Chapter 30

5.6K 162 3
                                    


--

S O M E O N E ' S  P O V
----

"Where is she!?" Sabi ng isang nakakatakot na boses mula sa kabilang linya ng telepono. Walang sino man ang nakakapag pa kalma dito kapag galit ito.

"Baby, i don't know where that slut is!" Sabi ko naman, ng dahil sa babaeng 'yon nag kakaganito kami ng baby ko.

Simula nung lumipat siya naging magulo na ang relasyon namin. Bakit ba ganito ang epekto niya saamin.

"What the fck! Sabi ko sayo bantayan mo siya hindi ba!" Sabi niya, napa smirk naman ako dahil sa sinabi niya.



"Nawala lang siya saglit sa mata ko! Kasalanan ko ba na may sa pusa yung babaeng 'yon!" Galit na sabi ko.





"Eh kung walain ko din yang mata mo! Wala ka ng nagawa, puro ka dada!" Sabay end call niya.





Hindi ko napigilang mag ngitngit sa galit dahil sa napag usapan namin. Mas gumulo pa ang relasyon namin dahil sa kanya!

Kung pwede ko lang siyang patayin agad nagawa ko na. Sino ba naman kasi ang mag aakala na hindi niya kinagat ang pain ko.

Oo, ako ang nag padala sa kanya ng mensahe na kung gusto niyang malaman ang katotohanan ay pumunta siya sa gubat.




Pain ko lang yun dahil kung sakaling mag punta siya doon ay kamatayan ang nag hihintay sa kanya.

Humanda talaga yang babaeng 'yan hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa kaniya. Intayin niya lang, may araw din siya saakin.

---

--

K A T H ' s POV
---


"Hey," sabi niya saakin habang nag aayos ako ng bag.

Naomi.

Ilang oras niya akong hinintay sa Madison Park. Inaayos ko ang bag ko dahil wala akong magawa. Na boboring na din ako kausap siya.

"Hmm?" Sabi ko nalang, halata naman sa boses ko na wala akong ganang kausap siya.

"Do we have a problem?" Sabi niya, tumingin ako sa mata niya at parang nag mamakaawa siya. 

Slight akong ngumiti at ipinatong ang bag ko sa upuan, at isinarado iyon.

"Do we?" Sabi ko sa kaniya, konting nag laki ang mata niya at napa lunok. Napa iwas siya ng tingin sa akin.

"Uhm, libing ng dad ko bukas. Punta ka ha." Sabi niya saakin.

Until now hindi parin nila alam na ako ang pumatay sa tatay niya at sa iba pang scientist.

"Pag iisipan ko, medyo busy din naman ako e. Lalo na ngayon lumipat  ako ng school" sabi ko, napa upo siya ng ayos.

"Bakit ka nga ba lumipat?" Sabi niya.

"You don't have to know." Sabi ko, nginitian ko sya at tumayo.

"I have to go." Sabi ko sabay alis. Hindi ko na siya inintay na makapag salita pa.

RED EYED PRINCESS ✔️Where stories live. Discover now