Chapter 6

75 8 0
                                    

Gab's POV

"How's your day?"

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaagad ako ng dining hall dahil napag usapan naming dito kami sabay na kumain. Kumpleto na kami ngayon at nagka kamustahan.

"Good." sagot ko.

"What are we going to do later about the ability training?" Tanong ni Jade.

Napahinto naman ako sa pagsubo ng pagkain at nabaling ang atensyon sa pinag uusapan nila.

"Don't worry about it. The teachers will guide you." Nagulat kami ng biglang sumulpot si Ellaine sa tabi namin. Umupo ito sa mismong tabi ko at ngumiti.

"Hi. I'm Ellaine." Pakilala niya.

"Hello?" nagtatakang tugon ni Jade. Napailing na lang ako at tumuloy na sa pagkain.

"Why are you here?" Kamill genuinely asked. I choked because of her straightforward question.

Natawa naman si Ellaine bago inayos ang salamin dahil nagulo ito. "I find Gab interesting kaya manggugulo ako sa inyo.. If you guys don't mind."

"Not at all." sagot ni Ate.

Patungo kami ng training hall at mapapansin mo ang dagsang mga estudyante patungo don. Pagpasok namin ay napaka lawak nito at may malaking arena pa sa gitna. Hindi mo aakalaing ganito kalaki ang loob nito dahil maliit lang ang pintuan at madami ngunit iisa lang ang patutunguhan.

"Excited to die?" Sumulpot sa kung saan si Lauren. Hindi maalis ang ngisi nito. Hindi na lang namin siya pinansin at nilagpasan.

"Let's go here." Si Ellaine ang nagdala sa amin sa mas malapit na upuan sa arena. Pinapadaan kami agad dahil sa kanya. Perks of being in the top 5.

"Dito na lang tayo."

Umupo kami sa pangalawang palapag malapit sa mismong arena. Hindi kami masyadong mapapansin dito dahil kami lang ang tao at medyo madilim.

"Settle down, folks." Natahimik ang buong training hall ng magsalita ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki. He was holding a cane and was wearing a red cape which made him very eye-catching.

"Who is that?" Rinig kong tanong ni Jade.

"Mister Gigory Thompson. One of the strongest sons of Ares and also the trainer of our school." Paliwanag ni Ate. Natahimik naman ako at nakinig na lang.

"Today, we will meet another offspring of our almighty gods and goddesses.." Matunog ang bulungan ng marami nang inanunsyo ito ng lalaki. Nagkatinginan naman kami ni Jade at yumukong pareho.

"I believe they are already here."

"Pumunta na kayo dun sa gitna." Saad ni Ellaine at tinutulak pa kami para tumayo. Bumuntong hininga na lang ako at tumayo na.

Nakasunod lang ako kay Jade. Naglalakad kami pababa ng arena at ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin kaya nakayuko lang ako habang naglalakad. Napansin ko si Miss Crimson na nakaabang sa amin. Nakangiti ito at sumisenyas na lumapit kami.

"Remember to breathe." Paalala nito. Natawa naman si Jade dahil dito.

Nang makaakyat sa stage ay bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Mister Thompson. His presence is very intimidating.

"Fascinating.." Pagkatapos kaming obserbahan ay humarap na muli siya sa mga manonood.

"Let us all welcome, another offspring of our magnificent Goddess of beauty and love, Daughter of Aphrodite, Jade Carter."

Maingay na palakpakan at matunog na hiyawan ang bumungad kay Jade nang siya ay pinakilala. Kaliwa't kanang papuri ang maririnig. Pinupuri ang ganda niya.

The Journey Of The DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon