Chapter 17

53 7 0
                                    

Gab's POV

Lumabas kami ng palasyo ng walang kasama. Kami lang na magkakapatid. Nagtatawanan sina Melinoe at Reu habang naglalakad.

Pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik ngunit mabigat sa pakiramdam. Madilim ngunit tila may nakatingin. Malamig ang klima ngunit nag iinit ang presensya.

Wala kang makikitang kahit anong pinagmumulan ng liwanag maliban sa palasyo.

Nang makarating sa dulo ng palasyo ay may sinakyan kaming bangka. Nakakabighani dahil tila walang hangganang tubig ang buong lugar ngunit makikita mo ang ilalim.

Ang kaluluwa ng mga yumao. Napakarami nila at tila nasusunog. Hindi ko maiwasang maawa sa kanila ngunit alam kong hindi sila mapupunta rito kung wala silang pagkakasala.

"Don't look at them." Melinoe said behind me.

I looked away to avoid seeing them. Si Reu ang nagsasagwan sa harap.

I've noticed that there's a lot of floating stuff. I touched one, it's a vintage watch. Binitawan ko na ito at pinagmasdan ang iba pang mga bagay na narito.

After a while, we arrived at our destination. My jaw dropped. Macaria's castle is different from Hades. Compared to earlier, this place is much more peaceful. No heavy feeling.

Mas maliwanag din sa lugar na ito at may ilan akong nakikitang bantay. Bumaba kami sa tapat ng gate ng palasyo. Hinarangan ako ng mga bantay at dadamputin na sana ako ngunit pinigilan sila ng mga kapatid ko.

"She's my sister." Nakangiting saad ni Macaria. Hinawakan niya ito sa balikat. Agad naman akong binitawan ng mga ito.

"Remember that, huh! The next time you touch her I'm going to throw you at Tartarus." Pahabol pang pagbabanta ni Reu kaya naman hinila na siya ni Melinoe. I palmed my face because of him.

Nang makapasok sa palasyo ay bumungad sa'min ang napakaliwanag na lugar. Karamihan sa mga makikita mo ay kulay puti.

"Am I in heaven?" I asked. Natawa naman sila.

"So you're saying father's place is hell?" Sambit ni Reu. I crossed my arms.

"Aren't the Underworld supposed to be hell?" I questioned. Napaisip naman ito.

"Good point."

Nilibot namin ang napakalaking palasyo pagkapasok. Napansin kong mahilig sa figurines ang kapatid ko dahil bawat parte ng lugar ay mayroon nito.

Madami ding mga kwarto at sabi pa niya ay sa akin na ang isa sa mga ito. Nahiya naman ako dahil don.

After we toured around the palace dinala kami ni Macaria sa napakalaking sala. May malambot na couch at may bookshelves. Napansin ko ding may mga board games na sa tingin ko ay galing sa mortal realm.

Does she play those games?

Kumuha ako ng chess at nilapag ito sa lamesa sa gitna. Naupo naman si Reu agad sa harap ko habang si Melinoe sa likod niya. Nakangiting nanonood lang samin si Macaria.

"Kapag natalo mo 'ko, I'll grant any of your wish." Napangisi naman ako sa hamon ni Reu.

"Deal."



The Journey Of The DemigodsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin