Chapter 8

9.8K 302 20
                                    

 Chapter 8

Draye's Pov

Makalipas ang halos dalawang linggo, hindi ko na muling nakita ang pagmumukha ng babaing iyon. Ano naman kaya ang nangyari doon? Kasalukuyan akong nakadapa habang nakaharap ngayon sa aking Laptop. Bakit nga ba ako naging interisado sa babaeng iyon? Napaisip ako ng malalim ng biglang sumagi sa aking isipan ang pag mumukha noon. Aish! Bakit ko ba siya iniisip?

Tiningnan ko ang background ng mga Vielle, ngunit ni isang letra'y wala akong nahanap. Talaga namang napaka makapangyarihan ng mga Vielle ni ultimo google walang masabi sa kanila. Tsk, naiinis kong sinaraduhan ang aking laptop. 

Humiga ako sa kama ng may pumasok sa aking kwarto. 

"Czusset?! What are you doing here?!"

Padabog akong tumayo atsaka hinila siya sa labas ng kwarto ko. Ayokong may ibang pumapasok sa kwarto ko.  May maid's na nasa labas ng kwarto ko, nakatungo silang nakaharap saakin. 

"M-master n-nag p-pupumilit p-po s-siya h-hindi n-na p-po n-namin n-na p-pigilan."

Halatang natatakot sila kay Czusset, alam ko ang ugali ni Czusset. gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto nya. Sinenyasan ko silang bumaba na, inis kong hinarap si Czusset. 

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi naman sa hindi siya welcome sa mansion namin pero, tama bang basta na lamang pumasok sa kwarto ko ng di man lang nag papsabing pupunta siya? Nakakainis!



"Masama bang dalawin ang magiging asawa ko?"

Para akong buntis na masusuka ng wala sa oras, hindi ko matiim na sabihin niya ang katagang asawa. Kung tutuusin siya lang naman ang may gusto nun, wala lang akong magawa dahil sa wala naman akong maihaharap na kasintahan kina Dad. 

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?"

Hindi ko mapigilan ang bunganga ko, tama lang yun dahil hindi ko naman siya gusto. -.- Mukha naman siyang nasaktan sa sinabi ko, wala akong pakialam sa damdamin niya. Tumalikod ako sa kaniya at pumasok ulit sa kwarto, papasok din sana siya ngunit agaran ko itong sinaraduhan. 

Next time nga lalagyan ko ng sign yung pintuan ko 'No Leech Allowed.' Hindi ko alam pero natawa ako sa naisip ko, ako lang ba ang natawa dito?

Narinig ko pa siyang kumakatok pero hindi ko na lang siya pinansin. Nakakainis siyang makita, makita ko lang mukha niya sira na agad araw ko. Bigla namang nag Ring ang Phone ko, pag tingin ko si Mom ang natawag. 

"Hello, Mom?"

Magalang kong sabi, alam ko naman na sesermonan niya ako. Dahil panigurado'y nag sumbong na si Czusset kay Mom. 

"Why did you close your door? Alam mong papasok si Czusset?"

Hindi naman galit ang tono ng pananalita niya, napasapo nalang ako sa mukha ko at umupo sa kama. 

"Mom, i told you naman na hindi ko gusto si Czusset. Lagi na lang siyang naka aligid sa akin."

Totoo naman yun, twing nag papraktis kami ng basketball. Biruin mo mag dala ba naman ng Pulbo at towel sa praktis namin. Gagawin pa akong baby ng babaing yun, puro pang aasar tuloy saakin ang mga ka team mates ko.

"Draye, alam mo naman na wala ka ng magagawa sa dad mo diba?"

Dahil sa sobrang pag kainis ko'y pinatay ko na ang tawag niya. Ilang sandali pa'y tumatawag na naman si Mom pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nakakainis lang ang paulit ulit na linya niya. Tumayo ako at pumunta sa banyo, pagkaligo'y nag bihis at lumabas na ng kwarto buti naman at wala na si Czusset. 

RED EYED PRINCESS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon