Chapter 25

5.9K 172 0
                                    

Blue's POV

Malapit na ang itinakdang panahon, hindi ko na sinabi sakanya ang mangyayari. Pinag bawalan nadin kasi akong magsabi sa kanya ng ibang detalye dahil baka mapansin niyang nililinlang ko siya.

Tulad ng misteryo sa pamilya namin, mauulit ulit ito. Naguguluhan ba kayo? yaan nyo malalaman nyo rin . Nag hahanda na ako para hindi na maulit ang mangyayari sa akin ang nakaraan. Kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko.

May mga bagay na hindi dapat mawala pero may mga taong dapat mamatay.

Isang taong gahaman, gahaman sa pagiging mayaman. Gahaman sa kapangyarihan. Gahaman sa atensyon ng karamihan.

Mabuti naman akong nilalang pero sadyang ang bawat galaw ko ay kinakailangang limitahan dahil sa may nanonood sa bawat galaw ko.

Isang maling galaw ay katumbas ng isang buhay ng nga mahal ko sa buhay. Ang mga taong kumupkop saakin at inalagaan ako na parang tunay nilang pamilya.

Pero muling isinilang ang taong mag tatapos sa kasamaan niya at ito ang tatapos sa kanya. Kaya naman ginamit niya ako para pigilan siya, pero anong magagawa ako?

Hindi kami tunay na magkapatid ni red, sinabi ko lang yun sa kanya para pag katiwalaan niya aki. Well, kung naguguluhan kayo. Nalipat lang ang aming katauhan sa katawang ito at naiwan ang aming buhay sa nakaraan. Pero okay na rin yon na magkaroon ng bagong hinaharap. Ngunit kailangan naming maghiganti sa taong gumawa nito.

Minsan napapaisip ako na ang purpose ko ba sa mundo ay ang gamitin ng mga sakim na tao? Yun lang ba ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay?

----

Kath's Pov




Shit!



f*ck!

b*llshit!


What the fudge! Aiden! Papatayin na talaga kita! Kainis! Kung pwedi lang mapadali ang pag patay sa kaniya nagawa ko na. Bwisit siya.

Ughhh! Kainis, pano ba naman lahat ng pang ibaba ko maiikli!

Kung may mas iikli pa sa short na shorts yun na yon!

Alam naman niya na ayaw ko mag suot ng maiikli! Hindi dahil sa pangit ang legs ko, kundi dahil sa ayokong makakuha ng atensyon sa iba!

--

From:

03125640553


Kung gusto mong malaman

Ang mga katotohanan

Bigyang Kahulugan

Ang Puno sa kagubatan

Kung saan nakaukit

Nakaraang mauulit .

Sino naman kaya ang nag gawa ng katagang ito? Masyadong malalim. Isina walang bahala ko ito at itinapon ang aking cp sa ibabaw ng kama.

Nag hanap ako ng maaari kong maisuot kahit napaka iikli ng mga natitira kong damit.

Well, hindi ko talaga gustong may nagingialam sa kwarto ko. Bakit ba nila pilit ginugulo to ha! *smirk* kung akala nilang nag iiwan ako dito ng mahalagang gamit well nag kakamali sila.

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now