Wala ding nakasaksi sa pangyayari. At wala din pagkakakilanlan ang mga bangkay maliban sa isa. Dahil lalaki ito, madaling nakumpirma na ito ay si Green. Pero yung dalawa pang natitira ay hindi pa nakikilala marahil ay sa pagkaka sabog ng bomba. Yung isa kasi ay sabog sabog na ang muka dahil sa ang bomba ay nasa ilalim lang ng kama. Yung isa naman ay hindi din makilala dahil sa naging kulay itim na ito.

Maraming nag punta sa bahay. Maraming naki usosyo at nag chismisan lang. Madaming kumukuha ng litrato. Madaming mga camerang naka tutok. Madaming pulis. Madaming bumbero. Madaming nag dala ng bulaklak.

"Sir may nakita po kami na isang bagay." Sabi ng pulis at may inabot kay Demon. Isa itong napaka mahalagang bagay na kahit sino ay makikilala ang may ari nito.

"Saan nyo ito nakita?" Sabi  nito. Habang may mga butil ng tubig na namumuo sa mga mata niya. Hindi makapaniwala at parang ayaw malaman ang katotoohanan.

"Doon sa isang babae. Na nakita sa may kusina." Sabi pa nito. "Siguro ay nalaglag iyan noong sumabog." Sabi pa ng pulis at agad din namang umalis. Napailing nalang at naiiyak si Demon.

Ang ibinigay ng pulis ay kwintas. Kwintas na patilos at ibinigay ito sa kaniya ng barkada. Lahat sila ay may roong ganito namay naka ukit na pangalan nila. Kaya madali ni demon nakilala kung kaninong kwintas iyon.

"Isa lang itong masamang panaginip. Kath! Masamang damo ka! Hindi ka basta basta mamamatay ng ganun lang!" Sabi pa nito. Nag si lapitan na ang mga kaibigan nito at niyakap siya. Nag si iyakan din ito dahil ang matagal na nilang inaantay ay kailan man ay hindi na nila makakasama.

"Tama na demon. Wala na siya. Tanggapin nalang natin ang katotohanan" sabi ng kaibigan niya. Sinabi niya ito ng napapailing. Dahil sa sakit na nararamdaman ay hindi nya nagawang mag salita.

Matapos ang ilang linggo. Nakilala na ang mga bangkay. Si Green, Blue at Red. Ang mag kakapatid na mga makapangyarihan. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na may natatanging taglay ito. Pero sa alam ng kaibigan niya, si Red ay si red. Hindi iyon mababago, si red na Palaaway. Si red na Reyna.

"Tayo na, ma huhuli na tayo." Sabi ng kaibigan ni demon. Habang tinatapik ang likudan nito, mabibigat na yabag ang pinakawalan niya dahil ayawniyang pumunta sa simenteryo. Ayaw niyang makitang ililibing na ang matalik nilang kaibigan. Pero sa ayaw at sa gusto nila ay dapat lang nila itong gawin.

"Kath" halos wala na itong boses ng banggitin niya ang pangalan ng kaibigan. Pugto narin ang mga mata niya.

"Patawad." Hanggang sa umiyak na naman ito ng umiyak. Lahat ng tao ay makikita mong malungkot. Madaming tao ang pumunta sa libing ni Kath, hindi kasi nila isinabay ang libing ni kath sa libing ng kapatid nito.

"Demon, tumigil kana nga sa pag iyak, tanga ka ba! Para kang bakla!" Sigaw ng kaibigan nito na kinainit ng ulo ni demon. Matalim itong tumitig sa mata ng kaibigan.

"Hindi kasi ikaw ang huli niyang nakasama! Hindi ikaw ang nakasama niya! Kaya wag kang mag salita diyan naparang may alam ka!" Dahil sa sinabi nito napatigil ang kaibigan niya. At malungkot na tumingin sa kabaong ng kaibigan.

"Oo hindi ako ang huli niyang naka sama, pero demon naging parti nadin siya ng buhay ko." Tumingin ito sa kaibigan. "At mas nasasaktan ako kapag nakikita ko na ang barkada natin ay nag kakaganito." Sabi niya. Marahil ay lagi niyang napapasaya ang barkada pero hindi ngayon. Hindi ngayon na libing ng kaibigan nila.

"Patawad." Sabi ni demon at niyakap ang kaibigan.

Binasbasan na ng pari ang kabaong ni Kath. At unti unti nadin itong ibinababa. Dahil sa hindi ni demon nakayanan, ay umalis ito at pumunta sa likudan. Doon umiyak na naman ito ng uniyak. At sinisisi ang sarili sa nangyari.

Napa dako ang mga mata niya sa gawing kanan na kina tigil ng pag iyak niya , hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o namamalik mata . Pero alam niya, alam niya ang hulma ng muka ni kath, gusto niyang malaman ang totoo kaya Lalapitan niya ito pero.

"Demon, tara na." Tinawag na siya ng mga kaibigan, ng tumingin uli ito. Wala na,

"Wala na siya"

-----

Kimlyshane22

RED EYED PRINCESS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon